CHAPTER 39

201 13 11
                                    

"Mommy, are we gonna live here from now on?" Parang nalulungkot nitong tanong habang nakatingala din sa'kin.

Kadarating lang namin sa bago naming matitirhan sa Yokohama. Isa itong rental unit sa isang basement. Gipit pa kasi ako ngayon kaya hindi ko magawang kumuha ng mas maganda pa rito.

Magtitiis muna siguro kami ng ilang buwan bago ko sila mailipat sa ibang mas maganda at kumportableng matitirhan.

"Not really, as I intended to leave this place as soon as our situation improved and go to another one. Why? Don't you like it?"

Yumuko ito at tila may iniisip. "Are we here because of me?"

"No! Of course not. We're here because mommy decided to try a different environment for us," agad kong tutol sa sinabi niya.

Sinasabi ko na nga bang maiisip din niya ito, e. Other typical children wouldn't even consider such things at this age. It's true that my son is an intelligent and perceptive person.

"How about Papa? How would he know that we've already moved out?"

"He knows my number, baby. He'll find us once he's back."

Namimiss na talaga nito si Michael. I just hope that one of these days ay magparamdam na din ito. Sinusubukan ko pa din naman itong kontakin kaso wala talaga.

Isang malaking sapak talaga ang ibibigay ko sa kanya pagbalik niya!

"Okay," malungkot pa din nitong tugon.

"Hija, ipasyal ko na muna kaya si Achilles?" Maya-maya ay tanong ni nanay habang inilalapag niya 'yung iba pa naming gamit mula sa mover's truck.

Hindi naman na niya kailangang gawin 'yun dahil may mga taong gagawa nun pero hindi siya nagpapigil. Siya 'yung tipo kasi ng taong hindi mapapakali hangga't walang ginagawa at pinagkakaabalahan.

"Sige po at ako na po ang mag-aayos nung mga gamit natin dito," tugon ko dito.

Mas maganda siguro 'yun para malibang muna si Achilles. Nang hindi niya maisip 'yung mga bagay na dapat ako lang ang pumoproblema. Bata pa siya kaya gusto kong i-enjoy niya 'yun.

"Can I just help you here mommy? I don't want to go outside," tanong ni Achilles habang tumitingin sa bawat sulok ng titirhan naming bahay.

"No, baby. Mommy can do it, okay? Just go with nanay in the meantime and once you're back, I'll cook your favorite Yakisoba."

Bigla namang nagliwanag ang mga mata nito. Yakisoba lang pala ang makakapagpabago ng mood niya.

"Promise?"

"I promise!" Nangingiti kong tugon sa kanya habang marahang pinipisil ang kanyang pisngi.

"Okay! Nanay, what are you waiting for? Let's go!" Excited nitong yaya kay nanay Krising bago nangunang lumabas ng pinto.

"Sabi ko naman sa'yo hija, kahit pa matalino 'yang anak mo ay bata pa ding mag-isip minsan. Aba'y, Yakisoba lang pala ang katapat." Naiiling na sabi ni nanay.

Napabuntung-hininga ako sa sinabi ni nanay. May kilala din kasi akong isang tao na kaparehas ng anak ko. Paborito din nito 'yung noodle dish na 'yun.

"I'm starving, baby," he said while trying to envelope me into a hug.

"What do you want me to cook this time?"

"You know my other favorite," he said.

"Again? Hindi ka na nagsawa sa Yakisoba na 'yan. 'Yung ibang favorites mo na lang ang lulutuin ko."

Chasing Akira (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon