5

386 12 2
                                    

Jizel

Naglalakad ako ngayun papuntang classroom ko nang biglang may nakabanga ako.
Napaupo ako sa sahig at nahulog yung dala kong libro.

"Ayy sorry" usal nang nakabangga ko at tinulungan akong tumayo, waw gentle dog. Sanaol

Dahan dahan naman akong nag angat ng tingin at nakita ang nag aalalang tingin ng lalaki. singkit ang mata na medyo katangkaran, sa isang salita Gwapo.

"Here, sorry ulit ahh" sabi nito at binigay sakin ang libro ko. Mabait naman siya kahit ako ang nakabunggo sa kanya dahil sa pagmamadali, sya parin 'tong nagsorry. Shit baka malate ako tiningnan ko ang wrist watch ko 7:50 na 10minutes nalang mag s-start na ang klase ko kay Miss Salvador.

"O-okay lang hehe.. salamat pala.." nahihiyang sagot ko,tumango lamang ito..

Akmang aalis na ako nang makita ko ang napakagandang mukha ni Miss Salvador este masungit pala sa di kalayuan na masama ang tingin sa amin at biglang umalis. Masama ba ang gising niya. Sa naa-alala ko na naman maayos naman ang paghatid niya sakin, Mabait naman siya kagabi

Ano kayang problema niya at ang sama niya makatingin di pa naman ako late ah.

Isinawalang bahala ko na lang yun at nagtungo na ng room. Nagkita kami ni candice kaya sabay na kaming pumasok ng room.

Pagkapasok namin ay pumasok na din si Miss Salvador, hudyat na magsisimula na ang klase.

Nakahanda na kaming lahat sa lecture ni Miss Salvador ng biglang may kumatok at pinihit ang doornknob
Pumasok ang katiwala ng dean, pano ko nalaman na katiwala siya ng dean hula ko lang charr. Meron kasi siyang nakasulat na parang nametag na maliit sa kaliwang dibdib na "Secretary" basta ayon. Siya kasi ang naghahatid ng mga new student, kaya nakilala ko na yung mukha niya pero hindi ako alam ang name niya. Pake ko ba.

Sabi ko nga diba Wala akong time kilalanin ang mga name ng tao dito sa school.

" Excuse me Miss Salvador .. may new student ka, sinamahan ko lang.. pwede na ba siyang pumasok?" Magalang na sabi nito. Tumango lamang si Miss Salvador. Kinausap muna nung secretary yung new student sa labas maya maya lang din ay pumasok na ang new student..

Teka.. siya yung nakabungguan ko kanina.
Si gentle dog.

" Welcome to my class.. Introduce your self first before you seat. " seryosong sabi ni Miss Salvador. Ngumiti naman si Gentle dog

" uhm hello everyone.. Gerome Imperial, 19... Nice meeting you all" masayang sabi niya pero sa akin nakatingin. Dahil ba binunggo ko siya kaya sakin siya nakatingin?

" Take your seat Mr. Imperial." Sabi ni Miss Salvador
Nakangiting lumapit sa akin si Gerome.

" Pwedeng dito ako maupo??" Tanong niya. Tumango naman ako wala naman akong ibang choice kasi ito nalang ang bakanteng upuan sa tabi ko bali napapagitnaan ako nila ni candice.

" Swerte mo girl ang gwapo ng tumabi sayo" kinikilig na sabi ni candice. Napaka harot talaga ng babaeng 'to. " Kilabutan ka nga Candice.. pinagsasabi mo." Seryoso siya sa swerte? Oo gwapo nga yan mabait pwede? Pero hindi ko pa alam pagkatao niya inshort di ko siya type.

" Arte mo akin nalang 'yang si cutie pie na yan" bulong pa niya. " Bahala ka.. it's not my property..pagtayo napagalitan ang ingay-ingay mo." Mahina lang naman ang boses namin pero mahirap na baka mapagalitan, malakas pa naman pandinig niyan ni Miss Salvador.

" Quiet! at the back" sigaw ni miss Salvador. 'yan na nga ba ang sinasabi ko e. Sinamaan ko nga ng tingin si Candice. Nag peace sign naman siya. Nagpatuloy nalang kami sa pakikinig dahil matic may quiz na naman.. at hindi nga ako nagkamali.
Natapos na ang time ni miss Salvador kaya lalabas na sana kami ni candice para pumunta sa susunod na subject sa kabilang building pa 'yon nang may nagsalita.

" Pwede ba akong sumabay mag lunch sa inyo mamaya?" Tanong ni Gerome..

" Wala pa kasi akong kakilala dito.. mukhang mabait naman kayong dalawa.." dugtong niya pa.

" Of course pwedeng pwede kang sumabay.. mababait naman kami pagtulog hehehe" nagnining naman ang mga mata nitong si candice akala mo ngayon lang naka kita ng gwapo.

" Okay lang ba sayo?.." tukoy ni Gerome sakin.

" Okay lang naman basta libre mo." Biro ko.

" Sige ba.. libre lang pala e." Sabi naman ni Gerome habang naka ngiti.

" Pwede ko bang Malaman mun ang pangalan nyong dalawa? Hindi ko pa kasi alam..I'm Gerome " naglahad siya ng kamay.. at kinuha naman ni candice.. " Candice Gonsaga.. 18 turning 19 this may 9.. I love singing.. blah blah... " Ang dami niya pang sinabi tinanong lang yung pangalan 'to talaga si Candice ang daldal bahala nga sila.. iniwan ko nalang silang dalawa magchismisan, nagtungo nalang ako sa 2nd subject ko. Hindi ko rin naman kaklse si Candice sa dalawang subject pero the rest classmate ko siya. Bahala sila sa buhay nila magkiktia naman kami mamaya sa canteen.

Te-text ko nalang si Candice mamaya pag sinipag ako.

Bago pa man ako makarating sa 2nd subject ko nasalubong ko pa si Miss Salvador na maraming Dala-dala.

" Anong tinatayo tayo mo dyan.. help me carry this to my class.. " utos niya. Ano ba yan papunta nga lang ako sa 2nd class ko nautosan pa. Hindi nagpatulong sa ibang lalaki. Ako pa talaga ang nakita.

Wala akong nagawa kaya tinulungan ko nalang siya mabait naman yung prof ko sa 2nd subject at di naman siguro ako papagalitan tinulungan ko naman si Miss Salvador na maraming Dala-dala... madadaanan namin yung room ko sakabila naman si Miss Salvador nagtuturo..

Pagkarating namin ay dahan dahan kong nilapag ang mga gamit niya. At tiningnan ko siyang nag aayos ng gamit.

" You can leave now." Waw di man lang nag thank you. Napakabait mo naman Miss Salvador. Nakakainis naman to, nakakabadtrip.

Palabas nako nang tawagin niya ulit may ipag-uutos na naman siguro.

" Ms. Cruz.. thank you .." nabibingi ba ako? Nag thankyou siya? Ang sarap naman sa tenga, Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Kahit araw araw siyang magpatulong okay lang. " Akala ko hindi ka marunong mag thank you e. Welcome po Miss Salvador ". ang lawak ng ngiti ko dahilan ng paglabas ng malalim kong dimples.

Pansin kong napawang ang labi niya at namula. Agad niya din ibinaling ang tingin sa mga gamit.

Cutie



" Leave now!" Nagsusungit na naman. Bahala siya basta nawala yung badmood ko kanina nina lang dahil sa simpleng pag thank you niya.









Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon