A/n: dahil nga sa tinatamad ako, di na ako nagupdate. New year's resolution ko: tatapusin ko to. Haha! At sa pagpilit sakin ng friend ko.
**
ERICA's POV
After nya akong barahin, di na ako sumagot. Walang kwenta tong kausap eh. Ito naman si best, busy. Huhu.
Pagdating namin sa cafe kung san sila maggi-gig, in fairness, andami ng tao. Sikat ba talaga sila.
"Di ka na ba bababa dyan?" Tanong sakin ni drew.
Di ko napansing bumaba na sila. Bumaba na din ako at inirapan sya tas diretso na sa loob. Before ako makapasok, dami ko pang naririnig na chismis.
"Diba yan yung mga bagong transferee sa school?" Girl 1
"Oo nga noh? Ano ba yan. Bago pa yang mga yan dito, kumekereng-keng na" Girl 2
Di ko na napigilan sarili ko. Sorry sila. Bitch talaga ako e.
"Excuse me, are you refering to yourself?" Tanong ko.
"Excuse me?!" Sagot sakin ni girl 1. Tapos tinabihan pa ni girl 2.
"Oh? Dadaan ka? Pero sorry na lang. I won't let you. You're talking about us?! What the F*ck!? Do you know us? Ha? Di mo nga..."
Di pa ako tapos resbakan yung mga panget na yun e may humila na sakin.
"Halika na nga! And what are you trying to do?! Sirain ang gig namin?"
Sabi sakin ni Drew. At pagtingin ko sa may stage, nandun na si Riza kasama si Justine. So, ganon na lang? Iiwanan na lang ako. Bakit???
"Hoy! Tinatanong kita!" Sigaw nya sakin.
tinignan ko lang sya tapos nilagpasan ko na sya tapos dumiretso na ako sa MAGALING kong BESTFRIEND.
DREW's POV
Wtf!? Napamura na lang ako sa isipan ko e! Sya na tinulungan sya pa galit? Hala. Iba na ba talaga babae ngayon?
Papasok na sana ako sa loob ng may tumawag sakin..
"Drew.."
ERICA's POV
"Hoy Riza!" Paglapit ko sa kanila.
"Oh?" Tanong nya sakin while staring at Justine.
"Yung totoo? Iniwan mo ako dun sa mga empakta na yun para lang matitigan lang yang si Justine?"
Tinakpan bigla ni Riza yung bibig ko.
"Ica! Shut up! Marinig ka ni Just nyan eh!" Sita sakin ni Riza.
Tinanggal ko yung kamay nya sa bibig ko.
"Ano ba?! May tawagan na agad?! Wala man lang paalamanan? Ano na sunod? Kayo na?!"
Biglang tumawa si Riza.
"Hahaha! Sana magdilang anghel ka best."
Sabi nya sakin habang kinikilig.
"Abnormal ka talaga! Magpakadalagang-pilipina ka nga!"
"Sus! Di na uso yan ngayon! Haha."
"Baliw ka talaga!" Sabi ko sa kanya sabay batok ko.
"Makabatok naman to!"
Binatukan din ako. -___- Aba! Tapos di namin napansing nakalapit na samin si Justine. This time, kasama nya na sina Luke at Rix.
"Nice! Ganyan na ba ngayon magmahalan ang mga magbestfriends?"
Tanong ni Justine samin sabay tawa.