Chapter Three

62 4 0
                                    

Lahat nag enjoy sa napanuod nila sa film viewing pero parang ako lang ang hindi. Naririnig ko pa yung pag-uulit nila sa mga linyang nkakatawa mula sa character nung palabas --- nakakainggit yung ganung moment, bakit ba kasi masyado akong apektado kay Liezl? Marami naman iba diyan?

"Layo nang isip mo 'tol ah? ano? wala sa earth? kanina pa kaya kita tinatawag di mo ko naririnig!"

si Paul... nasa likuran naman niya ang mga mokong na nag one day kahapon!

" Ang ingay kasi nung mga kaklase natin eh... magkakasama naman sila nanuod pero aliw na aliw ikwento yung mga nangyari sa loob!" palusot ka na naman Drix. Wheeew...swabe lang kasi dapat di ba?

"So anong nangyari?" Ano naman kaya alam nitong si Paul?

"Nangyari?" patay malisya, mahirap na baka magkaiba kami ng iniisip! 

" Eh loko pala 'to eh, nakatabi mo lang si Mariz lutang ka na? " si Evan ang apektado sa palusot ko.

" Ah, yun ba... hindi ko na muna iniisip yung kay Mariz! Tsaka bakit ba ko maghahabol eh di naman ako aso? guwapo pwede pa!"   Yan yung banat para hindi na nila ko kulitin.

" So..ganun na lang? sure ka?"  parang ayaw maniwala ni Marcus.

" Oo 'tol...so pwede ka na umeksena.. no hurt feelings promise!"  Alam ko naman lahat ng type ko nagiging type niya...hay naku Marcus , wag na wag kang magkakamali kay Liezl kung hindi baka makalimutan kong tropa tayo! - O ayan na naman ako! ano ba Drix!? pero kasi pwede naman maging M for MARCUS! Shut up! sobra na'to! tigilan na please....

Nang matapos lahat ng tanong...sinundan ng kantiyaw...hanggang sa nauwi sa pustahan sa bola.

Nakita ko na naman si Migz, makakalaro ko ngayon si Mr.M! oh c'mon? 

Hindi gaya ng dati, matapos ang laro masaya naming ineenjoy ang usapan ng pagkatalo at pagkapanalo, at kung sino yung pinakapulpol na point guard, at kung sino yung bumabakaw ng puntos.... naninibago siguro sila sa katahimikan ko.

" Okay ka lang Drix?"  si Mr.M inuumpisahan ako...tsk tsk ayoko ng ganito.

"ikaw, okay ka lang?"  Eh hindi ko talaga maitago yung pagkadismaya ko.

"Oi? Anong banat yan 'tol? napano ka ba?"  Gulat na gulat si Paul sa narinig niya sakin... lahat sila napatitig sakin...HEY? ANO? So ako ang kontrabida ngayon?

" Cool lang Drix! mukang malalim hugot natin ah? may nagawa ba'ko kanina? let me know!"  

At sa tingin ata nito mapapabilib niya din ako sa mga talks na gaya niyan. Gusto kong sabihing - OO MERON - pero alam niya ba? O di kaya naman - STAY AWAY FROM HER! - pero ang awkward di ba? Umiwas ako ng tingin at tuluyang naglakad palayo.... May araw ka din sakin MR.M...hindi pa tayo tapos!

Tutal nasa malapit lang ang bahay ni Liezl kaya naisip ko dumaan. Mommy niya ang nagbukas ng pintuan.

" maupo ka muna saglit Iho at tatawagin ko." 

Gaya ni mama, galit din ata siya sa mundo. Kahit simpleng pagpapakita ng giliw wala sa muka ng mommy niya, Eh kay MR.M kaya ganito din siya?

" O Drix? may usapan ba ang grupo?" 

Medyo tinatantya ko sa muka ni Liezl kung hindi niya nagugustuhan yung biglaan kong pagbisita...nung mga araw kasi na nandito kami sa bahay nila wala ang mommy niya, pagabi na kasi kaya siguro nakauwi na.

" W-wala. Ano kasi eh, gusto kong kumpletuhin yung ISN ko, may usapan kasi kami ni sir na kailangan...kailangan maipasa ko yung kumpletong entries ng Second Quarter. "

Yun eh... nakaisip din ng sasabihin...galing mo Drix! naisip mo yun?

" Ah ganun b? so hihiramin mo yung sakin?"

The Right Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon