Chapter 11 - Prank War Saturday

1K 29 2
                                    

Winter's POV

Hinatid na ako ni Luhan. Hay~ Kapagod.. At nakakainis kasi lumabas ang soft side ko. Hindi ko naiiwasan yun lalo na't may batang kasama. Pumasok na ako sa loob ng bahay at ang kinagulat ko ay mga nakahilata sila kuya sa tapat ng kwarto ko at mga nakatunganga

"WINTER??!!" Sabay sabay nilang sigaw saakin at nagsitakbuhan sila papunta sakin. Ang O.A nila ah?

"Oh? Anyare sainyo? May atraso pa kayo sakin kaya lumayas kayo dyan sa dadaanan ko" Sabi ko ng coldly. Alam ko kasing natatakot sila saakin kapag ganun ang tono ng boses ko eh 

"Alam mo bang nag aalala kami sayo ah?" Panimula ni Kuya Shawn habang inaalog alog ako sa balikat. nakakahilo naman oo.

"Atsaka bakit ka jan nanggaling eh asa kwarto mo ikaw?" Sabi naman ni Kuya Keiz habang ginagawa nyang Plasma Ball ang ulo ko.

"Tsaka mag hapon na kaming naka upo jan tas ikaw nakalabas ka na pala jan???" Sabi kuya Blaze at kinukurot kurot naman nya ang pisngi ko. Gawin daw bang siopao? Anu to? Xiumin ang peg?

"Alam mo bang gutom na gutom na kami" Sabi ni kuya Jake habang naka cross arms pa. At bigla nalang akong inakap ni Kuya Zeke at biglang sinigaw na..

"AT NATATAE NA AKO! HINDI LANG AKO UMALIS KAYA BABYE!" hahaha at biglang tumakbo papunta siguro sa C.R

"At bakit? Bakit kasi binuhusan nyo ako ng tubig hah?" Sabi ko. Hahaha sungit sungitan muna ako xD

"Ay! Sorry na kasi! Si Ze-"

"Shut Up! Basta. Oo na. Ok na. magluluto lang muna ako. Diba hindi pa kayo kumakain ng naghapon?" Tanung ko sakanila at bigla naman silang tumango tango.

"Sige mag luluto lang ako" Sabi ko at nag singitian naman sila...

_____

Nag luto ako ng Adobong Manok kasi paburito nila to. Umakyat muna ako sa kwarto ni kuya Blaze at nag tungo sa kwarto nya. Pumasok na ako sa kwarto nya dahil naka awang naman ito ng bahagya.

At nadatnan ko si Kuya Blaze na may tinatawagan? Huh? Ngayon lang ata ito nag karoon ng tinatawagan ah?

"HUY! Sino yan?" Tanung ko sakanya at nagulat naman sya. 

"AY! SI BEBANG!" Biglang sigaw nya at bigla nyang tinakpan ang bibig nya.

"Aruuuuuy~ Si Kuya Blaze may Lablayp na~ Tsaka imposibleng Bebang pangalan nyan. Naka get over ka na kay ate Margaret? Nakuuuu~" Sabi ko kay kuya habang inaagaw ang Cellphone nya.

"Yung si Bebang. Yung anak ni Aling Kursing na asawa si Mang Totoy at tatay si Mang Birhel na may ari ng sari-sari store jan sa may kanto?" Sabi nya na nag kakamot sa ulo. hahaha palusot ba ang tawag dun? xD

"Nakuuuuu~ Kuyaaaa ahhh~ Pakilala mo sakin si Ate bebang ah? Hahaha Kala mo hindi ko nakita CP nya. Eunice kaya pangalan. Hahahaha" SAbi ko sabay takbo sa pinto. Hahaha panu may hawak syang unan

"Kuya Kain na tayo. Ayieeee~ " Sabi ko at biglang sinara ang pinto. Babalibagin kasi ako nun eh xD

Andito na kami sa lamesa. Naka upo na kami dito sa lamesa. Nandito nadin si Kuya Zeke na galing sa C.R

"Cge kain na kayo. Masarap yan. Luto ko yan eh" Sabi ko sakanila at bigla namang nag sisikainan na sila. Agawan pa nga ang ginawa nila eh. At puro kalat ang lamesa. Habang kumakain sila ay nakatingin lang sila sakin habang nakangiti. Hahahaha

"Ohhh. Winter bakit hindi kapa kumakain?" Tanung nila sakin habang nabubulunan pa ata. Pero sa halip na mag salita ay nginitian ko nalang sila lalo at nagkatinginan naman silang lahat. nag lakihan ang kanilang mga mata kaya lalo akong napangiti.

The Broken Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon