DREW's POV
Recess na namin at pumunta kaming canteen. Kasama ko ngayon sina Justine.
Pagdating namin, pumunta na agad kami ng table namin at hinintay sina Erica. Yun pa. Pinoproblema ko din.
Ugh! Nakakabwiset!
Una, di ako pinapansin ni Erica. E di naman sadya yun tska kasalanan nya yun! Bigla syang humarap. Tapos, tinapunan pa ako ng drinks as if naman ako nagtapon ng drinks sa kanya. Abnormal talaga yung babaeng yun eh. May sayad.
Second, si Anj.
(Flashback: before gig @cafe)
Papasok na ako ng cafe ng biglang may tumawag sakin..
"Drew"
Pagharap ko. Si Anj pala. Medyo napangiti ako.
"Oh? Anj." Nilapitan ko pa sya.
"Nandito ka ba para panoorin ako?"
"Hindi" sagot nya.
"Eh bakit nandito ka? Bat di mo kasama yung taksil kong kaibigan?"
"Drew. Will you please stop this?! hindi nya kasalanan ang lahat"
"Pano hindi nya naging kasalanan ang lahat?! he stole you from me!"
"Of course not!"
"Anong hindi? tayo non Anj! Tayo!"
"Oo. Tayo non! Pero ayoko na talaga. Ayoko na! Nasasaktan lang kasi ako"
"Nasasaktan ka?! nasasaktan ka na pala bat di mo sinabi para naayos man lang!"
"Hindi na maaayos yon. Dahil sa mga panahong yun, nandun lang si Patrick"
"That's bullshit! So ano? Nahulog ka sa kanya! That's so cliche Anj! Biglaan lang ang nangyare? Ha?!"
Sa sobrang galit ko.. Nahawakan ko ng madiin yung braso nya. Tas biglang may dumating at tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa kamay ni Anj.
"Drew! Ano bang ginagawa mo?! Bat mo sinasaktan si Anj?!"
"Psh. Sinasaktan ko sya?! Pat! Kapatid na turing ko sayo. Pero gago ka! Inagaw mo sya sakin! Inagaw mo!"
"Walang agawan na nangyare! Kasi in the first place! Sinabi ko na sayo na sya yung mahal ko!"
"What the! Anong pinagsasasabi mo dyan?! Alam kong magbestfriends kayo! Kung mahal mo sya, dapat sinabi mo na ayaw mo! Hindi yung kami na saka ka eentra!"
"Diba sinabi ko sayong may gusto na akong babae! At balak ko na syang ligawan sya. Pero bigla mong sinabi na meron ka din! Tinanong kita non kung sino! At sinabi mong si Anj! Alam mo ba parang sasabog ang utak ko non kasi pareho tayo! Pero hinayaan ko na lang kayo!"
"So sinasabi mong dapat nagpasalamat pa ako sayo non?! Ha?!"
"Hindi! Ang sinasabi ko, i let her go para sayo! Sinabi mo na lang na nililigawan mo na sya hanggang maging kayo! may ginawa ba ako? wala! Masaya ako para sa inyo yun. Kasi nakikita kong masaya si Anj pag kasama ka!"
"E masaya naman pala sya sakin eh! Bakit inagaw mo pa sya sakin?!"
"I told myself na pag nakita kong umiyak si Anj because of you, I'll do anything para di sya masaktan. Pero one night! Nakita ko sya sa labas ng school. At umiiyak sya!
Napatingin ako kay Anj na nakayuko lang. Tapos bigla syang tumingin kay pat.
"Pat. Tama na! Stop it will you?" Sabi ni Anj.
"Pero hanggang kelan ko itatago!? Dahil sa nangyare, ikaw ang nagiging masama dito e!"
Napatingin ako sa kanila..
"What are you talking about?!" Kinuwelyuhan ko na si Pat sa sobrang frustration dahil di ko alam ang pinagsasasabi nila.
At bigla na lang pumasok ng cafe si Anj.
"Figure it out yourself"
Sabi ni Patrick at tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa kwelyo nya.
At napatulala na lang ako dun at pumasok na din sa cafe. Pagtingin ko sa table. Nakita ko si Erica. Psh.
(End of flashback)
Ano bang nangyare nung gabing yun?! Wala akong alam. Kasi hindi ko pinakinggan paliwanag nya.
"Pre, bili na tayo ng makakain" alok sakin ni Luke.
Tumayo na ako at bumili ng food. Matapos bumili. Nagstart na kaming kumain. Napatigil lang ako ng pumasok sina Anj ng canteen.
"Wala na akong gana. Ge. Una na ako"
Sabi ko sa kanila.
Paalis na ako ng nakasalubong ko sina patrick at sinadya kong banggain yung balikat nya.
"Problema mo?" Tanong ni patrick at biglang tumahimik sa loob ng canteen.
"Tama na yan." Pigil naman sa kanya ni Anj.
"Ikaw" sagot ko at labas ng canteen.
Ugh, babalik na lang ako ng room. Pagdating ko sa upuan ko, natulog na lang ako sa desk ko at hinintay na bumalik sila.