ERICA's POV
Pagdating namin sa room. Natutulog na si Drew. Pumunta na kami sa pwesto namin at dumating din yung teacher namin at nagsimula ng magklase.
Dumating na din ang lunch at afternoon break. Wala naman kaming ginawa kundi discussions lang. Ng uwian na..
"Tara na" hila ko kay Riza.
"Wait lang naman. Di pa ako nagliligpit ng gamit ko."
"Echosera ka! Parang andami mong gamit ha? Ballpen at isang notebook lang naman gamit mo e!"
"Manahimik ka nga dyan. Nagaaral pa rin naman ako kahit ganito lang gamit ko no!"
Pagtatanggol nya sa sarili nya. If I know, hinihintay lang nito si J e. Psh.
"Ano? Tapos ka na?"
Sabay binulungan ko sya.
"May itutuloy ka pang kwento diba?"
Lumaki bigla yung mata ni Riza. Psh. To talagang babaeng to.
"Hihi. Oo nga pala. Sige na nga!"
Before kami umalis, nagpaalam muna kami kina J.
"J! Una na kami ha!"
Paalam ko sa kanila. Nandun pa rin kasi sila sa room. Ewan ko ba sa mga to. Ayaw pang umuwi. Ughh.
Palabas na kami ng biglang nagkaroon ng announcement.
"Calling all the attention of the class presidents, please proceed to the SC room. Thank you!"
Ugh! Bwiset oh. Bakit nanaman nagpapatawag?
"Best. Una ka na. Sunod na lang ako. Text kita pag punta ka na sa bahay ha?"
"Okay! Osige. Dito na rin muna ako."
"Sus. Maglalandi ka nanaman?"
"Napakasama naman nito oh"
"Joke lang! Osya, una na ako."
At yun nga.. Pumunta na ako sa room. Kumatok na muna ako sabay pumasok. Pagpasok ko, si Pat pa lang naman ang tao dito. Pumasok na ako at pa-lingat-lingat.
"Oh, akala ko may meeting?"
Tanong ko kay Pat. Sabay upo na sa may couch.
"Meron nga"
"Eh bakit wala pa yung iba?"
"Malay ko."
"Bakit ang sungit mo?
"Ingay mo e"
At dahil dun. Tumahimik na nga ako. Napansin ko, andaming plaque ang nandito sa loob. Puro achievements.
"May tanong ako"
Sabi ko sa kanya.
"Ano yun?"
"Hmm.."
"Ano?"
"Wag na lang pala."
"Weird mo."
Ako pa talaga ngayon ang weird. Baka sya! Hahaha! Kabwiset. Patawag-tawag ng meeting tas late naman yung mga kameeting! Anebenemenyen!
At yun nga.. Pumasok na sunod-sunod yung mga class officers. Kaya pala nagpatawag kasi opening ng mga clubs next week. Next week pa naman pala e bakit ang aga pagusapan!?
"So, since president kayo ng mga klase nyo. Kayo ang maghahandle ng mga club. Itatapat natin sa talent at gusto nyong salihan." Sabi ni Pat.
Ahh. Ganun pala. Eh pano ako nyan?! wala naman akong talent at ang hilig ko lang, billiards at for sure, wala non dito! Oh? Gulat kayo? Magaling akosa billiards. Haha! Mga college studs na nga ang nakakalaban ko minsan. Yun nga lang, iba pangalan ko dun. Hindi Ericka or Ica. Mas kilala ako dun bilang E. Hahahaha! So lame!
"Kelan magstart ang pagassign ng mga maghahandle sa club?" Tanong ng isa sa mga president.
"The day after tomorrow I guess. Since kailangan muna naming student council i-sort out at ipa-approve sa management." Sagot ni Pat.
"Ah okay." Sagot naman ng isa at nagtanguan na din ang iba.
"So, tapos na ang meeting. You can go now." Sabi ni Pat.
At lumabas na nga kami. Paglabas ko, nakita ko si Anj sa labas ng room waiting for Pat I think since boyfriend nya naman yun.
"Hi Ericka."
Bati nya sakin.
"Hi din. Waiting for Patrick?"
"Yes."
"Oh, ihahatid ka ba nya?"
"Oo e. Kaya nga hinihintay ko sya. Tapos na ba kayo?"
"Yap. Osige. Una na ako sayo ha. See you tomorrow!"
"Bye."
At nagwave na nga kami sa isa't-isa. Wala talagang problema dito kay Anj e. Baka dun sa mamaw talaga na yun e. Well, malalaman ko din naman ang buong story ng pagiibigan nila. Pwe.
Pero, bakit nga ba ako curious? Hm. Bahala na nga. At yun nga, umalis na ako. Palabas na ako ng school ng makita ko si Drew na nakasandal sa may labas ng school sa may gate. May kotse naman to ah? Ba't andito to? Lalampasan ko na sana to pero binato nya lang naman ako ng maliit na bato! Taragis naman oh! Bakit to namamato?!
Di muna ako humarap. Naghanap muna ako ng bato sa gilid-gilid pero wala kong nahanap kaya no choice ako. Binuksan ko yung bag ko at naghalungkat ng gamit at ang nakuha ko yung eraser ko. Pagkaharap ko sa kanya, binato ko agad sya. Swerte nya lang nakaiwas sya. Pwiset!
"Problema mo?!" Angil ko sa kanya.
"May tatanong ako." Nakasandal pa rin sya dun at tinitignan ako.
"Magaling ka bang magpanggap?"
Aba naman talagang putapete na to! Mukhang may balak pa ako maging fake girlfriend para mapagselos si Anj kagaya ng mga nababasa ko sa mga libro.
"At bakit mo naman natanong?! Pagpapanggapin mo akong girlfriend mo para magselos si Anj noh?!"
Aba at ang walahiya! Nagsmirk lang! Nag-SMIRK lang.
"Asa ka! Kahit ikaw na lang ang natitirang babae dito, di kita papatulan. Tska ikaw? Gagamitin ko para pagselosin si Anj? Tss. Di gagana yun lalo na kung ikaw ang ihaharap ko!"
"Ang kapal din naman ng mukha mo noh?!" At lahat ng gamit ko bag ko pinag-tatatapon ko sa kanya pero iniiwasan nya lang at tinatawanan!
"E bakit mo ako tinatanong?!"
"Kasi sa darating na club meeting. Baka wala kang mahawakan."
"At bakit naman?"
"Bakit?! Anong tingin mo sakin?! Walang alam! Sapakan na lang oh!"
"Tsk. Topakin ka na basagulera ka pa. Psh."
"Ugh! Umalis ka na nga! Hayop ka!"
"Aalis talaga ako no!"
"Ay wait, mauuna ako!"
"Wait!" Pigil nya?
"Ano?!"
"Yung gamit mo? Di mo kukuhain? Aba! Ang yaman mo naman pala. :))"
at yun nga, ang loko. Umalis na. Ako, para akong mababaliw! Pinuntahan ko yung pwesto nya kanina at dinampot yung gamit ko. Habang dinadampot ko..
"Oh Ericka, ginagawa mo dyan?" Paglingon ko, si Anj pala kasama ni Pat.
"Ah, wala. Naghahanap ng pagbabaunan ng gamit ko. You know? Treasure?"
"Haha! Alam mo, nakakatawa ka. Sige una na kami ah. Ingat!"
At yun nga umalis na sila. Bwiset talaga. Napa-face palm na lang ako at dahil sa bwiset ko, iniwan ko na yung mga binato kong gamit. Uuwi na ako! T.T