Chapter Four

63 5 0
                                    

Hindi ko alam kung papansinin pa ko ni Liezl after what happened...tsk tsk...Drix naman kasi wag kang padalos dalos...sa susunod mag iisp ka naman!

Kanina sa last period panay ang tingin ko kay Liezl pero hindi niya ko tinitignan..mukang nainis nga ng tuluyan. Di bale babawi ako sa kanya mamyang uwian.

"Drix... alam mo na ba nangyari kay Mariz?" 

Tanong yan ni Evan habang nililigpit ko yung mga notes ko.

"O bakit? ano ba nagyari?"

"Hindi daw nakapasok kasi sinugod sa hospital kagabi!" 

"Ano? Seryoso?"  

Bakit isinugod sa hospital? Anung nangyare? Don't tell me nagatempt magsuicide?Naku Drix! Pag nagkataon ang epic ng love story mo.... may nagpapakamatay na para sayo! kabog!

" Hindi daw makahinga sa kakaiyak kagabi, Eh nag alala yung mama niya kaya sinugod sa emergency!"

Ah yun naman pala...so ako yung iniiyakan niya? kawawa naman... hindi ko na tuloy alam anong gagawin ko...  Ligawan ko na lang kaya ulit? hindi pwede eh! hindi ko na talaga kaya iwasan si Liezl.

"'tol baka gusto mong dalawin mamyang gabi?" 

Yan si Paul eh...concern talaga yan sa lahat ng tao.

" Ayoko."   AYoko talaga. Mkikita ko si MR.M baka kung hindi ako ang masapak niya mapadugo ko yung buong muka niya!

"Ganyan ka na ba talaga ka hard kay Mariz Drix? Kahit pakitang tao lang maisip mo sana na ikaw ang may kasalanan kung bakit umiiyak yung tao ngayon!" 

Si Marcus naman... parang hindi niya alam na pag ayoko na ayoko na talaga!

" Mga 'tol hindi naman sa ganun, ayoko siyang bigyan ng konting pag asa...baka lalo lang lumala yung sitwasyon!"  --- Nakkkssss....so ako na ang pinaka POGI sa inyong lahat ganon? Wow ah!

Makailang pilit wala din naman akong nagawa... so ang laging ending ganito ---AYOKO PERO SIGE NA NGA!

" Okay naman na siya sabi ng Doctor, wag lang daw masyadong magiiyak at bumbalik yung dati niyang sakit. May asthma kasi yan nung bata eh..."

As usual, ganyan pa din kagentle makipag usap mama niya kahit alam niyang bahagi ako ng pag iyak ng anak niya.

" Uy Mariz... wag ka nang iiyak ah! hayaan mo na kasi yang si Drix... hindi pa yan ang pinaka gwapong lalaking makikilala mo sa mundo!" 

Naapreciate ko naman ang pagpapatawa ni Paul yun nga lang di ko makuhang sumakay sa biro. Ganito ko sa actual senario... naaawa din ako pag kaharap ko na yung tao. Kung kaya lang alisin ng yakap ko yung sakit na naibigay ko pero hindi na talaga uubra.

"Iwanan muna namin kayo!"

nagdesisyon na ngang lumabas nila Evan.

" Drix... "

Hindi pa din ako makatingin sa kanya. yumuko ako para simulan yung mga sasabihin ko pero hindi ko alam kung makakabuti ba yun sa kalagayan niya!

SHIT! Bakit ganito kahirap? 

"Mariz please... Hindi ko alam pano ko magsisimula eh.... ayoko naman isipin mo na napakawalang kunsensya kong tao para dagdagan pa yung nararamdaman mo!"

" I Know. Akala mo ba hindi ko sinubukan? sinubukan ko naman tanggapin Drix eh pero anong gagawin ko... nasasaktan ako. Nasasaktan ako Drix!"

"So ano? Magpanggap na lang ako? Patas ba yun sayo?"

"Hangga't hindi ko pa kaya tanggapin Drix.... Wag mo ko basta iwanan sa ere Drix! Wag biglaan... Try muna natin Drix...please?"

"Hindi yan tama Riz! Ano lolokohin mo sarili mo? sasaktan mo lalo yang dibdib mo?"

The Right Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon