CHAPTER 38

198 13 13
                                    

"Please check on my son, doctor." Humahagulgol kong pakiusap sa doktor.

Sa ngayon kasi ay wala ng malay 'yung anak ko. Nasa sasakyan pa lang kami ay ganun na ito. Sobrang takot na takot ako dahil paano kung iwan din niya ako?

Hindi ko na siguro makakayang mawalan pa ulit ng isang mahal sa buhay. Mas mabuti pa sigurong sumunod na lang ako sa kanilang lahat kung mangyari man iyon.

"Rest assured that we'll do our best," wika ng doktor.

Tinanong ako nito ng mga kaganapan sa anak ko simula kanina bago ko siya dalhin sa ospital. Isinalaysay ko naman dito lahat-lahat at wala akong pinalampas kahit na maliit na detalye tungkol sa anak ko.

"We'll perform some tests on your son. In the meantime, please stay in the waiting area. We'll call you once we're done with all the tests."

"Hija, halika na muna at dun tayo maghintay kay Achilles. Magiging okay din ang lahat. Tiwala lang anak," ani nanay Krising.

Gusto kong tumutol sa doktor at kay nanay dahil hangga't maaari ay gusto kong makasama 'yung anak ko habang ginagamot nila ito.

Pero alam ko din na parte lamang ito ng proseso nila kaya sumunod pa rin ako. Matiyaga akong naghintay kahit pa inabot na kami ng madaling araw.

Hindi ako nakaramdam ng pagod at antok dahil punong-puno ang sistema ko ng pag-aalala sa anak ko. Napakabata pa niya pero ito at sinusubok na naman kami ng Panginoon.

"Calling on the attention of Achilles Yamada's family," sigaw ng isang staff sa waiting room habang ang mga mata nito ay sinusuyod din ang buong lugar para makita 'yung hinahanap niya.

Agad akong tumakbo at lumapit sa kanya. "I'm his mother, miss. Please tell me that my son is safe." Pakiusap ko dito.

Tipid na ngumiti 'yung nurse. " Please follow me and I'll bring you to your son's ward."

Hindi niya sinagot ang sinabi ko. Ngayon pa lang ay natatakot na ako. Ang daming mga bagay ang pumapasok ngayon sa isipan ko.

"Relax, hija. Nasisiguro kong okay lang si Achilles," ani nanay sa tabi ko habang mahigpit ang hawak nito sa isa kong kamay.

"Nanay..." Hagulgol ko dito.

"Puntahan na natin si Achilles anak nang mawala 'yang mga agam-agam at takot mo," aniya.

Tila napakapositibong tao talaga ni nanay. Kung wala siya dito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sana lang ay magparamdam na din si Michael.

Ang hirap pala kung wala akong kasama sa mga problemang ganito. Nasanay na akong minsan nakadepende sa kanya pagdating kay Achilles.

Pagpasok namin sa ward ng anak ko ay nanlumo ako nung may mga kung anu-anong bagay akong nakitang nakakabit sa kanya.

"What's going on with my son, doctor?" Mahinang tanong ko sa doktor na nadatnan namin sa ward.

"Upon examining the test results of your son, we found out that he got a small hole in his heart."

Halos magimbal ang buong sistema ko pagkarinig sa sinabi ng doktor.

"W-What do you mean by that?" Halos bulong na lang 'yung lumabas sa bibig ko.

Gusto kong isiping namali lang ako nang dinig sa sinabi nung doktor. Na malusog ang anak ko at walang kahit na anong problema sa katawan niya.

"I deeply sympathize with your situation, Ms. Yamada, but what we have to be focusing on right now is treating and curing your son's illness," aniya.

"What do I have to do to save my son? Tell me, and I'll do it in a heartbeat, doctor."

Chasing Akira (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon