“Okay! Good afternoon everyone..” sabi nung choreographer ng cotillion. Oo, wala akong nagawa kundi mag-agree na sumama dito sa cotillion na to. Aarte pa ba ako eh nasa listahan na ang napaka-ganda kong name.. (=,=)
“Raise your hand if you’re here!” So ganun? May attendance? Ano to classroom? Pinagloloko yata ako nitong choreo na to eh.. (-__- ) “Ms. Blah Blah Blah..” Ang dami rin namin ah? Siguro 30 plus?.. “Mr. Roan Badilla?” Tumigil naman lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid ko.. AHAHAH CHOS LANG! XD Pero.. Si Roan? Andito? O_o hindi nga? Ibig sabihin.. AHHHHHHH!!!! KASAMA KO SYA!!! OWEMJI OWEMJI!! Teka, GOYZ! Nakalimutan ko mag-pulbo!! Arghh! Bat naman kasi hindi nagpasabi na kasama pala ang prince charming ko, edi sana nag-bonggang prepare ako!! KEINIZ NEMEN! Nakita ko namang nakasandal si Roan sa pader habang nakapamulsa yung dalawa yang kamay.. Oh Gosh, Amp. Gwapo naman ng nilalang na to. (*U*)
Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit sya sakin..
SAKIN?! O_O
“Hi there! Diba ikaw si Dei-anne Odtohan?” sabi nya habang naka-smile.. Omaygash! Teka nakailang OHMYGASH na ba ako?!
“Err y-y-yes.” HANUBA! Nabubulol na ko!!
“Say present” He smiled. Haaaaaaayy, mukang blessing in disguise rin yata tong cotillion sakin eh. Pero.. Eh? Teka! Say present for? O.o?
“Where’s Ms. Dei-anne Odtohan!?!” sigaw nung choreo namin. At dun lang naman ako nagising..
“Y-YES I’M HERE!” sigaw ko din.. Medyo napayuko ako nun habang palapit sakin yung chereo.
“Ayaw ko ng bibingi-bingi dito ha?!”
“Sorry, di na po mauulit..” nakayuko kong sagot. Badtrip! Nakita pa ni Roan kung pano ako pagalitan. Uhuhu T.T Wala na kong dignidad.. (_ _) Bumalik na nun ulit sa harap yung babaitang choreo namin. Psh! Aabangan kita mamaya sa labas.. >:(
“Okay lang yan..” He tapped my head. At sino pa ba? Edi ang Prince Charming ko! :”””) Kyaaaaaah! Ambaet-baet nya tologo!! Hindi ako magsha-shampoo for one week XD Ahahaha Joke!
“T-thank you.” Kung ako sayo Dei-anne, tantanan mo yang pag-uutal mo, baka mahalata ka!!! XD
“So isa ang absent, Kailangan natin syang tanggalin since absent sya. Anyway, students! Ayoko sa lahat ng hindi um-attend sa practice. Maswerte nga kayo at nae-excuse kayo sa last subject nyo. At wag nyong sasabihin na ayaw nyong sumali dito, dahil una sa lahat, kayong mga teenagers ay kinikilig pag may nakakasayaw na opposite sex. Hindi nyo ko maiisahan! Okay! Find your height!” Malditang, antipatikang, echoserang, atribidang, Bida-bidang, choreographer to! Hindi maiisahan? Mapatid ka sana.. At para sabihin ko sa kanya! MEDYO TAMA SYA NA GUSTO KO DITO! XD HAHAHA ANDITO SI ROAN EH! XP
So ayun nagsi-kilos na kami at hinanap ang tangkad namin. XD Sa right side namin pumila yung mga boys! At sumobra luwang ng ngiti ko na halos mapatalon na ko nung makita kong katapat ko si Roan! Kyaaaaah! Eto ang tinatawag na destiny! Naka-destiny talaga kaming maging magka-partner, eto na yung chance ko para manligaw este makipagkilala ng bongga sa kanya! XD
“Sorry I’m late..” Nakarinig ako ng pamilyar na boses pero hindi ko na lang pinansin dahil kinikilig ako sa soon-to-be-ka-holding-hands ko.. XD EMGHED NEMEN! YAY! Kulang na lang tumalon ako dito..
“Why are you late?” rinig kong tanong nung choreo namin..
“My adviser had a discussion to me for a moment, am I too late?” napaka-cold na sagot nung kung sino mang familiar voice na yun. Ang angas nya ah?
“Not really, fall in line and find your height..” sagot ni choreo. “Girls! Are you done?” Napatingin ako sa harap kasi nagsalita ulit yung choreo habang nagkaka-usugan naman yung line ng boys kasi nga may nadagdag.. At subukan nyong palitan ang partner ko! Magkakapatayan tayo! “Boys?”
BINABASA MO ANG
Bump Of Love
Teen FictionWe truly don’t know when love draw closer. There is never a time or place for true love, it happens accidentally, in heartbeat, in a single flashing throbbing moment. So you’d better be ready for the BUMP OF LOVE…