"Wala kang kwentang tao....
Paasa ka! Pinagsisisihan kong nakilala kita! Akala mo gwapo ka?! Kung alam lng ng lahat duwag ka! Wala kang paninindigan!"Lahat yan lumabas sa bibig ni Mariz kasunod ng napakalakas n sampal. Sinalubong niya ko sa daan, pabalik na sana ko sa bahay namin pero di ko 'to inasahan.
'tong oras na 'to pakiramdam ko namamanhid yung mukha ko.
Hindi ko alam kung dahil nasaktan ako o dahil napahiya ako sa mga dumadaan.
" wag ka nga mag iskandalo dito! Tsk!"
Sinubukan kong lagpasan siya pero nahawakan niya yung kamay ko.
" Ano Drix? Dededmahin mo lang ako?!"
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko .
" Mariz please! Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo! Can't you see? Kababae mong tao ikaw pa humahabol sa lalake!"
" eh ikaw? Ganun ka din nman ah? Bakit mo pinagpipilitan sarili mo kay Liezl? I already told you! Si kuya ang ang mahal niya... Magkababata sila at ikaw wag ka nang umeksena! "
"hindi ako naniniwala sayo!"
Tumalikod ako at naglakad ng mabilis. Walang lingon lingon. Sobrang sikip ng dibdib ko... Ngayon ko lng to naramdaman.
Hindi totoo na mahal ni Liezl si Migz! At kung meron silang nakaraan... Nakaraan yun. Ako ang dapat niyang maging kasalukuyan.
Nauubusan ako ng pasensya... Pag uwi ko sa bahay sinuntok ko ng maraming beses yung unan ko.
"Shiiit! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Shiit!"
-----------------
" Lahat ng requirements nyo ipasa nyo na sa friday. I will not accept late projects and outputs on monday! Am I clearly understood?"Yun lang at dinismiss kami agad ni Mrs. Enriquez, matikas din 'tong teacher namin sa Math. Nakakatakot ding magalit kaya hinintay ko muna siyang mkalabas ng room bago ko nilapitan si Leizl.
Hindi ko alam kung pano yung tamang banat para umpisahan ko yung sasabihin ko... Pero actually hindi ko naman tlga alam kung anu yung sasabhin ko.
Sa sobrang dami hindi na ko makapagsalita kaya tinitigan ko n lng siya habang iniisa isa niya mga outputs na kailngn niyang isubmit.
" May sasabihin ka?"
Diretso ang tingin niya na para bang may ibang tao sa likod ng mga mata ko na kailangan niyang titigan...
Sabihin mo sa kanya na nahihirapan ka na sa nararamdaman mo....
_ this is what I have at the back of my mind..." Liezl..."
"Alam mo Drix kung may sasabihin ka... Pkibilisan na kasi hindi ang dami ko pang gagawin!"
Tatayo sana sya sa pagkakaupo pero nakabig ko agad yung kamay niya...
" Mahal kita!"
Bigla kong nasabi...
Medyo malakas yata yung boses ko kaya lahat ng tao sa room napatigil sa ginagawa nila.Biglang namutla si Liezl, sa tingin ko hindi nya akalain na sasbihin ko yun kaya ako na ang nagdesisyon na tumakbo palabas ng room.
Ang tanga mo talaga Drix! Pano mo nagawa yun? Hindi ikaw yan!
Yun lang ang tanging nasabi sa sarili ko.
Hindi ko na napasukan yung remaining class ko. Badtrip tlga 'tong araw na'to!
Kung hindi ako gagraduate--- bahala na si Batman!-------
Kung gusto mo itanong what happened after that....
Haaaayyyyy....lumipas ang araw heto na naman ako sa klase... Papasok lang para magbilang ng oras at segundo. Ilang subjects na lang ang natitira bago mag uwian pero pkiramdam ko I stayed inside the room for almost a month sa tagal ng oras na hindi ko sila matignan...May mga classmates ako na pasimpleng bumabanat ng joke ---
'Angas mo kahapon par!Parang Katniel lng ang peg!'
'Ikaw naman Drix... Nabigla ako sayo kahapon ah?!'
'Okay ka na Drix? PUMAPAG IBIG ka kahapon ah?!'
Gustuhin ko man mapikon pero yuko na lang at iling...
Nasan kaya si Liezl? Ayoko nang lumingon... Natatakot ako makita yung reaksyon nya sa mga nagtatanong.So ang ending... Natapos na naman ang mahabang araw ng klase ng nanatili akong na ka hang sa ere.
So ano na Drix? Tanong ko na lng sa sarili ko? Sa lahat ng Love Story na nabuo ko... Wala manlang ni isang Happy Ending.
Nagpatuloy lang ang ganong scenario... May pagkakataong magkakasama ulit kami ni Liezl sa groupings pero parang wala lang nangyari.
Kapag siya ang naaatasang magsalita para magexplain sa harapan hindi ko na sya tinitignan...
Hindi ko alam kung nahihiya ba ko o sadyang ayoko na lang talagang masaktan...
Bakit ang hirap magmahal?
Bakit ang hirap masaktan?
Sadya kayang may mga bagay na hindi pa nagsisimula at natatapos na agad?Cool lang Drix... Kapit lang... Kailangan mong gumawa ng paraan.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Love
Teen Fiction"Magiging si Mr. Right ka lang if you will arrive at the right place at the right time with the right age! Yan...right na right na yan! Pero wag ma SAD because that moment will perfectly arrive."