ERICA's POV
Nakarating na nga ako sa bahay. Pagpasok ko..
"Oh? Anyare sayo? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Mama sakin.
"Wag mo na akong tanungin Ma. Akyat na po ako."
"Osige. Pahinga ka na. By the way, anong gisto mong ulam mamayang dinner?"
"Kahit ano na lang po."
Sagot ko at umakyat na nga ako sa kwarto ko. Pag pasok ko, higa agad ako sa kama. Shiiiiiiiit! Wala nga pala akong gamit. Peste kasi yung mamaw na yun. Patay nanaman ako nito kay mommy. Hm..
Ringgg.. Ringggg..
Nagring yung cellphone ko. Pagtingin ko, si Riza pala..
"Hello." Sagot ko sa kanya.
"Ano na sis? Pupunta pa ba ako dyan?"
"Bakit?"
"Yung totoo? Akala ko ba gusto mong makichismis pero mukhang ayaw mo kaya sige bye. Magpapahinga na lang ako"
Bigla akong napaupo sa kama ko. Oo nga pala. Nagpapakwento ako dito sa babaeng to tungkol sa relasyon nung mamaw na yun. -_-
"Ay. Wait! Oo nga pala. Sige, punta ka na dito. At may extra pen and notebooks ka ba?"
"Notebooks? As in with 's'?" Tanong nya sakin.
"Oo naman!"
"Bakit? Naghihrap ka na ba???"
Ang gago talaga nitong kaibigan ko e. Sarap sampalin e.
"Binaon ko kasi sa lupa yung gamit ko e."
"Loka-loka ka naman pala talaga e! Bakit mo binaon? Anong akala mo sa gamit mo? Prutas? Hallerrr? Di yan dadami!"
"Gaga! Tingin mo sakin? Tanga?! Kaasar to! Gusto mo ikaw na lang ibaon ko dun next time?"
"Haha! Ito! Asar talo talaga! E bakit mo kasi binato?"
"Ikekwento ko na lang mamaya pagdating mo. Basta yung pinapadala ko sayo ha? Kasi for sure papagalitan ako ni mama nyan e."
"Osige. Wait for me there! Dyan na rin ako magdidinner ha!"
"Sus! Uubusin mo nanaman luto ni mama!"
"Eh masarap magluto si Tita e. Unlike ni mama. :("
Loka to. Luto ng mama nya sinisiraan. Well, true naman. One time kumain ako sa kanila. At ayaw ko ng maulit yun. Kasi.. Di mo gugustuhin din. Kaya naghanap na sila ng cook e. :))) gusto nga ni tita hiramin si mama. E pano naman ako diba? Haha!
"Oo na. Sige. See you!"
At binaba ko na nga yung tawag. Hay. Makaiglip nga muna.
.....
Shit! Bakit may yumuyugyog sakin.
"Hoy Ica! Gumising ka na dyan! Leche ka! Pinapunta-punta mo ako dito tas tutulugan mo lang ako!"
Ugh. -__o Ay shooot! Si Riza na pala to. Bumangon na ako.
"Ito na.. Gising na."
"Buti naman!"
"So, asan na yung pinadala ko sayo?"
"Nandyan sa bag." Sabay turo nya sa bag nya na nakapatong sa table ko.
"So, anong nangyare sa gamit mo?" tanong sakin ni Riza.
At yun nga kwinento ko kung anong nangyare. At ang walanghiya. Tawa lang ng tawa! Pektusan ko kaya to?