Marahang bumukas ang pinto dahil sa hangin. Ang paligid ay madilim. Sa isang eskinita ay dumaan ang lalaki at nakita ang kanina pa hinahanap.

Napalunok ako nang sa kabilang dulo ng eskinita ay may isa pang nakatayo.

Dahan dahan ay tinanggal nito ang suot na maskara...

Isang malakas na kalampag ang narinig ko na pakiramdam ko ay magigiba ang pinto.

Inilapag ko ang bowl ng popcorn sa sofa at agad na tinungo ang bisita.

Masama akong tinignan nina Nicole at Andrea pagbukas ko ng pinto.

"Bakit ba hindi ka sumasagot? And you even changed the passcode. Bruha ka!" bungad ni Nicole.

"H-Huh?"

"Umamin ka. May tinatago ka ba?" akusa ni Andrea sabay lakad papasok.

Parehas sila ni Nicole kaya naman napapaatras ako.

"Hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kay-"

"Anong hindi? We've been trying to call you pero hindi ka sumasagot! Tinanong ko si Claudia and she told me you did not go to the office today pagkatapos mong magset ng meeting kahapon."

Napangiwi ako sa boses ni Nicole. She's really angry.

Nilibot ni Andrea ang buong apartment ko bago ako binalingan.

"Wala ka talagang tinatago? You're acting weird," aniya.

Tumawa ako ng peke.

"W-What weird? Hindi ba akong pwedeng magwindang ng sarili? I'm just watching some movies. Tsaka nasa kwarto pala ang phone ko, I forgot. The speaker is on kaya hindi ko narinig ang doorbell," tuloy tuloy na paliwanag ko.

Nanliit lalo ang mga mata ni Nicole.

"Now, that is really weird. Para kang guilty. You know, defensive," sabi ni Andrea sabay lingon kay Nicole.

"What? Nagpapaliwanag lang ako ng side. Anong-"

"At inuna mo ang paglilibang kaysa trabaho. Really weird," gatong pa ni Nicole.

I sighed in defeat.

"Okay. May iniisip lang ako. Hindi naman importante," pag-amin ko.

Nanlaki ang mga mata nila at agad akong hinatak patungo sa sala. Pilit na pinaupo nila ako. Umupo si Nicole sa mababang center table samantalang nakatayo lang si Andrea.

"Spill it," Nicole chirped.

"Hindi nga importante."

"We don't care. Ano nga?" pilit ni Andrea.

"Tsk! Panigurado mas importante 'yung ipinunta niyo. Kay Xian ba?"

Umiling iling si Andrea.

"Don't change the topic, Ms. Sanchez. Xian can wait," aniya kahit pa alam kong biro lang.

"Oo. She's a strong independent woman. Kaya niyang maghintay." Pumikit si Nicole, tila nagdadasal. "Xian, wherever you are, pupuntahan ka namin. Uunahin lang namin saglit si mareng Genesis" anito.

Natawa ako nang bahagya bago sila parehas na hinampas. "Mga baliw kayo!"

"We know that. So ano na nga?!" inip na sabi ni Andrea.

Huminga muna ako ng malalim. Alam kong hindi ko 'to matatago pero hindi ko naman alam na ngayon na mismo.

"I like someone."

Hinintay ko ang mga bulaan nila pero walang dumating. They both looked at me with nothing but excitement.

"And?" senyas ni Nicole.

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon