CHAPTER 19

204 11 19
                                    

"Kung mukha mo ang laging bubungad sa akin sa umaga, okay na okay na ako dun!" I grinned.

Napangiti ito sa sinabi ko pero agad ding nagseryoso, "Don't do that again."

"Ang alin?" Nalilito kong tanong dito.

"Getting wild at the bar. What if I wasn't there?" Salubong ang kilay nitong sabi sa'kin.

"But you were there."

"What if I wasn't? And what's going on with you and Maki?" Nakasimangot na nitong tanong.

Nagseselos ba s'ya? Haaay, Lord! Umagang-umaga tapos pinakikilig na naman niya ako!

Sa kilig ko ay hindi ko namalayan ang mga sunod kong ginawa. Sinakyan ko siya sa bandang baywang habang ang mga kamay ko ay nasa mga dibdib niya.

"Maki is just a friend who invited me to the welcome party last night." I whispered while grinning.

"It didn't look like it last night." Nag-iwas ito ng tingin sa'kin lalo na sa katawan ko dahil sa suot ko.

Ang natitira na lang kasi dito ay 'yung maliit kong tube top at ang aking mini skirt. Kaya naman litaw ang karamihan ng balat ko sa kanya kaysa sa telang nagtatakip nito.

"E, ba't ikaw may kasama din namang tuko kagabi?" Irap ko dito habang nakahalukipkip pa ako.

"Who was that? Gia?"

"Sino pa nga ba? Siya lang naman 'yung kapit nang kapit sa'yo kagabi na parang tuko."

"I didn't really notice it. What about you? If I wasn't able to get to that restroom on time, then you will be kissed by that Maki!" Naiinis nitong akusa sa'kin.

"Why would Maki do that? We're only friends. Kung iyong tuko ang tinutukoy mo, baka maniwala pa ako." Inis ko ding sabi dito.

"Do you like him now because he likes you?" Seryoso nitong tanong.

"What do you think?" Seryoso ko ding tugon sa kanya.

Sa tinagal-tagal kong pagkakagusto sa kanya, ngayon pa ba niya pagdududahan ang feelings ko?

Kung tutusin, marami din namang lalaking tatapat sa kaguwapuhan at karisma niya pero mas pinipili ko siya dahil siya si Akira Sendoh. Nagiisa at walang makakapantay sa isang katulad niya sa paningin ko.

"Just answer my question." He demanded.

Ang lakas makademand, ah! E, kung pumayag na lang kasi s'yang maging jowa ko nang matuwa pa sana ako.

"Mahina ba ang paniniwala mo sa nararamdaman ko sa'yo?"

"It's not that. What if you got tired from waiting."

"E, ba't mo ba kasi ako pinaghihintay?"

"It's not yet the right time. We still have school."

"Pwede naman tayong mag-aral kahit magjowa na, ah. The more na maiinspire akong mag-aral if that happens."

"You wouldn't know about destruction until it happens. Now, let me get up because we have our first class in two hours."

Nanlaki ang mga mata ko doon. Nakalimutan kong may pasok pala kami today! Ito na ba 'yung destruction na sinasabi niya?

Kahit ganun ay atubili pa din akong umalis sa pagkakaupo sa t'yan nito. Hindi ko man lang naisakatuparan ang balak ko ngayon. Kahit kiss man lang ay wala!

"I'll make a simple and easy breakfast, so just go to the kitchen first." Wika nito habang inaayos 'yung kama niyang hinigaan namin kagabi.

Naiimagine ko tuloy kaming dalawang magkayakap habang natutulog kagabi. Napapangiti ako dahil dun pero agad ding nawala iyon nang pumasok na naman sa isip ko 'yung naudlot naming ganap noong isang gabi.

Chasing Akira (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon