Malalaman mo nalang talagang swerte ka kapag nakuha mo ang loob ng isang tao. Lalo na kung yung taong 'yon ay grabe ang dinanas sa paghihirap at hirap na magtiwala. Kaya pakiusap, kung isa ka sa maswerteng tao na 'yon, 'wag na 'wag mong sisirain ang tiwala n'ya. Dahil ilang beses pumasok sa isipan n'ya kung dapat ka ba n'ya talagang pagkatiwalaan. Na kung dapat ba n'yang sabihin ang nararamdaman n'ya. Na kung dapat ba n'ya ilahad yung sakit at pagod na nararamdaman n'ya. Kaya palagi mo munang isipin kung dapat mo bang gawin ang isang bagay. Isipin mo muna kung yung gagawin mo ba ay makakasakit sa kanya o hindi. Dahil mahirap ang magtiwala, ngunit mas mahirap ibalik ang tiwala.
YOU ARE READING
(UN)HEALED: Tula at Sanaysay.
PoesíaPara sa mga hindi sigurado, gusto nang sumuko at sa mga gustong matuto. A prose and poetry book full of advices and thoughts para sa mga sugat na hihilom, naghihilom at maghihilom. Language: Tagalog and English. HIGHEST RANKING: #2 in poetry #1 in s...