"Drix! Drix anak?!"Sunod sunod na katok ang gumising sakin ngayon umaga.
Ano ba yan! Yung continuation ng love story kong natapos kagabi tinapos ng panggigising ni mama.
" O!? Bakit ba? La namang pasok ah?"
" Sabay sabay tayong mag almusal!
Ngayong andito na si Papa mo lagi na tayong sabay sa almusal...."Napabalikwas ako ng marinig ko yung salitang "papa". Sino? Papa? Wala ako nun! Matagal na kong walang papa...at ayoko ng maalala kung kelan kami huling nag almusal ng magkakasama...
"ayoko ma! Kayo na lang!"
"Drix? Kahit para kay mama na lang anak..."
" masakit ulo ko ma... Kayo na lang!"
So ano? ganun na lang yun? ang tagal kong naghintay na bumalik siya. Naaalala ko pa nga nung mga panahon na kailngan may pumuntang magulang para sa'kin, sasabihin ko sa teacher ko na may pasok si mama, "eh ang papa mo? papuntahin mo!" ---yan! yan ang iniiwasan ko marinig. Pero paulit ulit ko naririnig. Bakit ayaw nila tumigil? Bakit kailangan ko pa iexplain yung bagay na di ko kayang iexplain?
"Ano ba Drix?!" galit na yung tono ni mama kaya ayun, napilitan din ako bumangon.
Pagbaba ko sa kusina, alam na! iniwasan ko siyang batiin, ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Ah eh Drix anak, hindi ko namalayan na ang laki mo na pala." alanganin din niyang sinabi.
Dedma lang sakin. Ayoko patulan yung pakitang tao niya.
"Naku, alam mo ba yang bunso mo, maraming nagkaka crush diyan kahit nung Grade 6 pa lang. Sa tingin ko nga, sa school nya ngayon, marami din yang babae papa!" banat naman ni Mama na para bang hindi siya nagdusa ng mahabang panahon para tawagin niya yang lalaking yan na "papa".
"talaga? eh ang ganda ng tindig, gwapings eh! ganyan ang gusto ng mga teenager ngayon! yung tsinito na makinis pa. Manang mana talaga sakin itong isang 'to!" pagyayabang niya.
Ako? mana sayo? wow ha! hindi ako magiging kagaya mo! sa isip ko lang pero gusto ko isigaw. Hindi ko man nasabi ng malakas, nagiliran ko naman siya ng tingin, sabay siko naman sakin ni kuya... alam niya na naiinis ako.
Madalas ang bilis ng oras, pero ba't ngayon ang bagal? kailangan ko makaisip ng paraan. kailangan kong umalis ng bahay, pero paano? Eh linggo ngayon! Alam ko na, yayayain ko si Liezl magsimba! ngayon yung unang araw na mageeffort ako sa kanya... tama!
"magsisimba ko 'ma!" yun lang ang nsabi ko matapos kong kumain. Hindi ko din hinintay na sumagot si mama pero pagtalikod ko... tahimik silang tatlo.
Speechless! Di kasi ko nagsisimba! malamang takang taka sila!
-----------
Habang naglalakad ako papunta kina Leizl iniisip ko na ano ang pwede kong intro sa mama niya. Mas maangas kasi kung ipapaalam ko siya. Dapat talaga mauna kong maimpress ang mama niya, mas naeexcite ako alalahanin na maganda ang impresyon niya sakin nung una kaming nagkita.
Pero habang papalapit ako sa gate nila, natatanaw ko si Liezl na may kausap sa tapat nito... sana mali yung hula ko! Hindi si Mr. M yan! Hindi si Mr. M ang susulot ng moment ko ngayong araw!
Pero lumingon na nga at booommm! Parang sumabog yung dibdib ko... Ngayon lang ako nkaramdam ng matinding sama ng loob.
" Drix?" natanaw ako agad ni Liezl.
"San ang punta mo?" nakangiting tanong niya. Pero hindi ako natutuwa kahit ngumiti pa sya.
"Eh kayo? san punta niyo?" hindi naman halata na galit ako eh pero parang ganun na nga.
"Ito kasing si Migz ay..." di pa niya tinatapos at di ko napigilan, nagsalita na ko agad!
"Wala ka bang magawa Migz? Gusto mo bigyan kita ng gagawin?" mayabang kong tanong.
"Anong problema mo?" namula siya sa tono ng pananalita ko. Halatang nahulaan niya ang ibig kong sabihin.
"Ikaw. Ikaw yung problema ko!" lalapit sana ko para pitserahan pero hinawakan ako ni Liezl.
Habang nkatayo siya para humarang sa harap ko, ang lapit pala ng muka namin sa isat-isa. May sinasabi siya ng pabulong pero di ko marinig, tila bumagal din yung buong paligid, sa bibig niya lang ako nakatitig. Unti unti kong nilapit yung mukha ko pero nagulat ako ng bigla siya nagtaas ng boses!
"Drix! Ano ba?!" gigil na gigil niyang tanong. " Bakit ang init ng ulo mo ha?" namumula na siya sa inis.
Ibubuka ko sana yung bibig ko pero ewan ko ba, napailing na lang ako sabay talikod.
Pakiramdam ko madami akong sasabihin pero bakit wala ko maisip sabihin?
Feeling ko puno yung dibdib ko pero bakit wala kong mailabas para isigaw? ano ba 'to?
Binilisan ko na lang yung lakad ko pero nahatak ni Liezl yung kamay ko.
"Drix may problema ka ba? pag-usapan natin!" nagaalala yung tono niya.
Gusto kong sagutin pero napipi ako, di ko siya magawang lingunin. pumuwesto sya sa harapan ko at hinawakan niya yung mukha ko --- ang lamig ng kamay niya. Kinabahan kaya siya sa mga inasal ko kanina? Kinabahan ba siya kasi akala niya sasaktan ko yung natatanging Mr. M niya? lumakas lalo yung kabog ng dibdib ko pero alam ko di ko na pwede iwasan yung pagkakataon na to.
"Yayayain kita magsimba pero si Mr. M kasama mo!" yan yung biglang nasambit ko.
"Mr. M? sino? si Migz? So si Migz si Mr. M sa hula mo?" takang taka niyang sabi.
"Sino pa ba? may iba pa bang "M" na initial na pwedeng itambal sayo?" idedeny niya pa ata pero maagap ako.
"Okay! kaya pala nagkakaganyan ka. Wala namang ginagawa sayo yung tao." di ko matantya ang emosyon niya habang sinasabi niya to.
Pero sa isip ko ---- walang ginagawa? inaagaw ka niya sakin! gusto ko siyang sagutin ng ganito pero di ko na magawa... bakit di mo sabihin Drix? Napipipi ka ba dahil sa babaeng 'to?
Nakatingin ako sa ibang direksyon, iniiwasan ko na lang siya tignan kasi nahihiya ako sa ginagawa ko. Oo naman, marunong ako mahiya, lalo pa't alam kong hindi ako si Mr. M. Kung hindi ko siya mababawi baka susuko na lng ako ng ganito ---- susuko ng nasasaktan.
Bigla niya kong niyakap!
"Wag ka na magalit sakin Mr. M!" malungkot niyang sabi. Mahina pero dinig na dinig ko.
tugdug, tugdug, tugdug, tugdug, tugdug...... yan lang ung tunog na naririnig ko... hindi ko alam kung sakin yan o sa kanya, sa kanya ba? sa akin ba? para kasing nagsanib pwersa sila kaya ang tunog na yan nagmistulang iisa.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Love
Teen Fiction"Magiging si Mr. Right ka lang if you will arrive at the right place at the right time with the right age! Yan...right na right na yan! Pero wag ma SAD because that moment will perfectly arrive."