Jizel"Ms.Cruz,stand up!" Nagulat ako sa pag sigaw sa akin ni Miss Salvador
"M-ma'am...." Kabado akong napatayo at marahan siyang tiningnan.
Wala akong ibang makita sa mukha niya kung'di pagkairita.
"Kanina pa kita tinatawag.. kanina ka pa wala sa sarili. Wala ka lagi sa wisyo pag nasa klase ko ganon ba kaboring ang subject ko?! " Inis na sigaw niya sa akin at ang sama ng tingin niya.
"S-sorry.. ma'am " Pag papaumanhin ko at tumungo.
"Get out of my class! meet me in my office 5pm! Before you go home!" Utos niya, sabay talikod.
Napabuntong hininga ako at hinanap ang bag ko para isukbit iyon sa balikat ko.
Kinuha ko ang mga librong hindi ko naman nabuklat tsaka ito binuhat.
Sinulyapan ko muna ang mga kaklase kong pinanonood ang bawat paggalaw ko, nakita kong naawa sakin si candice at Gerome pati na ang ilan.Inirapan ko sila isa-isa bago ako tumalikod at lumabas ng classroom na iyon para tumungo sa cafeteria para kumain, ikakain ko nalang 'tong pagkainis ko dahil pinalabas na naman ako. Ano kaya 'yung sinasabi niyang palaging tulala e. Dalawang beses lang 'yun. Kulang lang ako sa tulog at masama ang pakiramdam ko kaya natutulala ako . Ilang araw na din na hindi ko sila mom at moma macontact at nag alala na ako.
Nag vibrate yung phone ko kaya Dali Dali ako 'tong kinuha sa bag. Pagtingin ko si mom nag text
Sexy Mom
I'm sorry sweetie busy lang kami. Miss kana namin we will see you next month. Iloveyou
We will call you later 6pm after your class okie muah
Napangiti naman ako sa message ni mom. Hays miss ko na sila.
Nagreply naman ako namiss ko na rin sila.
Natapos pa ang ilan ko pang subject at nagpasya akong pumunta na ng office ni Miss Salvador wala pa namang 5pm maaga lang kasi kaming pinalabas ng prof namin sa last subject ko dahil may importanteng pupuntahan.
Tinatamad akong makipag-diskusyunan kaya gagawin ko ang gusto niya kung ano man, meron din akong duty sa kanya ngayon bilang assistant niya. Paniguradong marami siyang ipapagawa.
Alam kong sesermunan niya ako ngayon. Kaya naka ready na ko. May mali din naman ako pero madalas naiinis siya sakin na hindi ko naman alam kung bakit.
Hindi naman nakakaantok 'yung pagtuturo niya , ang galing niya nga magturo e. Maganda pa este masungit tss.
Sa kabila ng maamong mukha ni miss Salvador ay napaka strikta niya at masungit, kawawa naman ang asawa niya teka nga may asawa kaya siya, baka wala. Kung Palagi siyang ganyan na mainitin ang ulo tatanda siyang dalaga. Sayang ang lahi niya.
Siya ang pinaka hot na professor dito sa university'ng ito kaya lahat na lang ng estudyante dito ay may malaking paghanga sa kanya, kahit ibang prof pa nga e.
Sabi nila Mabait naman yan, medyo strict at mainitin ang ulo lang talaga.
Strict at mainitin ang ulo totoo pa pero yung mabait? Baka pagtulog duh. Pero minsan mabait siya hinatid niya nga ako samin. Pero minsan talaga masungit.
Nakatayo lang ako sa office niya hindi ko alam kong papasok ba ako o hindi masama talaga ang pakiramdam ko.
" Ang aga mo ha." Galing sa likod ang boses ng nagsalita. Alam kong si Miss Salvador 'yon.
" Maaga po kasing natapos ang klase namin kay Sir Jacob" sagot ko naman.
Nauna na siyang pumasok at sumunod na ako.
BINABASA MO ANG
Deeply inlove with her [PROFXSTUDENT]
Romance" Bakit ba ang sakit mong mahalin Miss Salvador" - Jizel Tam Cruz " I hate the fact that I'm deeply falling inlove with you Jizel.." - Professor Akesha Mariel Salvador [ Short story ] [completed✅✅✅]