Chapter 1

13 2 0
                                    

People expect happiness with money. Well, not in my situation. I am the only heir of a prestige and wealthy family, the Mortezo family and I cannot say exactly if I'm happy. People see me because of my last name. Ang akala nila dahil kaya kong makuha lahat ng gusto ko ay masaya ako. How could I call us a family when I barely see my grandfather? Kaming dalawa na lang nakatira sa Mortezo's Vineyard pero hindi man lang kami nagkikita. I guess we never had that relationship. He still stand as the head of the family at sobrang busy sa business matters. Hindi ko rin naman maipipilit na maging close sa kanya dahil sampung taong gulang na ako nang mapunta ako sa pangangalaga niya.

I'm glad I have Hugo with me. He's my personal butler for eight years now and he's the only person I could trust with my everything. Alam na alam niya ang galaw at bawat kailangan ko. Sometimes I don't even have to ask, he knew already what I need.

But this past summer vacation, Hugo went abroad to study more about being a butler. Sinadya niyang hindi ipaalam sa akin dahil alam niyang pipigilan ko siya. It's no fun without him. Kahit pa may iba namang naninilbihan sa vineyard at umaasikaso sa akin ay iba pa rin kapag si Hugo ang kasama ko.

Last night he came back, ngayong umaga ko na lang nalaman na nakabalik na pala siya. He came back so late that he couldn't even say hello to me. I maybe whining but I consider Hugo as a close companion.


Tapos na akong mag agahan sa kwarto ko nang may kumatok. "Good morning, Miss Selene. Nakahanda na po ang gamit ninyo. May kailangan pa po ba kayo?"

Isa siya sa mga naninilbihan sa bahay na tinutuluyan ko sa vineyard. "Wala na. Salamat."Dahil unang araw ng bagong semester ay kailangan kong dalhin ang ilang requirement na nakahanda na sa mesa sa harapan ko. Glancing at those paper I asked the maid calmly, "Alam mo ba kung nasaan si Hugo?"

"Hinahanda na po niya ang sasakyan. Siguradong pupuntahan niya kayo mayamaya." She speaks patiently na para bang isa akong bata na inaalagaan niya. I could never get used to these ways of them treating me like a baby. I felt a little awkward, so I casually looked away."That's good. You may go now."

She bowed a little before closing the door in front of her. I was getting a little impatient. Maaga akong gumising at ako mismo ang naghanda sa mga requirements ko at kanina pa ako naghihintay kay Hugo. How long does he intend to make me wait? I glared at the door and sighed impatiently.

Hindi nagtagal ay may kumatok at nagbukas ng pinto. Pinigilan ko ang sarili ko na makita ni Hugo na naiinis ako dahil late siya.

"Good morning, Miss Selene. I am assuming you are ready to leave?" His mellow voice never misses to soothe my cracking nerves. He looked me in the eyes with a little smile escaping his mouth.

"Ready na ako. Oras na ba?"

That little smile grew wider. "Not really. May ilang minuto pa bago tayo aalis."I knew what that smile meant. Siguradong alam niyang maaga akong gumising at kanina pa naghihintay sa kanya. "Mukhang excited ka ngayon umaga, Miss."

I pouted a bit, trying hard not for him to notice. "No, not really."

He took a few steps towards me. "Is that so? When then," she chuckled. "It seems I'm more cherished by you than I previously thought, Miss Selene."

Nagkunot ang mga kilay ko sa kumpyansang pinapakita niya. "What?"

"Nakakataba ng puso na naglaan ka ng oras para makausap ako ngayong umaga."I flipped my hair in annoyance. "Don't get me wrong, Hugo. I only happened to ready particularly early! It's just coincidence!"

Even his eyes were smiling. "Is that so? I'm sorry for assuming." Kahit na hindi na siya nakatingin sa akin ay alam kong nakangiti pa rin siya. What's up with him?

Love Lies & ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon