Pumasok ako sa simbahan. Nakita ko agad sina Shiela sa medyo bandang harapan. Sinenyasan nila akong magmadali.

"Ang tagal mong mangCR," ani Mae.

"May pila," sagot ko na lang.

Trina from behind her made an 'o' with her mouth. "Mas gumanda ka yata Victoria!"

"Hi Trina!" bati ko sa dating kaklase na kararating lang.

Nagpatuloy ang batian namin ng mga kasama hanggang sa sinenyasan na kaming tumahimik.

Simple lang ang kasal. Ni hindi ko nga namalayang naghalikan na pala. Ewan ko ba pero hindi ako mapakali sa buong seremonya.

"Huy Victoria! Kanina ka pa nag-aayos ng buhok diyan ah! Nakita mo ba 'yung gwapo?"

Gulat na nilingon ko si Shiela.

"Huh?"

"'Yung kanina!" excited na sabi niya.

"Well, kahit sinong gwapo. Wala ba? Kanina ka pa kasi nagpapaganda. Maging ang damit mo kanina mo pa tinitignan," dagdag pa ni Mae na napapalingon lingon na.

Kumurap kurap ako at umayos ng upo. "Hindi lang ako kumportable sa suot ko," palusot ko.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos ang pirmahan ng mga ninang at ninong. Ilang pictures din ang ginawa namin bago tuluyang natapos ang seremonya. Naglakad na palabas sina Paberly at ang kanyang asawang si Hansel.

"They really look good together!" Shiela squeeled beside me.

We all agreed. Akala namin dati ay hindi na nga magpapakasal si Paberly dahil may pagkaboyish siya. It turns out na tanggap siya ni Hansel kahit pa nananapak siya

"Bagay nga sila," ani ko.

Naghagis kami ng mga petals paglabas nila ng simbahan. Nang nakita kami ay tumigil sandali si Paberly para yakapin kami.

"I'm really glad na nakarating kayo! Balak ko sana kayong gawing flower girls pero hindi kasi kayo nagrerepl-"

Pinutol namin ang sinasabi niya.

"Ayos lang! Sorpresa nga kasi 'to. We confirmed our attendance with that husband of yours," ani Mae.

Muli ay sinamaan niya ng tingin ang asawa. Hinatak siya nito sa bewang at may ibinulong.

"Thank you. I love you," ani Paberly.

For a moment there, I raised a brow. Well, I'm not really sure what made her like that. Before, si Paberly 'yung tipo ng babaeng walang pake sa mga lalaki so...so I'm really curious why she's so expressive of her feelings for Hansel...

Napailing na lang ako. Halos maluha luha na si Paberly nang ihagis ang bouquet. Shiela caught it absentmindedly. Natawa kaming lahat dahil NBSB siya at siya pa ang susunod na ikakasal kung sakali.

"Did you bring your cars?" tanong ni Mae.

Tumango ako at ganun din si Shiela.

"Sige. Magkita na lang tayo sa reception, guys!" ani Shiela.

Ayun nga ang nangyari. Dahil medyo nahuli ako kanina ay sa bandang dulo ako nakapagpark. Palapit pa lang sa kotse ay napanganga na ako.

"Shucks!" sigaw ko nang mapansin ang flat na gulong. Napahawak ako sa bibig. I have no tools nor any extra tires!

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa.

"Shit! No signal!" Nasa bundok nga pala ako. Geez!

"What's the problem?"

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon