-Jizel Tam Cruz
Hays! Sobrang boring na naman pano umpisa na naman ng school, tinatamad akong pumasok. Kung kailan isang taon nalang matatapos na ako sa college ngayon pa tuloy ako na bored. kahit naman di na ako mag aral ay mabubuhay naman ako. May mana kaya akong makukuha duh! Di sa pag mamayabang I'm damn rich. I can buy anything I want. I can buy you, char. Ayoko na sana mag aral. Gusto ko na lang mag bar, shopping, travel mag eenjoy pa ako don. kaso si mom tapusin ko daw muna ang college gusto niyang ipagmalaki na may tinapos ako kahit di cum laude basta nakapasa okay na daw yun kahit pasang awa basta grumaduate. hindi nila ako pini-pressure mag aral para magkaron ng award. Mabait si mom at momma, my parents are gay. And I'm so proud of it. Nagtataka kayo kung bakit ako na buo? Swempre nag ano sila you know hehehe.
Kasisilang mo pa lang siguro kung dimo pa alam ang science modern world pwede na ang di pwede. [ IN VITRO FERTILIZATION] IVF ang tawag basta yun. Pinag halong mukha ni mom at momma ang kinalabasan kaya sobrang saya nila. I have a deep dimples both cheeks na maraming nabibighani hindi man sa pagmamayabang mapalalaki babae nagkakagusto sakin, wala e makalaglag panty/brief daw ang mga ngiti ko, nasa lahi na namin talaga ang maganda. Ang mga ngiti ko. Wala e nasa lahi na talaga namin.
I'm so damn lucky for having a parents like them, napaka supportive, maalaga, mapagmahal kaya kung mabubuhay ulit ako sa panibagong Mundo sila parin ang gusto kong maging magulang. Hamakin mo Basta makapag tapos lang daw ako ng college kahit sa bahay nalang daw at wag ng matrabaho.
Pero ayoko naman ng ganon gusto ko din magsumikap, gusto ko balang araw yung perang ipanggagastos ko ay galing sa pinaghirapan ko, pinagtrabahuan ko ganon. Wag tayong umasa sa magulang, hindi habang buhay malakas sila kaya dapat ibalik natin yung mga paghihirap nila mabuhay lang tayo, ayan ang tumatak sa isip ko kaya kailangan kung magsumikap swempre darating din yung araw na magpapamilya ako, pano kung batugan tayo ano nalang mapapala ng magiging anak natin diba. Anyways! Matagal pa naman yun bat ba yun ang pinag uusapan.Hindi sa bobo ako ha, hindi sa magmamayabang ulit madami akong medals tingnan nyo pa sa bahay namin.
Tinatamad lang akong pumasok pero papasok parin ako duh! Kung kelan isang taon nalang tapos na ko ng college. Ang boring lang kasi sa school wala man lang bago puro ka toxican nalang, mga mayayabang, maaarte, mga naglalandian yuck! Hindi sa naiinggit ako ha, nakakasuka lang mga jeje. Hindi sa bitter ako nagkaboyfriend na din ako dati kaso manloloko. dapat sa mga manloloko pinuputol ang putotoy -.- Mabuti na rin na nagbreak kami dahil nalaman ko na katawan ko lang ang habol niya. Ni-kiss sa lips ay hindi siya nakatanggap Mula sakin. My prescious body is only for my soon to be partner in life.
Ngayon ang First day! Konting kembot nalang self graduate kanaaaaa!
Candice calling...
Bakit kaya napatawag 'to. Candice is my best friend since Elementary. Schoolmate ko siya nung elementary na naging best friend ko. May pagka maarte nga lang! Pero kahit maarte yan sa ibang bagay napaka buti naman nyan pagtulog charot. Backstab malala
" Oh napatawag ka?" Bored kong tanong..
" Papasok kaba darling?"
"Sa tingin mo? Wag mo nga akong matawag tawag na darling.." buset aga aga nang babadtrip.
" Wow taray! Meron ka? Sa tingin ko hmmm..." Nag isip pa talaga ang Gaga. " Hindi" dugtong niya.
" Papasok kaya ako duh" I rolled my eyes kahit niya nakikita.
"Talaga ba? Anong oras na kaya. I think kakagising mo palang"
Pano naman niya nasabi
"Edi wag kang maniwala na papasok ako. As if I care duh" pagtataray ko.
"Bilis bilisan mo ang kilos.. Balita ko strict at masungit daw ang prof natin ngayon. "
"I don't care " huling sabi ko at binaba na yung tawag pake ko don. Wala namang gagawin pag first day ng class e. Mabobored lang ako. Saka anong oras palang nakapag bihis na kaya ako kakain nalang, meron pa akong 20mins. Bago ang 8am na subject. kaya sa canteen nalang muna ako kakain pagkarating ko.
Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng kotse bago umalis.
CANTEEN
Papunta na sana ako sa counter para bumili ng pagkain nang may bumunggo sakin, hindi lang bunggo malakas na bunggo. Naglaglagan ang mga dala nitong libro habang ako naman ay napa upo sa lakas ng banggaan namin. Ang sakit ng pwet ko gago. "Ouch!" Daing ng babae habang himas himas ang likod na tumama sa kanto ng upuan. Masakit yan pramis . Tumayo na ko para tulungan siya, hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Naglahad ako ng kamay para tulungan siyang tumayo, dahan dahan siyang tumingin sakin. Wow mala dyosa naman neto, those green eyes masyado akong na amaze sa mata niya. Ang astig lang. Never akong na-amaze sa isang tao, ngayon lang.
Imbes na abutin ang kamay kong nakalahad ay binigyan niya lamang ako ng masamang tingin. "What?" Tutulungan ko na nga siya, siya pa nagagalit.
" tutulungan ka na ngang tumayo ayaw mo pa" kainis ang sama tumingin hindi porket maganda yung mata niya mag gaganyan na siya." I don't need your help dumbass."
Wow tinawag akong dambass. Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Binabawi ko na maganda siya. Ang sama ng ugali. " Excuse me miss.. what did you say to me?" Tanong ko baka namali lang ako ng rinig minsan kasi bingi ako e.
"Dumbass." Gago inulit pa nga. " Stupid.." dugtong pa niya. Aba di na makatarungan 'to sumusorbra na siya. " Ang arte mo naman miss ikaw na nga tutulungan napaka sama pa ng ugali mo.. edi don't kung ayaw mo. Maka stupid ka e ikaw naman ang bumangga sakin. Ikaw ang stupid dambass. " sabi ko at tumalikod na ko akala niya sya lang pwedeng magtaray. Napaka-amo ng mukha ang sama naman ng ugali. Aahin mo ang kagandahan kung masama naman ang budhi diba.
Nagsalita ang di masama ang ugali.. hoy oo masama ugali ko pero nilulugar ko base sa pakikitungo sakin ng tao ang ugali ko.
Humakbang na ko paalis nang may tumama sa batok ko na Ballpen
Binato ako ng Gaga ng ballpen. Inis ko siyang hinarap. " Quits na tayo for bumping me idiot." She smirked at tumayo na. How dare she call me dumbass, stupid idiot grrrrr! " How dare you! Grrrrr! " I shouted at her pero nakalayo na agad siya.
May araw ka rin grr. Tini-trigger mo ang kamalditahan ko ha makikita mo..
BINABASA MO ANG
Deeply inlove with her [PROFXSTUDENT]
Romance" Bakit ba ang sakit mong mahalin Miss Salvador" - Jizel Tam Cruz " I hate the fact that I'm deeply falling inlove with you Jizel.." - Professor Akesha Mariel Salvador [ Short story ] [completed✅✅✅]