6. gossip

15 0 0
                                    

ERICA's POV

 OMGGGG. ang intense ng atmo sa loob ng office ng student council. nakatayo lang ako sa may pinto ng may biglang may nagsalita sa loob.

"Excuse me miss. Tatayo ka na lang ba dyan o papasok ka din?" boses ng isang babae.

paglingon ko.. kaya naman pala. andame ng tao na nakapila sa labas. 

"Sorry miss."  at yun nga pumasok na ako. Pagtingin ko ulit sa harap. Si Patrick na, ang student council president at si Anjeli ang naguusap. Ito namang si Drew ayon.. Tulug-tulogan ang peg.

umupo na lang ako sa may bakanteng upuan kasunod yung ibang officers.

"anong section mo?" tanong sakin nung babaeng kumausap sakin kanina yung paharang-harang daw ako sa pinto.

"ahh.. "

"so, kaklase mo pala tong si Drew?" tanong nya sakin. DI ko pa nga sinasagot yung tanong nya may follow-up question agad at mukhang alam nya narin naman before pa sya magtanong. nakakaloka.

"Ayan? (sabay turo ko kay Drew) oo. Sa kasamaang palad." 

"HAHA. i feel you ate."

"Bakit? Kilala mo yan?"

"oo naman. Kilalang-kilala.. at for sure lahat naman ng tao dito kilala sya kasi sikat naman yung banda nila dito" 

at yun nga nagkwentuhan na lang kami kasi hindi pa nagsisimula yung meeting. Lumipas ang 10 minutes ng nagsalita na si Patrick. wala naman pasyadong pinagusapan. Ang mga kailangan lang asikasuhin sa classrom ngmga officers especially yung mga rules and regulations ng school since hindi na nagkakaron ng intro sa classroom. after that, bumalik na kami sa kanya-kanyang room. 

Pagbalik ko.. tuloy-tuloy na yung discussion hanggang sa maglunch at balik room ulit. Hanggang sa maguwian na.

Grabe. First day ko dito ang daming nangyare. What more pa sa mga following days. nagliligpit na ako ng gamit ko ng lapitan ako ni Riza.

"bessstt. (malambing tone with matching hatak pa ng uniform ko) sumama ka na kasi mamaya sakin."

"San ka nanaman pupunta? Ikaw! Hindi ka na napirmi sa bahay nyo.."

"Ehh. Gusto ko kasing pumunta sa Gig ng The Breakers."

NGEEEEEK. at ako pa ang niyaya ng isang to e alam nyang mainit ang dugo ko dun sa vocalist ng bandang yun..

"Iba na lang yayain mo. Marami pa akong gagawin."

"Ano namang gagawin mo? duh?! first day pa lang oh. nagpapakabusy ka na agad. Next week na!"

"Hay naku! Di mo ako mapipilit Riza kahit lumuhod ka pa sa harap ko."

"Ehhh. Nagsabi na ako kay Justine na manunuod tayo eh!"

"Aba! Kasalanan ko ba yun? Eh kayong dalawa pala ang nagusap eh!"

"Ehh! Dali na bestttttttt."

At yun na nga. Ginamitan nya na ko ng puppy-look technique.

"Argh! Oo na..  oo na. ng manahimik ka.. Punta ka na lang sa bahay mamaya. What time ba?"

"Mga.. 7pm pa naman."

"Nako! Gabi na. Di na ako papayagan nyan!"

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon