CHAPTER 1

534 12 47
                                    

“I’m so disappointed with you, Teresa.” Dad told me while we eat breakfast.

“Oh, well, what can you expect, honey? If our daughter was here, there’s no doubt she’ll get into that prestigious school.” Tita Salvy made an insulting remark.

Tahimik lang ako hanggang matapos ang breakfast to avoid any troubles. Dahil alam ko na ‘pag sinagot ko s’ya, just like what I usually do ay hahaba lang ito. Disappointed kasi ito dahil hindi ako nakapasok sa school na gusto at napili n’ya para sa’kin.

E, sa hindi ko talaga feel ang school na ‘yun, kaya sorry na lang si dad. S’ya na lahat ang nag-decide para sa buhay ko umpisa noong iniwan ako ni mommy, and sometimes I felt suffocated.

I took the school’s initial assessment and exam pero minali ko lahat ng sagot ko. Bakit ko ginawa ‘yun? Dahil ayaw ko pang magaral sa isang kumbento, 'no!

Lahat ng tao dun puro babae. Kahit workers nila ay mga babae din. Balak ba n’ya akong gawing madre ‘pag naka-gradweyt na ako ng senior high school?

Mas maganda kung doon ako sa school kung saan mag-aaral ang aking kaibigang si Ichika at ‘yun ay ang Ryonan High School. Hindi din naman papahuli ang school na ‘yun sa tingin ko dahil private school naman ito.

At isa pa, hindi puro babae ang mga tao dun!

Nung nag-take ako ng exam, ang dami kong nakitang interesanteng bagay doon. Kaya alam kong magiging maganda at exciting ang senior high school life ko dito.

“I’ll get going, dad.” Paalam ko dito  sabay halik sa pisngi nila ni tita Salvy.

Iling lang ang naging tugon ni dad, halatang hindi pa din sya natutuwa sa papasukan kong school. Si tita Salvy naman ay naka-ismid lang. Sanay na ako sa kanya dahil umpisa pa noong dumating sila dito sa bahay ay hindi na talaga n’ya ako gusto.

Hindi ko alam kung nag-umpisa ba ito noong mga bata pa kami ni Gia kung saan hindi ko sinasadyang masaktan ito o sadyang mainit na talaga ang dugo n’ya sa’kin.

Growing up, nakatatak na sa isipan ko na may ibang pamilya na si dad. Kahit kasama ko man sila dito sa bahay, hindi ko maramdaman minsan na naging parte ako ng pamilya.

Ito din siguro ang dahilan kung bakit parang suwail akong anak dito. Mas gusto kong ginagawa ‘yung mga bagay na ayaw n’ya.

Paglabas ko ng bahay ay nilakad ko lang hanggang train station. Ang magiging stop kong station ay ang Ryonan station mismo. Mula dito, lalakarin ko lang ng dalawang minuto ay makakarating na ako sa school.

Ayaw kong gamitin ang sasakyan namin kahit may driver naman kami dahil mas gusto kong maging independent. Mula noong middle school pa kami ni Gia ay ganun na ako. Kung s’ya ay laging hatid-sundo ng driver namin noon, kabaliktaran naman nito sa akin.

Something happened to Gia when we’re on junior high school which caused her to go to the states. Ang alam ko ay pabalik na din sya, hindi ko lang alam kung kailan.

“Teresa!” Dinig kong tawag sa’kin ni Ichika, ‘di kalayuan sa mismong gate ng school namin.

“Jean nga kasi!” Pagtatama ko dito sa pangalan ko nung nakalapit na ako sa kanya.

Umikot naman ang mga mata nito dahil doon.

“Let me guess! Dahil hindi ka kasing banal ng pangalan mo?” Nakangising turan nito.

Pamilya ko lang at si Nanay Kristina ang tumatawag sa akin ng Teresa. Ang gusto ko ‘pag nasa labas ako ay tawagin ako sa pangalawang pangalan ko para maiba naman.

At saka isa pa, ang holy ng pangalan kong ‘yun, ah. Feeling ko hindi ko kayang panindigan sa dami ng kasalanan ko kay dad.

“Alam mo naman pala, bakit ang kulit mo pa din? Isangla na ba kita?” Bugnot kong sabi sa kanya.

“Kaya mo?” Nakataas ang kilay na tanong nito.

“Hindi.” Agad kong tugon dito dahil biro ko lang naman ‘yun.

Sa’n ka nakakita ng isinasanglang kaibigan?

“Aaaaahhhh!!” Maya-maya’y dinig kong tili nito habang nakatingin sa isang estudyanteng papasok sa gate ng school.

Medyo malayo ang kinatatayuan namin sa gate kaya kahit magtitili ito ay tiyak na ‘di pa din maririnig ng lalaking tinitilian nito.

“Ano’ng meron?” Curious kong tanong dito.

“Si Koshino!” Patuloy pa ding tili nito sa tabi ko habang sinasabayan pa nito ng pagpapadyak.

Kung may mga langgam lang sa talampakan nito ay siguradong mga patay na sila sa paraan ng pagpadyak nito.

“Koshino?” Clueless kong tanong sa kanya.

“Ano ka ba? S'ya ‘yung cute na basketball player sa kabilang school nung nasa junior high pa tayo.”

Malay ko ba? E, sa hindi ko talaga kinahiligan ang panonood ng basketball games noon pa man. Mas gusto ko pang maglakwatsa sa mga park at arcade hall noon kaysa manood sa mga gymnasiums.

“Sana kasama natin s’ya sa class natin.” Dasal nito habang may parang mga korteng puso na ang mga mata n’ya.

Wala na ‘to. Malala na talaga.

“E, ba’t hindi tayo pumasok nang malaman natin, ‘di ba? Kaysa nakatunganga tayo dito habang nag-pupuso ‘yang mga mata mo d’yan.”

Agaran naman ang pagkagising ng diwa nito sa paligid n’ya dahil sa sinabi ko.

“Let’s go!” Ang lawak ng ngiti n’ya habang akay-akay n’ya ako papasok ng gate.

Mukhang ang lakas ni Ichika kay Lord dahil tinupad nito ang hiling lang nito kanina. Kasama nga namin ‘yung Koshino sa klase. Nasa first year kami ngayon at kabilang sa mga section seven.

Tinignan ko muna ang kaibigan ko na katabi ko lang ngayon. Hindi ko na sya makausap dahil nag-korteng puso na naman ang mga mata nito habang ang tingin ay nasa Koshino na ‘yun. Nakapwesto ito malapit sa bintana at kami naman ay nasa gitnang bahagi ng classroom.

Matangkad naman s’ya at may itsura kahit papaano pero hindi ko s’ya type. Mas bet ko ‘yung mas matangkad pa dito kung sakali.

Natapos ang kahindik-hindik na klase namin sa umaga at dumating ang lunch break.

“Grabe! Para namang hindi natin first day ngayon kung makapagbigay sila ng mga activities.” Nanlalatang reklamo ni Ichika nung makalabas na kami sa classroom.

“Napansin mo pala ‘yun? Akala ko sa Koshino lang na ‘yun ang atensyon mo kanina, e.” Naka-ismid kong tugon dito.

“Hoy, Teresa Jean Yamada! Nakikinig din naman ako sa klase, ah. Ano’ng akala mo sa’kin, patay na patay kay Koshino?” Malakas nitong salita na ikinangisi ko dahil saktong dumaan ‘yung Koshino pagkasabi nya nung mga bagay na tungkol dito.

“Ano’ng ningingisi-ngisi mo dyan?” Nagtatakang tanong nito.

Tumingin ako sa likod n’ya kaya naman napatingin din s’ya dito at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata n’ya nung nakita nito ‘yung tinutukoy ko.

“Koshi—” Tangkang bigkas ni Ichika sa pangalan n’ya ngunit hindi pa sya natatapos ay agad na s’yang binara nung Koshino.

“Don’t just call me by my name, we’re not that close.” Supladong turan dito nung Koshino bago sinabayan ng alis.

Sagad sa langit ang tawa ko matapos umalis nung Koshino, “Oh my God, Ichi! Look at your face just now.”

Sobrang pula kasi ng mukha nito dahil sa pagkakapahiya. Hindi ko naman sya masisisi dahil nakakahiya nga naman talaga ‘yung ginawa ng lalaking ‘yun. May mga school mates pa naman kaming nakarinig.

Pero pasensya na lang talaga sa kaibigan ko dahil hindi ko talaga maiwasan at mapigilang hindi matawa. First ever crush kasi nya ‘yung lalaking ‘yun kung sakali. Hindi pa man nakakadiga ay basted na agad s’ya.

Saklap naman ng buhay mo, Ichi!

“It’s not funny!” Inis nitong sabi bago nag-walk out mula sa harapan ko.

Mukhang dinibdib nga n’ya talaga ‘yung rejection sa kanya nung Koshino na ‘yun. Hinabol ko s’ya hanggang cafeteria pero hindi ko na s’ya makita doon. Hinanap ko din s’ya sa mga rest rooms pero wala din s’ya sa mga iyon.

Sa’n naman kaya s’ya pumunta? Huwag lang talaga n’ya maisipang mag-suicide dahil hindi pa namin natatapos ‘yung isang buong anime series na pinapanood namin.

Tumingin ako sa itaas ng building. Parang may nagtutulak sa aking umakyat doon. Baka nandun nga s’ya at dun n’ya maisipang mag-patiwakal.

Kumaripas ako ng takbo paakyat sa rooftop. Limang palapag ang building na ‘yun kaya para na akong malalagutan ng hininga pagkadating ko sa taas.

“Ichi, huwag!” Hinihingal kong sigaw matapos kong mabuksan ‘yung pintuan ng rooftop kahit hindi ko pa naman nakikita kung ano ‘yung nadatnan ko doon.

Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga habang nakahawak sa doorknob ‘yung isa ko pang kamay.

“There’s no Ichi here.” Dinig kong salita ng isang malalim at baritonong boses.

Huh? Wala daw si Ichi? Pambihira, akala ko nagpapatiwakal na ‘yun, e.

Nung kumalma ako ay hinanap ko ‘yung pinagmulan ng boses na ‘yun. Ikinalat ko ‘yung mga mata ko sa buong rooftop hanggang sa nakita ko ito sa may gilid. Nakaupo ito sa sahig habang nakasandal ito sa pader.

Mukhang matangkad ito dahil kahit nakaupo s’ya ay pansin ko pa din ang mahahaba nitong mga biyas. Kapansin-pansin din ang tayung-tayo nitong buhok.

Ano’ng gel kaya ang gamit n’ya?

Para s’yang may magnet dahil natagpuan ko na lang ‘yung sarili kong naglalakad palapit dito. Gwapo na sana ito kung hindi ko lang s’ya nakitaang may hawak na libro.

Nerd pala ang isang ‘to! Pass!

Hindi siguro nakatakas sa paningin n’ya ang disgusto sa mukha ko nung nakita ko ang hawak-hawak nito.

“Not a fan of history?” Kaswal nitong tanong bago ibinalik ang atensyon nito sa kanyang binabasa.

“You can say that.” Tugon ko dito nang kagat ang ibabang labi ko habang magkasalikop ang mga kamay ko sa aking likuran.

“O baka hindi ka lang talaga fan ng lahat ng libro.” Nakatitiyak nitong pahayag.

“What’s there to fuss about books and studies? Ga-graduate pa din naman ako kahit ‘di ako mag-aral.” Tila nawawalan ng gana kong sabi dito.

Totoo naman ‘yun. Magaral man ako o hindi, nakakapasa naman ako madalas sa mga exams ko ng walang kahirap-hirap. This isn’t just me boasting around, but I’m actually a visual learner and have an impressive photographic memory.

I can ace an exam better than our top notch students in school if I’ll just take my studies seriously. But, I didn’t want that, not when I wasn’t done pestering my dad yet.

“You sounded like a vain, conceited and a spoiled brat child to me.” Parang disappointed nitong turan.

At bakit naman s’ya madidisappoint? Tatay ko din ba s’ya? But, wait! I think he just insulted me.

“What did you just say?” Kunot-noong tanong ko dito para ulitin n’ya sana ‘yung mga salitang binitawan nito. Baka nagkakamali lang ako ng dinig.

“What’s your name?” He dodged my question by asking me another question.

What a sly man he was!

“Teresa Jean Yamada pero Jean na lang.” Parang awtomatikong lumabas lang ang mga salitang ‘to sa bibig ko.

Napagalitan ko pa tuloy ang sarili ko sa isipan ko kung bakit agad-agad kong ni-reveal ang pangalan ko dito.
Pa’no ‘pag ipakulam n’ya ako? Edi, sayang sana ang ganda at lahi ko, ‘di ba?

“Teresa, do you often fail your subjects?” Sunod nitong tanong habang matiim ang titig sa mga mata ko.

Kasasabi ko lang talaga na Jean ang itawag n’ya sa’kin, e.

“No. In fact, I usually pass all of them.” Nakahalukipkip ko pang tugon dito.

“Then you’re not that bad for a conceited woman like you.”

“Excuse me, Mr. Spiky hair! Hindi ako conceited katulad ng inaakala mo at mas lalong hindi ako spoiled brat katulad ng sinabi mo kanina. Masama bang maging matalino kahit hindi palabasa?” Inis na inis kong talak dito habang nakapamaywang na ako sa harapan nya at tinitingala naman n’ya ako.

Ngayon ko lang napagtanto na ininsulto nga pala talaga n’ya ako kanina. Akala ko namali lang ako ng dinig.

Pansin ko ang bahagyang paglaki ng mga mata nito sa’kin pero agad din itong nakabawi. Marahil ay nagulat s’ya at hindi n’ya din inaasahan ang mga salitang binitawan ko dito.

“I won’t say sorry for what I’ve just said. You really sounded like one when you underestimated books and studies.”

Of course, he won’t do that. Sa mukha n’ya pa lang ay mataas na ang pride n’ya. Isa s’yang nerd na ma-pride!

“I was just voicing out my own opinion. Ba’t ka ba apektado?”

“Why would I be affected? I was just merely pointing out your words as well. For other people who might hear it, they won’t take it lightly just like I did.” Kalmanteng salita n’ya habang naglilipat ng pahina sa libro nito.

Kulang na lang kunin ko ‘yung librong hawak n’ya at itapon sa baba ng building na ‘to. Ganun ako kainis sa kanya ngayon.

“Weren’t you just looking for someone?” Pagiiba nito ng usapan.

Dahil sa sinabi n’ya ay bigla kong naalala si Ichi. Haays! Kasalanan talaga nung babaeng ‘yun, e. Edi sana hindi ko nakilala itong si Boy Tirik na s’yang nagpainis at sumira lang ng araw ko.

Hindi ako kumibo sa kanya at walang kaabog-abog ko s’yang iniwan doong magisa.

Manigas pa sana lalo 'yung tirik na tirik n’yang buhok!

————————————————————————————————————
Please don't forget to VOTE and COMMENT what you think of this chapter. It would greatly help and motivate me more than a million times. 🤗

Thanks for supporting my story.

PS: pa-follow na din. 🫶

Chasing Akira (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon