Chapter 14- Acquaintance Party Part I

442 23 2
                                    

LUHAN'S POV


"Luhan nasukat mo na ba yung Tuxedo mo?" Sabi ni Lay sakin habang ngumunguya.


"Hindi nya pa nasusukat yun hula ko." Sabi ni Xiumin na punong-puno na yung bibig ng pagkain.


Yuck, wala manlang fine dining to. Parang hindi anak mayaman. Oh well, I don't care.


"Wow kalian ka pa naging mang huhula Xiumin? Hulaan mo nga kung anu mangyayari sakin bukas sa Acquaintance Party." Sabat naman ni Chen na obvious na obvious na iniinis si Xiumin. Ang gulo nila.


Andito kami ngayon sa Dining Table at kumakain ng hapunan.


The Acquaintance Party is tomorrow but I'm thinking that I'm not going to attend that stupid party.


"Ako marunong din mang hula." Sabi ni Tao habang kinakalabit si Chen. At binaling naman ni Chen ang atensyon nya kay Tao at sinabi nyang hulaan sya nito.


"Ehem.. Wait lang." Tumayo si Tao at biglang tumakbo paalis ng Dining Area. At ng pagbalik nya ay may hawak syang....Crystal Ball??


Nakakunot lang ang noo naming ni Kris pero si Chen,Xiumin at Lay ay nasasayahan sa nakikita. San naman nakuha ni Tao yun?


"Hmmmmm...Haaaaa....Ahhhhh!!!" Aish ang ingay ni Tao. Hawak nya yung Crystal ball gamit ng dalawang kamay nya at hinimas himas iyon.


Napatingin naman ako kay Kris na bored ang expression pero hawak ang phone at vini-video-han si Tao.


"Nakikita ko ang  mangyayari saiyo bukas sa Acquaintace Party... Masakit... Masasaktan ka bukas! Masasaktan ang puso mo bu- Aray ano ba?" Sita ni Tao kay Chen. Binatukan kasi ni Chen si Tao na obvious na nainis sa hula nito.


"Bakit ba ang pangit ng hula mo? Aishh Walang kwenta." Sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.


"Saang lupalop mo ba napulot yan?" Sabi ni Kris na tinago na ang phone nya sa bulsa.


"Nakuha ko ng free sa isang bagong bukas na Bakery Shop sa labas ng subdivision. Ang weird nga kasi Crystal Ball pa yung free-"


"Hello Exo-M"


Napatigil kami lahat ng may biglang lumabas na pigura ng tao sa Crystal Ball na isang lalaki na may mascara sa muka. Napaka lamig ng tinig ng boses nito. At hindi maitatanggi na nakakatakot ang tono ng boses ng lalaking iyon.


"I would like to inform you all that because of your decision to turn down our invitation to leave the Black Death Association is a big mistake. The whole White Lotus Society will surely bring death to the all of you-"


*BLAG*


Hindi na natapos ng lalaking iyon ang sasabihin nya dahil binasag ko na ang Crystal Ball nayun at tumayo na sa Dining Table.

The Broken Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon