JizelMaaga akong pumasok dahil baka maabsent na naman ako ng wala sa oras baka di pa ako makagraduate pag puro absent ako, major subject ko pa naman yun, hindi maaari yun kahit tinatamad akong pumasok kailangan kong ma-maintaine 'yung grades ko ayoko naman grumaduate na pasang awa lang. I want my parents proud of me with flying colors ganurn! Anyways mag b-breakfast na muna ako sa canteen hindi na kasi ako kumain sa bahay wala namang magluluto para sakin dahil sila mom at moma nasa U.S pinapaasikaso ang business don ni Lolo nagkaroon kasi ng problema kaya sila mom at moma na muna ang nagma-manage. Okay lang naman sa akin kahit na namimiss ko na sila kailangan ko parin silang intindihin, Gaya nang pag intindi nila sakin. Tinatamad rin kasi akong magluto alam nyo na mabagal akong magluto. Kung magluluto ako yung ipagluluto ko mamatay na sa gutom char. Basta ganurn marunong naman akong magluto like fried egg, hotdogs, bacon, ham,nuggets, fried rice, more on fry lang. Yan ang mga madalas kong niluluto pag mag-isa lang ako. pag naman pang masarapang putahe or ulam wag nyo na ako asahang magluto dyan baka bukas pa tayo maka kain. Sine-search ko pa sa youtube yan ilang beses kong papanoorin pero di ko parin magets, kung bawang ba o sibuyas ang inuuna napagtanto ko na kailangan pala muna ang mantika ang unahin para magisa sila pareho basta!
I hate cooking but I love eating....
7:40 am palang pero nandito na ako sa room ilan palang kaming nandito siguro yung ibang maaga dito ngayon ay nalate din kahapon kaya maaga nagsipagpasok, hindi lang pala ako ang nag iisa.
Nag text na sakin si Candice kung nasan na daw ba ako syempre di ko nireplyan sayang load. Wala naman talaga akong balak mag reply ng message kung tumawag sana siya sinagot ko pa. Bahala siya
Maaga pa naman kaya naisipan kong umiglip na mula sandali, parating naman na si Candice kaya gigisingin ako nun kung sakali mang makatulog ako.
Hindi ko alam na napasarap ang tulog ko, nanaginip na ko ng maganda e, May nararamdaman akong tumatapik sa balikat ko hindi siya tapik lang malakas na tapik, pagtingin ko si Candice " what?" Inis pa na tanong ko. Ang sakit ha.
Imbes na sumagot si Candice may tinuro siya, slow motion pa akong tumingin sa tinuturo niya nang makita na yung masungit pala na prof ang tinuturo niya, napaayos bigla ako ng upo, gosh ang sama niya makatingin.
" Hindi oras ng pagtulog ngayon miss.. "
"You better go to home then sleep forever." Dugtong pa niya, ang sama parin ng mga tingin niya. Pinag lihi ata siya sa sama ng loob e.
" I'm s..sorry Miss.." damn bat ba ako nauutal.
Napayuko na lamang ako. " First late, ngayon naman natutulog.. tsk!"" I'm sorry di na po mauulit.." tumingin ako kay Candice na ngayon ay nagpipigil ng tawa sinamaan ko naman siya ng tingin, bakit di mo ako ginising mamaya ka saking babae ka.
" Stupid.." narinig ko 'yung sinabi niya grabe talaga ang sama ng ugali.
"We have a quiz today.. be ready your paper and pen.."
Bakit may quiz agad agad. Tanginaaaaa
" About discussion yesterday.. " sabi pa nito.
May nag taas ng kamay kaya napunta Doon ang atensyon naming lahat. " Ahmm excuse me miss.. mag te-take din po ba kami ng quiz kahit absent kami yesterday?" Tanong ng pacool na babae. Nalate din siguro to kahapon.
" Yes! It's up to you if magte-take kayo ng quiz.. kung may masasagot kayo. It's not my problem anymore kung na LATE kayo kahapon sa klase ko." madiin talaga yung pagkakasabi niya ng late at sakin pa talaga nakatingin, laki siguro ng problema nito sakin. Napamura nalang ako sa isip isip ko. Nagsimula na siya mag bigay ng question and to my dismay Wala akong masagot, about talaga sa topic kahapon ang tinatanong niya, may ilan pang napapasabi ng basic lang daw ng tanong gago ba sila. Mga bobo. Pinagpapawisan na ako ng malapot.
BINABASA MO ANG
Deeply inlove with her [PROFXSTUDENT]
Romance" Bakit ba ang sakit mong mahalin Miss Salvador" - Jizel Tam Cruz " I hate the fact that I'm deeply falling inlove with you Jizel.." - Professor Akesha Mariel Salvador [ Short story ] [completed✅✅✅]