3rd Bump

57 1 0
                                    

Okay! Practice na naman.. Yay! Makikita ko na naman ang Lovey Dovey kong si ROAN!!! \(*U*)/

“Tapos na tayo kahapon sa formation, pati sa mga ilang steps.. Marami pang dapat matutunan na steps! So let’s move.. First Formation!” Ayan nakasigaw na naman si Ma’am Hazel.. Pumwesto na kami.. Ang hirap nga gumalaw kasi naka-heels na kame.. Para daw practice pa lang, sanay na kaming magsayaw ng naka-heels. Kaya eto.. Ang sakit lang sa paa.. (>_<”)

“Ouch!” sabi ni tukmol. Oh kilala nyo na si tukmol? Hahaha ang dami ko ng endearment sa kanya, pero last na to.. XD “Be professional, masakit na sa paa yang heels mo, you better watch your steps..” cold na sabi nya sakin, aba! Makapagsalita kala mo sya tinitignan nya yung bawat lakad nya ha? Kulang pa nga yung pag-apak ko ng paa nya sa halos araw-araw na pagbangga nya sakin eh.. 

“I don’t care.” Nag-bleeeeeh XP lang ako sa kanya.. 

“Stop being childish young lady..” nakataas yung isa nyang kilay nung nagsalita.. And.. One.. DUG! .. DUG! DUG! DUG! Biglang bumilis heartbeat ko nung napatingin ako sa mata nya.. Ano to? What’s this feeling? (@_@)

“What…the…hell…?” Bulong ko habang hindi pa rin naalis yung tingin ko sa kanya.. Maski sya hindi nag-iiwas ng tingin.. Ano yun! It seems that somebody cast a spell on me.. 

“Eight-seven-six-five-four… HEY! ARTHOR AND DEI-ANNE! GUMALAW KAYO!!” Nabalik ako sa reality nung marinig ko yung sigaw ni Ma’am Hazel..

“Eh, s-sorry Ma’am.. naapakan ko po kasi sya..” dahilan ko.. 

“Yeah, sorry Ma’am for the interruption..” Woah! Sa kauna-unahang pagkakataon nagkasundo kame.. O.o

“Ayusin nyo yan.. Anyway, lahat ng nasa center.. Maupo muna, kasama kayo dun..” tumingin sya samin, as we nodded. Ano kayang meron? “May iba kayong step sa next song..” Ahhh, okay.. Three pairs na lang ang nasa center eh.. Nabawasan kasi marami nag-quit.. So ayun naupo na nga kami.. Pinanuod namin yung mga nasa left and right side.. Kasama dun si Roan kaya libre nood ako sa paggalaw nya.. Gosh! Ang protective and gentle naman nya sa partner nya.. Kainggit :3 Err, ayuko sa partner ko! May curse yung pagtitig nya sa mata kooo T_T nahi-hypnotize akooooo.. 

“Okay, lahat ng center of attraction! Gather around..” Nung narinig namin yung tawag ni ma’am Hazel, dali-dali kaming pumunta sa harap nya.. Ano kaya papagawa nito samin..? 

“Yes Ma’am?” sagot nung isa sa mga nasa center..

“While they’re doing the other steps, I want you to bring out the best in you. Since kayo nga ang center of attraction.. Bali sa song na to, sila lang ang background.. Gusto ko magmukhang totoo yung scene, hindi lang ako basta nagtuturo ng step, sayaw mismo ang tinuturo ko, And for your information, ang sayaw ay may kasamang emotion.. Ayoko ng basta nasayaw lang kayo tapos tapos na.. So be professional, I need your cooperation..” Kalmadong paliwanag ni Ma’am na kina-kaba ko naman.. Bakit? Sige ulitin ang lines nya.. Emotion daw! Anong emotion ang tinutukoy nya?! T.T

“So what’s exactly do you mean Ma’am?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Arthor..

“Gusto kong maging close kayo sa partner nyo, yung maging comfortable kayo sa isa’t-isa.. Walang ilangan, more on sweet scene tayo eh..” 

(_ _)

(-_-)

(=_=)

(O.o)

(O____O)

SWEET SCENES?! HOMAYGOLAY!!! 

“EH?” Shock na reaction ko.. O_O

Bump Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon