Yay! End of the month naaa! O my god I will miss August! Huhuhu charoot! Im so OA
Anyways..
Sa mga nagtataka doon sa 7 days churva ek ek ko. Actually its my BIRTHDAY! Yaah! Belated sa kin.
Thank you sa greetings!
Bow.. bow..
Date: August 30, 2015
***
JANINE
You recieved gift and letters but where is mine..
Aah! Godness! Nababaliw na ata ako. Natapos na ang araw kot lahat lahat nakapag paspa na nga kami ni Mama pero yung sinabi ni Mr. Persident hindi pa din mawala wala sa isip ko!
My god! My god!
Aaaaaaah!
"Anak you okay?" Napatingin ako kay Papa ng marinig ko ang boses nito na halatang nag alala.
"Of course Pa.. Kinakabahan lang." sagot ko. Tumango naman si Papa habang ngumiti lang si Mama sa akin. Nasa sasakayan na kami ang papunta na kami sa sinasabing party.
Tumingin tingin na lang ako sa labas at sa nadadaanan namin upang huwag kong maalala ang nangyari kanina. Pero shemay lang!Bumabalik pa din sa isip ko.
Hanggang sa makarating kami sa party ay yun pa din ang iniisip ko. Ewan ko ba sa lalaking yun at naaapektuhan ako ng ganito.
Kinulam niya ata ako? Ginayuma? Pinainom ng love potion? Naku malala na talaga ako.
"were here." sabi ni Papa bago lumabas ng sasakyan para umikot sa kabila at pagbuksan ng pinto si Mama. Naks! Ang sweet hah! "Thank you Pa." nakangiti kong sabi ng sunod nitong buksan ang pinto ng kotse sa tapat ko.
"naman..For my two lovely dates.." pagkasabi ni Papa ay sabay kaming pumasok habang nakahawak kaming dalawa ni Mama sa magkabilang braso ni Papa.
Pagpasok ay bumungad agad sa akin ang naggagandahang chandelier na nakasabit sa taas. Madami na ding tao at halatang pang elite ang okasyong ito. Lahat ay nagkikislapan ang kasuotan. Napako ang tingin ko sa bonggang intablado na tinututukan ng spotlight habang may tumutugtog dito.
Wow! Ang sosyal!
"Mr and Mrs Choi.." napabaling ako sa matandang mag asawa na tumawag kina Papa. Halata ang pagiging mayaman dahil may mga alahas pa ito sa katawan.
"Mr and Mrs Yap, nice meeting you here.." bati naman ni papa."By the way this is my lovely daugther Janine Graciella." Ngumiti sa akin ang matandang lalaki habang ang asawa naman nito ay nakipagbeso beso sa akin na sinuklian ko naman ng isang tipid na ngiti. "Lovely.." sabi ng asawa.
"Nasa lahi.." pagkatapos ay nagtawanan sila. After ay ang walang katapusang bussiness topic na.
Hay! Really nakakabored talaga dito. Naku naku lang! Iniexcuse ko na lang ang sarili ko napupunta sa cr kesa naman marindi ako sa topic nila. Ngumiti lang si Mama dahil alam kung naiinitindihan niya naman samantalang si Papa. Papa as always binilinan akong itext siya baka daw mawala ako.
Wow Pa! Mukha ba akong bata. Pero knowing Papa nagaalala lang yun. Tumango na lang ako bago nagsimulang maglakad lakad. Sa laki ba naman nitong hotel matagal pa bago ko nahanap ang cr. Naku naman!
Pagpasok ay dumiretso agad ako sa cubicle. Buti nalang hindi hassle ang suot ko. Peach Cocktail dress ang suot ko with matching 3 inches high heels. Paglabas ko ng cubicle ay may dalawang babae na naguusap. Mukhang kaseng edad ko lang sila pero halata ang pagiging rich nila. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila pero dahil aa kumpleto ang parte ng katawan ko which is my tenga ako narinig ko talaga ang pinag uusapan nila.
BINABASA MO ANG
CHASING LOVE [HTOFM series 2]
عشوائيHe's the One for Me book 2 story of Janine and Suho..