10. The Story

5 0 0
                                    

ERICA's POV

Lumabas sya ng canteen at di ko alam kung saan sya pumunta. Well, baka sa room lang din. Hay. Ganito na lang ba highschool life ko? Such a fail.

Tapos tumuloy na sa paglalakad sina Patrick at Anj.

(ANJ's POV)

"Okay ka lang?" tanong ko kay Pat.

"Of course I'm fine. Pero Anj, bakit ba ayaw mo sabihin sa kanya yung reason mo?"

"What for?" tanong ko kay Pat sabay upo na sa table namin.

"He didn't listen to me when I was trying to talk to him. he just left me without even asking for explanation. He conclude everything."

"I understand what you're trying to say but..."

"No buts Pat. Pero thankful ako sayo at you stayed with me."

"Of course Anj. Bestfriends tayo eh. At alam mo namang.."

"Alam ko. Alam ko. Hahaha. Let's not talk about it. Alam mo naman kung anong lagay mo sa puso ko."

"Grabe! Sinasaktan mo nanaman ako ha!" Sabay tawa ni Pat na natawa na din ako.

"Tigilan mo ako ha! Saktan-saktan. Saktan kita dyan eh! At pwede ba, Let's just eat. Ginutom ako."

At yun nga.. Bumili na sya at kumain kami. Di ko naman kasalanan ang lahat at lalong hindi sya. Napansin ko naman nakatingin sakin si Erica. And I just smiled at her.

(End of Anj's POV)

ERICA's POV

Nginitian lang ako ni Anj. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya eh. Nag smile back na lang ako. Wala naman akong problema with her.

"Bakit ba nagaway yang dalawang yan?" Tanong ni Riza sakin.

"Ako pa talaga tanungin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry na. Galit agad? Meron?" Sabay tawa ni Riza.

"Tse! Bakit di si Justine tanungin mo? close naman kayo diba?"

"Haha! Natanong ko na yan sa kanya."

"Natanong mo na pala bat mo pa tinatanong sakin?" -______- nakakabanas lang talaga minsan tong babaeng to eh.

"Kinocomfirm ko lang naman!" Sabay tawa nya..

"So anong sabi nya sayo?"

"Secret"

"Sige. Ganyan tayo e. Ganyan ka best." Tampu-tampuhan naman ako sa kanya.

"Sige na, sabihin ko na."

"Ano nga?"

"Ganito kasi yan. Magkakabanda yang sina Drew at si Pat pa ay kagroup nila non at si Anj ang taga-gawa ng mga original music nila. That time kasi puro music sheets lang ang dumadating sa kanila. Di nila kilala kung sino ang gumagawa. Basta ang sabi ni Pat sa kanila, Kaibigan nya daw. Tapos e silang magkakatropa, open sila sa isa't-isa. So naguusap sila ng mga nagugustuhan sila. Meron kasi silang BRO CODE. Yung tipong pag gusto ng isa ang isa, bawal ng gustuhin. Gets mo ba?"

"Oo naman. Gets ko. Tapos?"

"Ayun, e naguusap-usap sila. Eh itong si Drew daw may ngugustuhan na tao pero di naman nya alam kung anong pangalan. So dinescribe nya yung babae. Nakikita nya daw kasi madalas yung girl na yun sa music room. At kasabay nun, nagkwento din si Pat na may gusto din syang tao. At matagal na silang close. Wala lang syang maisip na paraan para maligawan yung girl. Eh sa di inaasahang pagkakataon, iisang tao lang pala yung tinutukoy nila. Yun ay si Anj."

~~~~ RINGGGGGG.

Shet! Hudyat na ng bell yun. Kailangan na naming bumalik ng room.

"Tuloy mo na lang sa room." Sabi ko kay Riza.

"Di pwede. Baka magalit si Justine pagnarinig kasi promise ko walang makakaalam eh"

"Nge. Osige. Sa uwian na lang. Pagkatapos ng klase."

"Osige."

At yun nga.. Tumayo na kami at pumunta ng room.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon