15

376 12 2
                                    

Jizel

Nandito kami ngayon sa park. Hindi ito simpleng park lang meron din dito mga rides, games kainan etc. Dito ko gustong i-celebrate yung birthday ko na kasama si Miss Salvador. Minsan lang naman ako mamilit ng tao kaya lulubusin ko na.

Nagpalit muna siya ng  flat shoes at jeans ayaw niya kasing naka skirt, saka pabor naman sakin dahil masyadong maikli yung suot niyang skirt baka maglaway ang makakita or madaanan namin, marami pa namang manyak sa paligid..  kahit naman anong isuot niya ay ang sexy niya paring tingnan..

  Mula ulo kain.  Shit ano ba naman 'tong pumapasok sa isip ko.

" Pwede po bang mag pretend kang girlfriend ko... Kahit ngayon lang please " nagpacute pa ako niyan, pinagdikit ko yung dalawa kong palad. Pumayag kana ako lang 'to o si Jizel ang may gusto sayo.

Inirapan niya lang ako. Sungit talaga

I hold her hand, tumingin siya sa kamay namin at sinamaan ako ng tingin kaya nagbitiw ako. Wala naman akong germs.

Dati libre kong nahahawakan ang kamay niya ng Hindi siya nagagalit ngayon ramdam ko ang pagkailang niya. Nauna na siyang maglakad kaya ang ginawa ko hinawakan ko ulit yung kamay niya na ikina-hinto niya, nagpupumiglas pa siya kaya mas lalo kong hinigpitan at nag lakad na, wala na rin naman siyang nagawa kaya sabay kaming naglakad, lihim akong napangiti ng makita ang kamay naming magkaholding hands na.

Nag punta kami sa mga booth ng bawat palaro dito iba't ibang games ang pwede mong laruin at iba't iba din ang premnyo pagnanalo ka.

Nag punta kami sa isang booth na magsu-shoot ka ng tatlong bola sa balde kapalit ng malaking stuffed toy. Sakto at nakita ko si butter cap kaya gusto kong makuha si butter cap kaya nagporsige akong makapasok ng tatlong bola kaso hindi pala siya madali dahil matalbog yung bola. Madaya :(

" Try mo maglaro.." abot ko ng bola kay Miss Salvador, umiling siya pero binigay ko sakanya ang bola Wala siyang nagawa kaya ayon nag try siyang magshoot kaso palaging dalawa lang ang napapasok niya,  mabuti nga siya at dalawa ang napapasok niya samantalang sakin isa lang madalas wala pa.

" Arghh!.. ang hirap naman nito" Inis na sabi ni miss Salvador pinagpapawisan na siya. Natatawa ako sa reaksyon niya.  gigil na gigil HAHAHAHHAA

Ang hot lang dahil naka-lipbite pa siya.

" Tama na 'yan Miss Mariel.. kain na muna tayo, ayaw naman tayong panaluhin dito ni manong eh " awat ko kay Miss Salvador nang magbabayad na naman sana siya para sa isa pang game.

" Malas lang kayo mga ineng.. siguro may balat sa pwet yung isa sa inyo hahaha " natatawang sabi ni manong, sinamaan naman siya ng tingin ni Miss Salvador ganon din sakin. Bakit parang Kasalanan ko si manong nagsabi non e.

" bwiset.. meron ka bang balat sa pwet " sabi ni Miss Salvador at iniwan ako. Waw kahit tingnan niya pa yung pwet ko makinis 'yan..

" Ikaw pala may balat sa pwet eh.." nang aasar na sabi ni manong habang nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Pigilan nyo baka masampal ko si manong. Ang sama ng ugali e.

" Wala kaya manong madaya lang yung balde nyo.." sabi ko at aalis na sana ng tinawag niya ako.

" Oh.. ibigay mo 'to sa girlfriend mo para lumamig ang ulo niya, mukhang bubugbugin kana eh " may inabot sakin si manong  na keychain si olaf. Napangiti naman ako. Kahit mapang asar si manong mabait din naman siya.

" Salamat po mabait ka naman po pala manong hehehe saka hindi ko po siya girlfriend " nilagay ko sa bag yung  binigay niyang si olaf, mamaya ko nalang ibibigay kay Miss Salvador

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon