CHAPTER 41

233 14 7
                                    

"Grabe! First time kong makausap si sir. Ano'ng meron today?" Naguguluhang bulalas ni Aina.

"Sinabi mo pa! Dati snobber lang 'yan sa'tin, e. Kung may kakausapin man siya sa department natin ay ang chief financial officer nating si Ms. Suki iyon." Sang-ayon ni Hitomi dito.

"Bakla! Baka mategi tayon niyan, ah." Nag-aalalang sabi ni Aina.

"Wala naman dito 'yung bruha, e. Kaya no worries, safe tayong lahat." Pagpapanatag ng loob ni Hitomi kay Aina.

Napabuntung-hininga si Aina dun na parang nakahinga nang maluwag. "Kung sabagay nga naman. Buti pa 'tong si Jean ay safe talaga dahil hindi man lang siya nagsalita kanina kay Mr. Sendoh."

Tumingin ako sa direksyon nito at tipid na ngumiti. "Bigla kasing sumama 'yung pakiramdam ko."

Kahit papaano ay totoo naman 'yun. Dahil sa tindi ng panginginig ko magpahanggang ngayon ay hindi ako nakapaglabas ng kahit ano'ng salita sa bibig ko.

At ano naman ang sasabihin ko kung sakali? Baka mabastos ko lang siya sa harap nilang dalawa kung maitanong ko siya ng, "Kumusta ka na fucker? Buhay ka pa pala?"

"Napansin ko nga kanina. Okay ka na ba ngayon?" Tanong ni Hitomi.

Tipid akong ngumiti sa kanya sabay tango. Hinintay ko muna sila hanggang sa magyaya na silang umuwi. Kahit gustong-gusto ko na kaninang umuwi ay hindi ko magawang magpaalam dahil nahihiya ako sa kanilang dalawa.

"Pa'no ba 'yan, Jean? Dito na lang kami, ha? Same complex lang kasi 'yung inuuwian namin ni Hitome, e." Paalam ni Aina.

"Walang problema, Aina. Thank you for today. Ingat kayo ni Hitomi!"

"I'll see you tomorrow, Jean." Pahabol na sabi ni Hitomi habang nasa loob na ito ng cab.

Kumaway ako dito at akmang liliko na sana ako sa kabilang direksyon nang may humaklit sa braso ko at marahas akong hinila papunta sa isang alley malapit sa restaurant.

Nagpumiglas ako dito dahil ang nasa isip ko ay holdaper ito. "I don't have money kaya nagsasayang ka lang ng oras!" Buong lakas kong sigaw sa taong humihila sa akin.

"I don't need your money because I already have a lot of that." Pamilyar na boses nung holdaper.

Agad ko itong tinignan matapos nitong magsalita. Sa ngayon ay ang likod lang niya ang nakikita ko habang ang kanang kamay nito ay hila-hila pa din ang kaliwang braso ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla hanggang sa maipasok niya ako sa isang madilim na alley. Agad din niya akong marahas na ipinasandal sa pader doon habang ang mga kamay nito ay nasa magkabilaang-gilid ng ulo ko sa pader.

"Why show up your face now?" I can imagine him gritting his teeth.

"I'm not here because of you. I'm here to work," I calmly said this to him.

I heard him snicker. "Are you up for something? You told me earlier that you didn't have money. Are you in my company to extort money from me?"

Agad ko itong naitulak sa dibdib dahil sa sinabi niya. "Ano'ng tingin mo sa'kin, ha? Ni hindi ko nga alam na ikaw ang may-ari ng kumpanyang 'yan. Kung alam ko, edi sana hindi ako pumasok diyan. Just like you, ayoko na ding magkaroon ng kahit anong ugnayan sa'yo," I said before trying to leave.

Itinulak ko ito nang ilang beses para makaalis na ako pero halos hindi ito gumalaw sa posisyon nito.

"What did you say?" Matigas at mariin nitong tanong.

I looked at him, and although the place was dark, I could still catch a glimpse of his already grimmed face.

"Back then, you didn't want to do anything with me anymore. So let's just keep it that way. Please pretend that you didn't see me or know me for our own peace of mind," I said this while staring down at my feet.

Chasing Akira (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon