Chapter Eight

7 0 0
                                    

May mga salitang ang daling kalimutan, pero meron din namang mga salitang sa iba wala naman talagang laman pero para sayo... punong puno ng kahulugan.

Sino ba si Mr. M? 

 Alam n'yo ba na may iba't ibang tono ang mga teachers ko tuwing kino-call nila ang atensyon ko?

"Hoy Mr. Montemayor!" sigaw ni Mr. Chavez sa Physics class nung minsan nakatulog ako habang ganadong ganado siya magdiscuss.

" Mr. Montemayor?" yan naman ang patanong na version ni Mrs. Enriquez sa Math kapag namemental block ako sa equation.

" Yes, Mr. Montemayor!" masiglang tawag sakin ni Mrs. Yap sa English class tuwing nagtataas ako ng kamay sa recitation.

"Ikaw Montemayor!halika!" yan ang pinakamalakas sa lahat, ang sigaw ni Mrs. Moradas na MAPEH teacher namin. 

Ngayon ko lang naisip, sa klase pala walang tumatawag sakin sa pangalan ko kundi mga tropa at iilang kaklase na nakasama ko sa basketball. "Drix" ---- John Drix Rosuelo Montemayor. 

Naaalala ko din na sinusumpa ko ang apelyido ko nung Grade 5 nung marealize kong may ibang pamilya na si Papa. 

Narinig ko minsan naguusap si mama at ang lola, " Ma, may anak sila... pano na ang mga anak ko? wala na silang Papa. Hindi ko kaya ma!" umiiyak si mama nung oras na yan. Nakaupo sila ni Lola sa sofa at habang hinihimas ni lola ang likod niya sige naman ang hikbi ni mama.

So may anak siya sa iba? so Montemayor din apelyido nun malamang! ayoko sila maging kahati sa pangalan! "Rosuelo" --- apelyido ni mama, yun na lng sana. Drix Rosuelo, gnun lang sana kaiksi, bakit kasi may John pa! John Drix... si Kuya naman ay John Dexter! haayysss! kung pwede lang magpalit ng pangalan, nauna na ko. 

Ngayong alam ko na kung saan galing ang code na "Mr.M", feeling ko mahahalikan ko si Papa sa tuwa! Akalain mo, sa dami ng sama ng loob na nakuha ko sa kanya, yung apelyidong "Montemayor" ang bubuo ng love story ko. Pero siyempre, sinabi ko lang yun, galit pa din ako sa kanya! 

---------------- 

"Drix! Hoy pare!" narinig ko ung boses ni Paul sa likuran ko. Knina pa pala niya ko tinatawag. Mula kasi kninang naghiwalay kami ni Liezl sa simbahan eh lumilipad na isip ko.

Hindi ko nga naitanong ulit sa kanya kung tama yung dinig ko --- si Mr. M, ako?

"Ang labo mo pare! Knina pa kita tinatawag eh parang wala ka naririnig!" disappointed na ang tono ni Paul.

"So ano? Laro tayo sa Lexa court mamya? " muli niyang tanong.

Yun pala ung kanina niya pa tinatanong!

"Sige pre..." alanganin kong sagot.

Kung sasama ko mamaya, magkikita kami ni Migz. Naisip ko lang bigla, nabadtrip ako sa kanya ng walang dahilan... kailangan ko siguro bumawi.

Kaya kinahapunan, maayos kong winakasan ung hidwaan.
Matapos ang laro sumimple ko ng intro kay Migz habang umiinom sya ng softdrinks sa tapat ng tindahan sa di kalayuan sa Lexa court.

" Migz pre! Pasensya kna nung nakaraan ah. May pinagdadaanan lang ako" nahihiya kong sinabi.

"Ayos lang pre!" maiksi naman niyang sagot.

Pero panay ang iwas niya ng tingin. Alam kong di pa din siya okay. Bakit naman kaya? Hindi kaya dahil gusto niya din si Liezl?

Sana mali ako. Sana nga.

Medyo gumagabi na kaya nagpaalam na din kami ni Paul. Nasipat ko yung uri ng tingin ni Migz nung lumingon ako pabalik sa grupo nila --- tingin ng may tinatagong inis. Hindi pa siya kuntento kaya bigla siyang nagpahabol ng salita ...

"Paghanga lang yung sayo 'tol, wag mo masyado dibdibin!" yun lang at nagmadali na siyang tumalikod.

Hindi din naman ako nakasagot. Pero kung may pagkakataon, di ko din alam ang isasagot ko.

Sino ba siya sa akala nya? Si Mr. Right ba siya? Sa isip ko lang pero aaminin ko --- nakaramdam ako ng kaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Right Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon