"Groceries?" tanong niya nang tuluyang makalapit.

Napatingin ako sa suot niya. A simple v-neck shirt. Kulay puti iyon at pinaresan ng shorts na itim.

"Alangan matulog ako rito?" I sarcastically replied before looking away.

Ngumuso ako at naglakad na papasok. Sumunod naman siya.

Kumuha ako ng basket at pumunta na sa mga section ng bibilhin. Hindi ko ba alam pero maya't-maya akong napapalingon. Masusulyapan ko siya pero parating dadaan lang, dala ang mga napiling grocery item.

Sinampal ko ang sarili nang hindi ko napigilan ang paglingon na naman. Oh why am I looking for him?!

Pinatunog ko ang mga daliri at tumambay na lamang sa chips section.

"Piatos or Nova?" tanong ko sa sarili habang hawak ang dalawa "Piatos? Hmm..."

"Why not veggies or fruits?"

Bahagyang napatalon ako sa nagsalita dahil sa gulat.

Tumingin ako sa gilid at nakita si Tyke na may hawak na mansanas at lettuce. I looked at him suspiciously.

"I never thought of you as a vegan."

Ngumisi siya at sumandal sa estante ng mga chips.

"What?" tanong ko.

"You were thinking of me?"

I faked a laugh.

"As if! I mean mukha ka kasing carnivorous," ani ko at agad na lumayo.

Nang makalayo ay nadinig ko ang tawa niya. Binilisan ko na lang. Minadali ko pa ang kahera para lang makaalis na sa lugar.

Kanina lang ay gusto ko siyang makita pero ngayon ay gusto ko na lang magtago.

I find him really intimidating. Hindi ko macontrol ang mga sinasabi tuwing kausap siya and I don't like that.

Sa apartment ay mag-isa ako. Nicole did not crash for tonight. Sa halip ay ginugulo niya ako tungkol sa deep-like na nagawa niya through a call.

"Hindi ko alam ang gagawin ko! Bra help me! Nakakahiya!"

"Well, don't unlike the photo. Mas halata ka," tanging naipayo ko. The rest of the conversation was me laughing at her clumsy stunt and her ranting.

Somehow, it's good to hear na hindi lang ako ang may ibang iniisip bukod sa pagkawala ni Xian.

Kinabukasan ay napabuntong hininga na lang ako. Naresolba ang mga problema sa Factory Three at Factory Five.

Halos tumirik ang mata ko sa saya dahil nabawasan ang mga pinoproblema ko nitong mga nagdaang araw.

Sumandal ako sa upuan ko at pinanood si Claudia habang inaayos niya ang memo sa meeting kanina.

"Say, Claudia. Have you felt like dying before?" wala sa sariling tanong ko.

Natigilan siya at gulat na nilingon ako. Her face suddenly turned pale and problematic. Madrama siyang tumayo at kabadong nilapitan ako.

"Ma'am, I'm not just an assistant. I've known you for two years already. Pwede mo akong sabihan ng problema," aniya.

Napa-facepalm na lang ako. Of course, iyon ang unang papasok sa isipan niya! Stupid Genesis Victoria!

"Claudia, I'm not planning to die."

Naguguluhang tinignan niya ako. "Pero sabi mo ma'am..."

"I did not mean it literally." Ngumiwi ako at tumayo. "Ugh, just forget it. Magtatanghalian na lang ako. How about you?"

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon