Maaga kaming pinauwi ngayong araw... JS Prom kasi bukas.
Abala lahat ng Guro at mga Seniors sa pagpeprepare para sa event bukas.
" Ano 'tol? Di ba tayo mag mamall ngayon? Aba mukang wala kang plano para bukas ah? May isusuot ka na ba?"
Excited si Paul. Pagkakataon ang naghihintay sa kanya bukas. Maisasayaw nya din sa wakas yung chicks na matagal nya nang pangarap... Well hindi naman matagal...last year nya pa pinangarap.
'Meron na'ko...kayo na lang nila Marcus ang mag mall'
Sa totoo lang wala na ko plano bumili pa ng bagong polo...marami sa closet ni kuya... Hindi naman kami nagkakalayo ng size.
'Sige tol...malaki ka na...kaya mo na yan'
Yun lang at nagsitalikod na sila...
Nagtataka din ako sa sarili ko... Datirati hindi ako nawawala sa mga ganung lakaran...at kung pormahan ang usapan... Sila yung una kong kinukulit para pagtanungan- bagay ba 'to..okay ba yung kulay....haaayyyySeryoso na 'to Drix... Niyayakap ko na yung unti unting pagbabago..
Dahil sayo Liezl hindi ko na kilala sarili ko... Sana magising ako na wala na lang sakin lahat... Yun bang wala na ko nararamdaman... Pero ganun pa din eh... Gumising ako kinabukasan mabigat ang loob at wala sa wisyo.
"Hindi mo sinabing JS Prom nyo mamya..." si mama.
"kung di pa nabanggit ng kapitbahay natin na si aling Letty na kailangan ng coat ng anak nyang si Benjo hindi ko malalaman..""wala naman po akong balak pumunta ma.."
"ano ba kasing meron at nagkakaganyan ka?"
Naririnig ko ang yabag ni kuya paakyat ng hagdan...nakupo... Isa pa yan... Tatanungin din ako nyan!
" wala naman ma... Ayoko lang talaga... Ang corny kasi eh may paganyan ganyan pa! Eh pwede namang party party na lang o kaya concert! Yun... Mageenjoy ako dun!"
"Corny? Talaga lang ah? O baka naman may iniiwasan ka?"
Umatake na ng tuluyan si kuya Dexter.
"Hindi no! Ako may iiwasan? Sino? Bakit? --- Ayoko lang talaga..."
" Hay naku...kumilos ka na jan at pinrepara ko na yung susuotin mo... Bumaba na kayong dalawa at ikaw Drix sasamahan ka ng kuya mo sa barber shop-- magpagupit ka!"
Yun lang at nagsibaba na sila.
Wala na kong itatanggi... Kahit pagpapagupit Go lang!?
Siguro nga hindi na importante kung ano na itsura ko... Kahit alam ko naman na sayang lang yung gabi pupunta ko.
------
Todo asikaso si mama sakin... Mas excited pa sya sakin. Okay na din... Habang pinagmamasdan ko ang ngiti nya sa sobrang tuwa -ang gwapo daw ng bunso nya- (well matagal na di ba?) ngayon ko lang din naisip na kahit pa anong mangyari okay lang talaga... Nandyan naman si Mama...
Niyakap ko si Mama ng mahigpit.
"Naku naman... Binata na talaga ang bunso ko..."
"Ma..." sasabihin ko sana kay mama na mahal ko siya pero sunod sunod na katok ang bumasag saming pagitan.
Namalayan ko lang na may bisitang dumating nung marinig ko ang isang pamilyar na boses... Parang narinig ko na sya matagal na.
"Drix....Drix... Bumaba ka muna sandali..."
Si mama yun...bakit kaya? Sino naman kaya ang naghahanap sakin?
Si Papa.
May dala siyang maleta... Parang alam ko na. Ganito yung madalas na makita ko sa palabas di ba? Yung tatay mong umalis noong unang panahon...nagbabalik sa bahay nyo ngayon.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya...hinihintay ko yung sasabhin ni mama pero nung tignan ko sya... Umiiyak na sya...
"Dexter... Drix anak... Andito si Papa... Matatanggap nyo pa ba? Ilang taon na lang ang pwede kong itagal... Gusto ko sa mga huling taon na yun... Kayo ng mama nyo ang kasama ko."
So may sakit na siya?
At ngayon babalik na sya dito?
Wow ha! Nasan ba sya nung kami ang may sakit? Naisip nya ba kami?Hindi ko alam kung ano ang tamang isagot o itanong, pero alam ko sa sarili ko --- Ayoko.
Nagsimula akong humakbang patungo sa pintuan... Naglakad nang walang lingon lingon... Ang tanging alam ko lang - ngayong gabi kailangan kong makarating ng mabilis sa eskwelahan.
------
Mabilis na nagsimula ang tugtugan... Lahat ng studyante na nahagip ng mata ko masayang masaya at aliw na aliw sa pakikipagkwentuhan...may nagsasayawan...meron din namang katulad ko...nananahimik sa upuan.
Ano kaya ang iniisip nila?
Pareho kaya kami ng nararamdaman?Lahat ng bahagi ng nakaraan ko unti unting bumabalik sa isip ko... Mga eksenang tumatak sa isip ko na matagal ko nang binaon sa limot...
"Papa bakit laging umiiyak si mama?"
Madalas ko yang itanong kay Papa nung maliit pa ko...
Hindi ko naiintindihan bakit lagi silang nag aaway.Hindi ko nga naiintindihan pero hindi ibig sabihin non eh hindi ko din narararamdaman....ramdam na ramdam ko yung lungkot.
Malungkot bilang bata kung pagmamasdan mo ang pamilya mo sa ganong sitwasyon.
Yung madalas na bangayan ni mama at papa.
Yung mga gabing umiiyak si mama kasi hindi pa umuuwi si papa...at sa paguwi nya...lasing na lasing sya.
Yung tahimik na hapag kainan habang silang dalawa walang tinginan....
Dun lahat nag umpisa...
"Drix?"
Hindi ko namalayang umupo na pala sa tabi ko si Liezl."Okay ka lang ba?"
Hindi ko alam kung paano ko ibubuka yung bibig ko...sa totoo lang nabigla ako. Hindi ko akalaing lalapitan ako ni Liezl.
"Liezl..."
"Hindi ako galit sayo kung yun ang iniisip mo" si Liezl.
"Hindi ko din akalaing sasabihin mo yun sa harap ng maraming tao..."
pagpapatuloy pa nya."ang alin?..."
Ah oo nga pala...nasabi ko ng malakas--- Mahal kita.
"yung Mahal kita?"Yumuko lang sya...gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung ito ba yung tamang pagkakataon.
Pero parang umaayon naman talaga nang maghiyawan ang lahat sa pag intro ng kanta ni Yeng Constantino ....
"Ikaw""pwede ba kitang isayaw Liezl?"
Nasabi ko din sa wakas!
Hindi ko na maalala kung ano..at paano basta nahimasmasan ako nung halos magdikit na yung katawan namin sa pagkakayakap...
Sana hindi matapos tong gabi na to.
Sana hindi ako nananaginip.
Sana....
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Love
Teen Fiction"Magiging si Mr. Right ka lang if you will arrive at the right place at the right time with the right age! Yan...right na right na yan! Pero wag ma SAD because that moment will perfectly arrive."