Dei-Anne’s POV
QUADRANGLE: GENERAL PRACTICE
We’re here again for the general practice of the cotillion.. Last na to, ayst! Sigurado ako kahit papano mami-miss ko lahat ng participants dito (>,<) including THEM.. YEAH! THEM! Si Roan at si Arthor.. (=___=)
“Lahat ba nandito na? Okay start na tayo.. 1st formation!
Pumwesto na kami and ready start..
May step doon na magpapalit-palit ng partner, awkward man pero nagkakasayaw kami ni Roan.. Nakangiti lang naman sya sakin, parang wala syang ginawang naka-hurt sakin eh nuh? Pero wait, ano nga bang alam nya dun? He doesn’t even know about my feelings for him in the first place, pero okay na yun atleast hindi nabawasan yung pride ko.. Kung hindi kami destined edi hinde.. Hmp! (>____<) Marami naman akong crush eh..
Break~
“May baon ako ulit na cookies!” I lively said..
“Eh tubig?”
“Hehehe meron syempre..”
Oh wag ka! Yung taong dating bumabangga sakin at nagsusungit sakin, biglang bumait sakin.. Hahahah pwede pala mangyari yun nuh? Parang nagkaroon ng planetary movement sa galaxy..
Sabay kami kumain nung home made cookies ni Mommy.. At nung uwian hinatid nya ko hanggang sa bahay pa..
“Err.. see you tomorrow night.. I’ll fetch you at exactly 5:30pm, kailangan earlier than 6pm daw tayo eh..” Paalala nya sakin.. Teka? Fetch? Baka mamaya sa bike nya ako isakay? AYAW!
“Wait, wag mo na ko sunduin, magpapahatid na lang ako sa…”
“Sya na ang magsusundo sayo dear..” Naputol yung sasabihin ko nung biglang sumulpot sa likod ko sila Mommy at Daddy.. Bay an, nanggugulat.. (-___-)
“Pero Dad kasi.. Baka kasi bike dalin mo huh?” nag-aalangang tanong ko naman kay Arthor, he just smiled and said..
“Don’t worry, I’ll tell our driver to drive us off to school tomorrow.” Hays, mabuti naman.. Akala ko kung saan nya ako pa-aangkasin eh XD
“Oh yun pala eh.. Oh Arthor, pakisabi sa driver nyo mag-ingat sa pagda-drive ah?” Paalala pa ni Mommy, naku para naman akong super baby ng mga to..
“I will.. Ah sige po mauna na ko.. Goodnight po..” Nagpaalam na rin sya. Pumasok na kami sa bahay..
We ate our dinner then pumasok na rin agad ako sa kwarto ko..
“Hay! Nakakapagod..” Binagsak ko yung katawan ko sa kama..
Hmmm, nakaka-curious nuh? Bat kaya parang ang laki ng tiwala nila Daddy kay Arthor? Tapos etong Baseball Prince na to, bigla bigla na lang bumait sakin.. Hmm? Ano kayang meron, ba yan ha? O.P. ako.. Hindi ako sinasali sa kababalaghang nangyayri sa mismong story ko (=____=)
*knock knock*
Oh, may nakatok. Agad naman akong bumangon sa kama at binuksan yung pinto ng kwarto ko, malamang! alangan kwarto ng kapatid ko XD ahahahah toinks, cornyyyy.. XD
“Dei-Anne?”
“Oh mom?” Pinapasok ko sya at pareho kaming naupo sa kama ko.
“Ready na ba yung gown mo?”
“Yes mom, naghihintay na lang sya bukas para isuot.. hehehe..” Wiiieee! Excited na rin akong isuot yung gown na yun.. XD hahaha, Pina-design pa talaga yun ni Mommy based sa gusto kong design and color. At hindi sya super revealing kaya comfortable isuot.
BINABASA MO ANG
Bump Of Love
Teen FictionWe truly don’t know when love draw closer. There is never a time or place for true love, it happens accidentally, in heartbeat, in a single flashing throbbing moment. So you’d better be ready for the BUMP OF LOVE…