21: "Ang Katawan ay Isang Kayamanan" (2/3)

392 17 0
                                    

Napaka- ligaya pa rin ng kanyang apo sa kabila ng napakaraming paghihirap na nararanasan. Higit pa diyan, naging maayos na ang ugali niya at makatwiranan. Nagdulot ito kay Jun Xian ng pakiramdam na magkasalungat at hindi maiiwasang maging malungkot.

Kung tutuusin, Ang pagkakaroon niya bilang isang lolo ay walang silbi, Bagama't nawalan siya ng parehong mga magulang mula pagkabata, bilang kanyang lolo ay hindi man lang siya maprotektahan at mabigyan ng matatag na buhay...

"Ang bagay na ito ay ipapaubaya ko sa iyo. Hangga't gusto mo, gawin mo nalang. Basta tandaan , hangga't naririto ako, walang pwedeng mang-api sa iyo." Deklara ni Jun Xian na may kinang sa kanyang mga mata. Ang pagbabago ni Jun Wu Xie ay likas na nagpasaya sa kanya.

"Salamat po, lolo" tumango si Jun Wuxie.

"Pamilya tayo, hindi na kailangan ng mga ganyang pormalidad! Hangga't ikaw ay masaya, bilang iyong lolo, Gumaan ang pakiramdam ko." Kung talagang interesado siya sa medisina mas mabuti kung ganon, kesa sa halip na hayaan siyang isipin ang hamak na si Mo Xuan Fei.

"Hihilingin ko sa mga tagapaglingkod na maghanda ng ilang mga medikal na aklat at halamang gamot para sa iyo, kung may kulang, sabihin mo lang kay Uncle Fu."

Si Uncle Fu ay isang may awtoridad na pigura sa palasyong Lin. Sinundan niya si Jun Xian mula sa murang edad at pangalawa sa commander ng Hukbong Rui Lin bago ibigay ang kanyang kapangyarihan sa ama ni Jun Wu Xie. Matapos magretiro sa hukbo, Pinangasiwaan niya ang lahat ng mga bagay sa bahay ng Palasyong Lin.

Bago pa man sumapit ang tanghalian, Ipinadala ni Uncle Fu ang mga tagapaglingkod upang magdala ng mga medikal na libro at mga halamang gamot.
Mabilis na napuno ang kanyang silid ng mga medikal na libro at malalaking kahon ng mga halamang gamot. Nag-utos pa si Jun Xian na gawing botika ang isang silid malapit sa kanyang patyo.

Dumating si tito Fu para tingnan kung maayos na ba ang lahat at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid niya. Mabilis niyang sinulyapan ang ilang libro sa malapit. Pagkatapos magbasa ng ilan, tinabi niya ang mga ito.

Ang mga aklat na ipinadala sa kanya ay maaaring hindi nangungunang mga medikal na libro ngunit ang mga aklay na ito ay napakabihirang pa rin, ngunit sa sandaling dumaan sila sa kanyang mga kamay, kaya niyang kabisaduhin ang lahat at kahit ilarawan ang isang mas naunang mga paggamot kaysa sa kung ano ang inilarawan sa aklat.

Siya ay nawalan ng pag-asa sa antas ng medikal sa mundong ito pagkatapos maranasan ang mga walang Silbi na manggagamot na iyon, kailangan niyang makita kung ang mga halamang gamot at panggagamot ay may pagkakaiba sa kanyang nakaraang mundo. Bagama't may ilang pagkakatulad, ang kanyang pag-unawa sa pagsasama-sama ng gamot at mga halamang gamot sa mundong ito at ang kanyang nakaraang mundo ay nakakasindak. Sa isang araw, lubusan niyang naintindihan ang lahat ng ito. Itinala ng mga aklat ang karamihan sa mga halamang gamot at kahusayan sa mundong ito sa loob ng maikling panahon, malinaw niyang inayos ang lahat ng ito sa kanyang isipan.

'[Kailan ka magsisimula?]' Ang itim na pusa ay matikas na naglakad sa paligid ng botika, ang silid ay puno ng halimuyak ng galimgim at amoy ng halamang gamot. Biglang naalala ng pusang itim ang kanyang binibini na nakaupo sa isang katulad na silid na napapalibutan ng iba't ibang mga halamang gamot at mga medikal na aklat habang siya ay nagsasanay sa iba't ibang mga reseta at paggamot sa loob ng isang dekada.

"Hindi ako nagmamadali." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie habang nilabas niya ang maliit na lotus. Upang makondisyon at mapakinabangan ang potensyal nina Jun Xian at Jun Qing, kailangan niyang makabisado ang mga epekto ng maliit na Lotus.

Ang puting lotus ay parang koronang hiyas na ang bawat talulot ay parang kristal, hindi tulad ng anumang ordinaryong lotus na nakita niya kailanman. Huminga siya ng malalim habang ninanamnam ang kagandahang ito gamit ang kanyang mga mata. Kumuha siya ng isang maliit na buto ng lotus at malumanay itong nilunok, ito ang mahusay na paraan upang subukan kung ano ang epekto nito sa kanyang sarili?

Naramdaman niya na Nagsimula ito sa isang mapurol at hindi komportable na pananakit mula sa kanyang mga buto habang napalitan ng pangangati. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang ang sakit ay nagiging hindi na makayanan habang nagbabago ang kanyang pakiramdam sa bawat minuto. Mula sa mapurol na pangangati hanggang sa matinding sakit na parang kutsilyo na parang may humahasa ng kutsilyo gamit ang kanyang mga buto. Hindi nagtagal ay nabasa siya ng manipis na pawis habang kagat-kagat ang kanyang pang-ibabang labi. Ang pakiramdam na ito ay mas masahol pa sa sinaksak ng kutsilyo!

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon