Hi. Ako nga pala si Erica. 14 years old. At nagaaral sa isang private school. :) Kailangan ko pa bang ilagay? Wag na! Confidential. HAHA. Okay. nagising lang naman ako ng 5:30am at 6:30 ang pasok ko. At dahil first day ko ngayon sa school, edi hindi ako dapat malate. Ano lang? GRAND ENTRANCE ANG PEG KO? eh guess what?! transferee lang naman ako dahil sa work ni daddy. He's a businessman actually. :) okay! back to my story..
"You shout it out.. but I can't hear a word you say.. " Aspiring singer ako eh. Kaya pangbanyo lang ang boses ko.
"ERICAAAAAA! Anong oras na? antagal mo sa banyo? Ano? Dyan ka na forever?" mom.
"Hay na ko mom! Pwede ba, once in my life, maging supportive ka naman sa ambisyon ko?" Paawa effect naman ako habang palabas ng banyo.
"Aba! Di bali kung yayaman tayo jan sa boses mo eh! Eh mas may tono pa sayo si Anne Curtis."
"Ewan ko sayo mom!" Sabay walk out ang ate mo. :) Ang cool ng mom ko no? Syempre! nagmana ako dyan eh.
So, nagbihis na ako dahil AYOKONG MALATE.
Uniform= check!
Id= check!
Hair= Check!
Bag= Check!
Okayyy! Ready to go. So, lumabas na ako. Di na ako nagpaalam at kumain. Sanay na rn naman si mommy. Si daddy? Ayun. Baka di pa umuuwi. Akala ata wala na syang pamilya para uwian eh. HAHAHAHA.
Bukas gate, tingin sa salamin ng kotse na madadaanan ( WAG NYO SABIHING NEVER NYO TONG GINAWA HA? ), at hintay ng jeep.
May padating na na jeep. Yes! makakasakay na dn ako. Eh punuan ang jeep at late na ko, so no choice. Sakay.Pagpasok ko, nagusudan yung mga tao. Binigyan nila ako ng space syempre, umupo naman ako. tingin sa left, tingin sa right. Aba, gwapo to si kuya ah. At same kami ng uniform so dun din sya nagaaral. Sana kaklase ko. :"> So, Here I go, papansin mode na.
"Kuya, bayad po."
ABA! talaga naman, di ako pinansin. Eh aabutin na sana nung lalaking shonget yung bayad ko with matching smile pa, eh may tinga naman. Di ata nag toothbrush. So, what I did? Sinamaan ko lang naman ng tingin! Eh gusto ko si kuyang gwapo yung magabot eh. Isa pa.. isa pang try.
"Ahem.. Ahem.. Excuse me po! paabot ng bayad.
Aba wala pa rin. Talaga naman! Gwapo nga! BINGI NAMAN. Leche namn to oh. KInalabit ko na sya! eh di ako pinapansin eh. At humarap si kuya, shet. kung gwapo pag side view, ano po kung front view. Edi nagsmile na ako. Ehh. May headset pala. NAKANAMPUTS. Kaya d ako marinig. tinanggal na ni kuya yung headset nya.
"Excuse me. Ako lang ba tao sa jeep at kailangang ako pa ang istorbohin mo?" Kuya.
"Eh. Wala namang gusto mag-abot at nasa tabi na rin kita kaya bakt hindi pa ikaw?"
"Pasalamat ka good mood ako kung hindi.. " sabay kuya ng bayad ko at abot.
"kung hindi ano?"
"hahalikan kita."
Dahil nga sa nabigla ako. Di na ako nagsalita. TE?! sa ganitong pagkakataon, gwapo na! aayaw ka pa? nag-BLUSH lang naman ako ng todo.
"Ginusto mo naman? Tsk, alam kong gwapo ako. Pero please, don't take it seriously. Baka mabalitaan ko, nagpasagasa ka na. HIndi ko yon gagawin sayo. At wala akong balak. Dahil ang isang tulad ko, NEVER MAGKAKAGUSTO SA KATULAD MO."
Nabigla lang naman ako sa speech ni kuya! Grabe lang ang pagkapahiya ko. Ilulubog ko na lang ata sarili ko. Bigla syang nagpara at bumaba na. Nasa tapat na pala kami ng school. At before ako bumaba, nasa bandang pintuan na ako, humarap muna ako sa mga tao sa Jeep.
"Ano? MAGANDA BA ANG PALABAS? dapat binayaran nyo man lang ako. Para sulit ang panonood nyo. Baka gusto nyo pa ng Popcorn? MGA CHISMOSO!" Sabay baba ng jeep.
naglakad na ako papuntang school. Naghihimutok ako sa galit at di ko mapigilan ang sarili ko..
"Hayop na lalaki na yun! Napaka, kung ano ang kinagwapo, yung ang kinasama ng ugali.. ARGH! Lord! Please, wag nyo ko ilagay sa klase ng demon na yon!"
Di ko napansin. pinagtitinginan na pala ko ng mga kasabay ko maglakad.
"Tignan mo sya oh, nababaliw na ata!" Girl 1.
"Oo nga eh! Mukhang bagong estudyante, ngayon ko lang napansin eh." Girl 2.
"Oo nga eh. Uyy! Nakita mo na ba sa Drew?" Girl 1
"Ay, oo. SHET! Ang gwapo nya pa rin ha? May gig daw sila mamaya ahh. pupunta ka?" Girl 2.
"Oo naman, ako pa? Hihi" Girl 1
Hay nako. At sino naman si Drew? Gwapo kaya? Ano ba yan! First day, BOY HUNTING agad? Pagpasok ko.. Andame ng estudyante. Dumiretso ako sa bulletin board for the sections.
"ERICAAAAA!"
ooh. Naririnig ko na ang tili ng bestfriend ko, si Riza.
"Riza! Musta ka na?" tanong ko sa kanya.
"Okay lang ako, Hay. Andame kong kwento sayo.. Alam ko na section natin. at magkaklase tayo! Ang saya no!? tara! Punta na tayo Classroom natin."
"Sige lang"
Edi papunta na nga kami sa classroom namin. Papasok na kami ng may biglang lumabas, at dahil sa lakas ng pagkakabangga nya sakin, napa-upo lang naman ako. BWISET NAMAN OH. T.T
"Oh, I'm sorry! Di ko sinasadya"
Sabay tayo.. "Anong di mo sinasad....ya"
Ay shit te! Ang gwapo! :"> aawayin ko pa ba?! HAHAHA.
"Okay lang. Ano ka ba? Kahit ilang beses mo pa ko mabangga, okay lang basta ikaw" Sagot ko naman.
"Ahaha. You know what? You're funny. Justine nga pala." Sabay abot ng kamay nya.
" Erica." Sabay ngiti ng pinakamatamis kong ngiti.
"Ehem.." kunwaring cough ng best ko.
"Ay, sya pala si Riza, Bestfriend ko."
"Hello." pa-cute ng friend ko.
"Hi. Uy, sorry talaga ha! Di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh. Kailangan ko agad pumunta sa Hall."
"Okay lang yun.. Di mo naman.."
"Justine! Ang tagal mo naman pre! kailangan na tayo sa hall. Iaassemble pa natin yung mga instruments dun para sa welcoming! " Boses ng isang lalaki.
"Ay sorry Drew! Nabangga ko kasi tong si Erica eh.. Nagsorry pa ako."
Ay takte! may pumutol sa sasabihin ko. SIno naman tong impakto na to sa likod ko. Sabay talikod ko. At sa dinami-dami ng makikita ko! SIYA PA?!
"IKAW NANAMAN?!"
"IKAW NANAMAN?!"
OH DIBA?! ganda ng first day ko, at sabay na sabay pa kami. MAY GULAAAAAAAY! Kakahiling ko lang Lord, di ba ako malakas sa inyo? T.T
**