8. Unexpected

7 0 0
                                    

ERICA's POV

(After 1 week)

Kakabell lang, meaning- recess na. At naglalakad na kami ni Riza papuntang canteen.

"Ba't di mo pinapansin si drew?"

Tanong sakin ni Riza. Yap! Tama kayo ng basa. Di ko nga sya pinapansin. Kasi sa twing nakikita ko sya, naaalala ko yung gabing yun. -____-

(Flashback)

/@cafe after gig/

Matapos nilang kumanta, diretso na sila sa table namin.

"Nice one Drew! Dami mo talagang fans!" Bati sa kanya ni Riza.

At ang sagot lang ni Drew? Smirk! Yun lang. Di man lang nagpasalamat.

"Grabe."

Medyo pabulong kong sabi pero nakaabot pala sa kanya.

"Anong sabi mo?"

Tanong nya sakin. At dahil nakaamoy ata tong mga to, Riza, Justine, Rix at Luke, nagyayaan silang magsayaw sa dance floor kaya naiwan kami sa table.

"Wala." Sagot ko sabay irap at baleng sa ibang table.

O__O

Omg! Tama ba nakikita ko? Sina Anj at Patrick yun sa kabilang table ah. Biglang nagsalita si Drew.

"Sino ba yang tinitignan mo?" Tanong nya sakin ng palapit. At dahil di ko naman alam na lumapit pala sya, paglingon ko...

WHAT THE F!?

Did we just kiss? At ang masama pa don, di pa kami agad naghiwalay. Medyo shocked pa kami sa nangyari.

Ako ang unang humiwalay sabay tulak sa kanya!

"What the fuck Drew?!" Sigaw ko sa kanya ng may kasamang tulak!

Nagtakip naman sya ng tenga.

"Akala mo naman, first kiss nya yon!"

At di naman ako umimik. Kasi totoo. Kahit naman naging KAMI ng taong nangiwan sakin, never kaming nagkiss. Nagstart kasi kami as bestfriends sa dati naming lugar. At di ko na muna ikekwento kasi wala ako sa mood. -__-

"This is epic! so I am right!?" Tanong sakin ni Drew na nakaagaw naman ng atensyon nyang tawa. Dahil doon, napaharap samin sina Anj. At di ata napansin ni Drew kasi di pa sya tapos sa kakatawa.

Halos mamatay sya sa kakatawa at sana matuluyan to! Ako nahihiya sa ginagawa nya eh.

"Stop laughing!" sigaw ko sa kanya ng namumula.

At dahil don, napatayo na ako. Pagtalikod ko naman, nabunggo ko yung waiter at natapon sa damit ko yung drinks. OMG!

Bigla naman akong dinaluhan nina Patrick.

"Erica, are you okay?" Tanong sakin ni Anj ng may bahidbng pagaalala yung tono.

"Oo. Ayos lang ako."

Napatingin naman ako kay Drew na nakaupo pa din sa upuan nya at titig na titig kay Anj. Siguro kung ako si Anj, natunaw na ako. Pero hindi eh!

"Ikaw may kasalanan nito!" Duro ko kay Drew.

"Pano ko naman naging kasalanan yan? Sino bang tang ang bigla-bigla na lang tumatalikod?"

Tanong nya sakin pabalik. Tapos bumalik na sina Riza sa table namin.

"Oh, anong nangyare sayo? Bakit basang-basa ka?" Tanong sakin ni Riza.

Di ko sya sinagot. Sinamaan ko lang ng tingin si Drew at sa sobrang inis ko, kinuha ko yung isang drink sa table namin at tinapon yun sa kanya. Ano ka ngayon?!

"ERICAAAA! ano sa tingin mo ang ginawa mo?!"

Galit na tanong nya sakin. Hinawakan na din ako nina Patrick. At di ko sya sinagot. Hinila ko na lang si Riza at bago kami lumabas, sumigaw ako.

"Bagay lang yan sayo! Hambog!"

Paglabas namin, huminto bigla si Riza. At dahil hawak ko sya, napahinto din ako.

"Anong nangyayare sayo? Bat mo tinapon si Drew ng drinks?" Tanong sakin ni Riza.

Di ako sumagot. Naiiyak na ako. Ang first kiss ko. :(( i want my first kiss to be in a romantic place with a special person i love pero dahil sa lintik na lalaki na yun, goodbye first kiss.

"Uyyyy. Bat ka naiiyak?" Tanong sakin ni Riza.

"Rizaaaaa" paiyak na tono ko binanggit name nya.

"Ano bang nangyare?"

"Kinuha nya.."

"ANG ALIN?! virginity mo? Pero pano?!"

Ang OA talaga nitong babaeng to eh. Binatukan ko nga.

"Gaga! Ang OA neto! Hindi."

"Eh ano?"

"First kiss ko!"

"Sus! Ikaw ang OA dyan eh! Parang yun lang!"

"Anong yun lang eh, kahit nga si ano di ko binigay yon!"

"Ewan ko sayo! Buti nga gwapo eh!"

Sa sinabi nya. Napa nga-nga na lang ako. Binatukan ko ulit sya.

"Abnormal ka din e noh!" Sabi ko.

"E ikaw kasi e! Ayan tuloy! Di ko machachansingan si Justine!"

"Sinisi mo pa talaga ako! E kanina ka pa nga nabgiiscore sa kanya. Yung totoo?! First day pa lang. Feeling close agad?"

"Tse! eh, pano na tayo uuwi nyan. For sure di tayo isasabay ni Drew. Sya pa naman may sasakyan"

"Alam mo. Di talaga tayo sasaby dun! May taxi naman noh! at marunong naman tayo mag commute."

"Ehhhh.." Pagiinarte ni Riza.

"Wag ka na ngang maginarte! Tara na!" At yun nga.. Tumawag na kami ng taxi at tinext ni Riza si Justine na umuwi na kami. Bilis talaga nitong babaeng to eh! May no. Agad?! Well, ano kyang nangyare sa loob? naiwan pala silang tatlo. Hayy.

(End of flashback)

"Asus! dahil pa rin don?" Tanong sakin ni Riza. Di ako sumagot.

"Move on-move on din ateng pag may time ha?"

"Palibhasa, di naman ikaw ang nawalan" pagreklamo ko sa kanya.

"Kung maka-nawalan ka dyan akala mo virginity kinuha sayo noh? Tska, kung si Drew din naman. Go na! Basta wag si Justine. Akin yun eh!" Sabi ni Riza.

"Edi iyong-iyo na! Saksak mo sa liver mo."

Nakarating na kami sa canteen at umupo sa usual table namin. Lagi naman ganito ang set-up pero walang pansinan na nangyayari samin.

At mas gusto ko ang ganito. Walang asungot. Hahaha! :))

At bumili na nga kami ng kakainin. My fave macaroni ang pinabili ko kay Riza dahil ako ang nanatili sa table namin. Nasa upuan na kami ng pumasok sina Anj at Patrick sa canteen ng nagtatawanan. At pagpasok nila, sabay tayo ni Drew.

"Wala na akong gana. Ge. Una na ako"

Sabi ni Drew.

Pagalis nya, makakasalubong nya sina Patrick at yun nga.. Binangga nya si Patrick sa balikat.

"Problema mo?" Tanong ni patrick at biglang tumahimik sa loob ng canteen.

"Tama na yan." Pigil naman sa kanila ni Anj.

"Ikaw" sagot ni Drew at labas ng canteen.

Hayy. Laki ng galit mo sa mundo. Daig mo pa ang nagmemenopause.

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon