Chapter 1
"Ang gwapo ng boses," bulong ko kay Tanner habang nakatingin pa rin kay Jackson na kakaupo lang.
Muling diniscuss ng prof namin kung bakit iyon ang naging sagot pero ewan ko ba, bina-block ng utak ko kapag related na sa Math. Kaya naman nakuha ni Jack ang buong atensyon ko.
Moreno. Mukhang nasa 5'9 ang height dahil ang katabi ko na si Tanner ay 6' at matangkad lang siya ng kaunti kay Jackson–sa tingin ko. Ang lalim pa ng boses niya, tipong makukuha niya lahat ng atensyon nang nandito sa classroom.
"I told you, mare!" Bulong sa akin ni Tanner habang kinikilig pa siya. "Nakausap ko na nga kanina," kwento niya habang nagdidiscuss ang professor namin sa unahan.
"Ang landi mo naman!" Sambit ko. Hindi na ako nagulat na nakausap na niya kanina.
"Pero sandali lang no!" Depensa pa niya sa sarili niya. "Nagtatanong lang kasi ako kanina kung sino nagva-valorant. And it turns out that he's playing!" Pagbibigay niya ng impormasyon sa akin.
"Sus! Malandi ka lang talaga kaya tinanong mo," wika ko. Wala naman akong masabi dahil hindi naman ako mahilig sa online games.
Malanding inayos niya ang imaginary niyang buhok sa kanyang tenga at malanding dumila pagkatapos kong sabihin iyon kaya natawa na lang ako.
"Syempre mare, alam mo iyan!" Wika pa niya. Siniko ko siya tiyaka ko nginuso ang professor namin dahil nakatingin na sa amin kaya tumahimik na lang kami.
Pero ilang minuto lang ang lumipas ay dumikit sa akin si Tanner upang bumulong.
"Gaga, wala pa si Serene." Sambit niya tiyaka niya pinakita ang mamahalin niyang relo para matingnan ko ang oras. Thirty minutes nang late si inggrata.
"Missed call mo baka tulog pa iyon," wika ko. Nung online class kasi ay ako ang alarm nila lalo na kapag may 7AM kaming klase. Tinatadtad ko talaga sila ng call kapag wala pa sila sa gmeet.
Agad naman kinuha ni Tanner ang kanyang phone at pasimple niya itong tinago habang tinatawagan si Serene. Hindi pa sumasagot ang inggrata kahit na ilang missed call na ang ginawa sa kanya. Therefore, I conclude na tumutulo pa ang kanyang laway sa mga oras na ito.
Natapos ang first subject namin at walang Serene na dumating pero may gwapo akong nakilala. Niyaya ako ni Tanner na pumunta sa Garden nang school para doon tumambay sa isang oras na break namin. Ang MMW lang ang minor namin ngayon at halos major na ang lahat ng subject namin. Sana pinatay na lang kami diba?
"Nag-message si Serene," natatawang wika ni Tanner tiyaka niya pinakita sa akin ang message ng inggrata.
Serene Tan: the fuck???? Kakagising ko lang!!!
Tinawanan namin siya ni Tanner tiyaka namin sinabi sa kanya kung nasaan kami at bilisan niya kung hindi ay hindi na naman siya makakapasok sa second subject namin.
"Isa pa iyong cutie pie," tumingin ako kay Tanner dahil sa sinabi niya pagkatapos ay nginuso niya ang nasa kabilang cottage. May mga cottage kasi dito sa Garden para pwedeng tumambay o mag-aral ang mga students.
"Si Erikson?" Tanong ko sa kanya. "Dami mong type ah, basta ako dun na ako sa isa." Wika ko kaya in-snob-an ako ni Tanner.
"Bakit? Ang gwapo niya kaya!" Nagpa-semi kalbo si Erikson dahil hindi ganyan ang buhok niya nung online class kahit na madalang lang silang pumapasok ng kanyang kaibigan na si Gio at hindi nag-open cam pero kapag nag-attendance ay nag-open cam naman si Erikson.
"Mukhang itlog," sambit ko dahil sa shape ng mukha niya tapos ay semi-kalbo pa siya. Kulang na lang ay ilalagay siya sa lalagyan ng itlog.
BINABASA MO ANG
Midnight Change
Novela JuvenilIn the realm of academia, Tiffany Grace stood tall as a relentless pursuer of knowledge, her thirst for academic validation insatiable. Yet, there was a peculiar aspect to her scholarly journey-a distinctive absence of competitiveness. Tiffany never...