Chasing Love 3

13 1 0
                                    

Date: June 2, 2015

Balik school na naman. Busy life ulit. Kumusta ang vacation natin?

***

Nakatingin ng seryoso si Suho sa akin at pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa lalaking nakaluhod sa sahig at namimilipit pa din sa sakit dahil sa ginawa ko. Ang mga kasama naman nito ay tahimik lang na nakatingin kay Suho. Who would thought na dadating siya?

Ano bang ginagawa niya dito? Ang galing ng timing niya.

Naglakad ako papunta sa kanya at tumigil sa harap niya.

"Miss me? Ge okay lang yakang yaka ko sila..bye!" pagkasabi ko ay mabilis na akong naglakad paalis. Dumaan muna ako sa janitors room para kunin ang bag ko.

"Did he do something to you?" nagulat ako ng may magsalita mula sa likod ko, pagharap ko ay nakita ko itong nakatayo sa gilid ng pinto habang nakapamulsa.

Worried siya? pero hindi ko naman makita ang expression ng mukha niya dahil madilim dito sa loob ng janitors room ay hindi na ako nag abalang e.on pa dahil ang bag ko lang naman ang kukunin ko. Sayang sa kuryente. See? concern citizen ako.

"worried much?" nakangisi kong tanong. Pero wala naman itong sinabi narinig ko lang ang mahinang paghiss nito.

O sige iisipin ko na lang worried siya.hahaha Baliw ka Janine. Kailan ka pa naging assuming?

..

"Sakay." Napatulala ako ng may sasakyang tumigil sa harap ko at mas lalo lang akong nagulat ng makilala kong sinong nasa loob.

Yong pagkatulala ko ay napalitan ng ngisi. Bigka naman siyang napakunot noo. Pero bago pa siya makapagsalita ulit ay dali dali na akong pumasok sa loob.

"Ide inamin mo din, worried ka sa akin noh?" Nakangisi kong tanong.

"Im not." Maikli nitong sagot habang nakatingin lang siya sa daan.

"Talaga?" hindi ko pa din siya tinatantanan kaya naman napansin ko ang pagkairita nito.

See? Affected siya? Kaya naman mas lalo akong natithrill sayo Mr. President. Yah! Si Suho as in Suho ng Exo at Mr. President ng school hinatid ako?! O my gee gee gee! Kapag nalaman to ng 20million Exo L hahabulin nila ko hanggang impyerno.

Papaputulan ko na ang buhok ko. Feeling ko mahaba na eeh.

Napahagikgik na lang ako sa mga iniisip ko.

"Why are you giggling?" Napatingin ako kay Suho pagkatapos ay ngumiti ng matamis.

"Wala." Sagot ko.

"Tss. Your weird." Sabi nito.

Weird? Ikaw nga tong weird. Gusto kong sabihin sa kanya pero wag na lang. Baka masira ang moment.

"Were here." Napabaling ako sa labas at nanlaki ang mata ko ng nasa tapat na kami ng bahay. Bat ang ikli ata ng byahe? Ano ba yan!?

Ngumuso na lang ako bago hinawakan ang handle ng sasakyan niya para sana buksan ito ng may maalala ako.

"Bakit alam mo ang address ng bahay ko?" Tanong ko. Saglit itong natigilan bago bumaling sa akin ng seryoso ang mukha.

Biglang bumilis ang tibok ng heartbeat ko. Bigla din ata akong kinabahan. Hindi ko alam kong anong nararamdman ko ng sandaling ito.

His really handsome!? Bat ang gwapo niya?!

Gusto kong tumili dahil sa hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Im the school president kaya alam ko." Walang gatol nitong sagot dahilan para bumagsak ang balikat ko.

Kala ko pa naman nagresearch siya ng about sa akin. Kala ko napansin na ako. Hay! Kulang pa ata ang effort ko.

CHASING LOVE [HTOFM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon