"Good morning everyone!"
Napaangat ang tingin ko sa harapan dahil sa boses na iyon. Bumungad agad sa akin ang isang magandang babae nagpapatibok ng puso ko ngayon at namiss ko halos ng isang linggo. After nakawan niya yung first kiss ay Hindi ko na muli siya nakita. Ang sabi sabi ay may inaasikaso daw. Kaya ayon na miss ko siya ng bongga.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging abnormal ng puso ko sa tuwing nasa harap ko siya or malapit siya sakin.
Kung tutuusin wala naman talaga akong pakialam sa paligid ko. Pero hindi ko inakalang magbabago ang pananaw ko, dahil lang sa babaeng professor ko na ito.
Napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita siya, those green eyes. Namiss ko din pati yung mata niyang green.
"We will having a quiz today. Ang bagsak ay bagsak.." Seryosong sabi niya samin. Agad namang nag-ingay at umangal ang iba. Mukhang hindi sila ready sa quiz ngayon.
" Hala Ma'am naman.."
" Gosh hindi ako prepared."
" Akala ko hindi pa papasok si ma'am salvador kaya dito ako nakapagreview.."
" Patay na "
"Yare hindi ako nag aral ngayon huhuhu"
Bulungan ng mga kong kaklase ko na parang mga bubuyog. Wala naman bago lagi naman siyang nagpapaquiz, pero 1 week siyang wala. Medyo kinakabahan ako dahil hindi din ako nakapagreview dahil ang akala ko si Sir jonas parin ang magtuturo ngayon. Si sir Jonas minsan lang siya mag bigay ng quiz pero nag sasabi siya kunware bukas pa Ang quiz magpapaalala siya na mag review para sa quiz. Iba kasi ngayon si Miss Salvador yan na mahilig mag pa quiz.
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko,sinenyasan naman agad siya ni Miss Salvador na magsalita.
" Ma'am paano po kung hindi kami nakapagreview?" Tanong ni Jenevy na papansin lahat nalang siguro ng boys dito nilandi niya. Kulang sa aruga. Nagtatanong pa wala naman talaga siyang maisasagot tsk!.
"It's not my problem.. hindi pa ba kayo sanay na nagpapaquiz ako? One week akong wala, tingin ko naman ay meron kayong natutunan kay Sir Jonas nyo about sa lesson.." Seryoso ngunit walang emosyong saad ni Miss Salvador sa kanya. Parang napahiya naman at yumuko na lamang si Jenevy.
Kahit kelan ay wala talagang makakatalo sa kanya lalo na kapag siya na ang nagsalita, talagang mapapasunod ka.
Ganyan siya palagi, laging may pa quiz bago magsimula magdiscuss sa panibagong lesson ay magpa paquiz talaga siya about sa nagdaang lesson para malaman kung meron ba talagang natutunan. Dapat araw araw kang ready if not babagsak ka talaga.
Maganda si Miss Salvador di maaalintana 'yon, pero may angking kasungitan at katarayan.. Kaya nga minsan naiinis ako sa kanya, tapos tatanongin ko ang sarili kung bakit nagkagusto ako sa kanya. Sa professor ko pa at sa babae pa.
Hindi naman ako nag-iisa, dahil marami rin namang nagkakagusto kay Miss Salvador, alam ko magaling siyang magturo kahit may pagkastrict. Madaming humahanga sakanya swempre meron din hindi dahil sa ugali niya, mapastudyante at professor ay nagkakagusto sakanya.
Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kasali ako sa nagkakagusto sakanya, ang pagkakaalam ko naiinis ako sakanya pero lately narerealize ko na gusto ko na siya, or mahal ko na siya. Hindi ko alam ano bang nagustuhan ko sakanya.
" Number one! "
Mabilis na nagsipagkilusan ang mga kaklase ko, dahil sa sigaw ni miss Salvador at isa na ako doon. Gago hindi ako nakapag review.
BINABASA MO ANG
Deeply inlove with her [PROFXSTUDENT]
Romance" Bakit ba ang sakit mong mahalin Miss Salvador" - Jizel Tam Cruz " I hate the fact that I'm deeply falling inlove with you Jizel.." - Professor Akesha Mariel Salvador [ Short story ] [completed✅✅✅]