Chapter Two

83 4 0
                                    

Aba himala! Hindi ata pumasok si kuya Dexter? Bihirang bihira mangyari yan ah... mula nang magwork sya as software engineer sa Hewlett Packard hindi na namin siya madalas makita sa bahay. That was 2 years ago after nya makagraduate sa University of the East. Minsan kahit na feeling ko ang boring naman ng life nya as a bachelor, hinahangaan ko pa rin yang kuya ko na yan.

Madalas kong bisitahin yung facebook wall nya... naghahanap lang ng updates tungkol sa status nya.

Nakakatawa no? Kami na ang magkasama sa bahay..natutulog sa iisang bubong pero sa facebook ko lang nadidiscover yung events na kinasasangkutan niya.

Gaya na lang ng love life... sa recent posts nya nalaman ko na break na pala sila ni ate Angela.

Girlfriend niya yun for 3 years pero hindi ko alam kung anu nangyari.

" Letting go is the bravest decision a man could ever do." Status nya yan last November na umani naman ng 147 likes at 56 comments...puro -- okay lang yan pare, andito lang kami! - what happened Dex? Pm nmn jan oh? -- nakikiramay ako 'dre! -- at kung ano ano pang ibang pang comfort na comments from friends.

" I always thought you were my Mr. Right, but I was wrong...:'( " status naman yan ni ate Angela same day na nagpost si kuya. 186 likes at 72 comments! Whooaaah? Ganun kadami ang babae sa mundo na pwede maka relate? - gurl chillax...darating din si Mr. Right! - Sis don't worry okay it will be fine.- Relate much sis! Mahirap talagang mahanap si Mr.Right! - at sa lahat ng comments wala ko masabi...tsk tsk.

Pag nagkita kami ni Mr. Right, gugulpihin ko siya! Aba lahat ng girls siya ang hanap? Ano siya? Sinuswerte?

Anong emote nitong mga babaeng 'to at kailangan maging si Mr.Right ka muna bago  marealize enough na kayo sa isat isa?

Anong alam nila kay kuya Dexter para masabi nilang hindi siya si Mr.Right?

" A Right Guy isn't always the One who can Move the Earth for You, He is Sometimes the One who Carries the Earth instead!" - Yan naman yung post ni kuya that night.

Ano kayang problema nitong mga 'to?

Dahil wala naman ako sa posisyon para magtanong kay kuya eto na lang ang naitanong ko...

" la kang pasok?" Habang binubuksan ko yung fridge para maghanap ng palaman sa tinapay pinakikiramdaman ko siya kung sasagot ba.

" masama pakiramdam ko."  Walang bago...gaya ng dati... tuwing kausap ko si kuya hindi naman ako makakuha ng maayos na figure sa muka niya, kung hindi nakatutok sa laptop niya nanunuod ng NBA.

Ngayon mukang naguupdate ng status... nacucurious ako.

"Bakit ang aga mo umuwi?" Tanong niya sakin.

Oo nga no? Naisip ko din...bakit nga ba? Ah oo nga pala...kanina kasi may faculty meeting kaya pinalabas kami agad ng 11... si Marcus at Evan absent mukang nag dota buong umaga...si Paul naman niyaya ng pinsan niyang si Mark sa SM North Edsa may ka EB kasi...

Eh ako? Ayun... umiiwas ako kay Mariz hindi ko pa kasi alam kung ano isasagot ko sa kanya. Haaayyy buhay!

" siguro 'bring mother' ka naman 'no? Kaya hindi ka makasagot diyan?" Hula niya at medyo tama.

" si sir Chavez kasi eh napgtripan na naman ako!" Intro ko para kahit papano masabi ko na din kay mama.

"Well kung hindi ka gumawa ng kalokohan hindi ipapatawag ni sir si mama..." nagsimula na siya tumayo para kunin yung coffee nya sa dining table kung san ako nakaupo, ako naman nagkandahaba ang leeg kakasipat sa laptop na naiwan sa center table namin.

" so ano talaga ginawa mo?"  Interesado talaga siyang malaman.

" wala. Promise wala."

"Pwede ba un? Papatawag si mama wala lang?"

The Right Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon