"Hey Hey I can't breath" pagtataboy kay Rian ni Mallows ni Rian
Nagulat nalang si Rian ng biglang may nanghila sa kamay niya at ng lingunin niya ito. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha na balot ng galit. Ang dilim ng awra nito.
Inagaw naman ng kausap na lalaki ang kamay ni Rian mula kay Kent.
"Back off she's mine" mariing sabi ni Kent sa lalaki nabakas sa mukha ang galit.
"She's never been yours. Cause she's mine" pangasar na sabi ng kasama ni Rian at umalis sa kinaroroonan nila habang holding hands.
"Why are you doing that?" Tanung ni Rian sa kasama niyang lalaki.
"Why ? Are you his girlfriend?" Nakakunot noo na tanung ng lalaki.
"No" mabilis na sagot ni Rian.
"Good. So that only means im still your boyfriend" nakangiting sabi ng kasama niya.
**
Dahil sa inis na nararamdaman ngayon ni Kent, pati ang mga kateam niya damay.
"Fuck" inis na sabi ni Kent.
"Dahil dyan walang water break. Another 1 set" sabi ni Kent.
Walang nagawa ang mga kateam niya. Masama ang pakiramdam ng coach nila at bilang siya ang Captain Ball siya muna ang magsisilbing coach ng mga ito.
Hindi parin maalis sa isip niya kung sino ang kasama ni Rian. Oo alam naman niya na wala siyang karapatan kay Rian dahil hindi pa naman sila. Pero syempre manliligaw naman siya ni Rian at alam niya na rin na nasa stage na sila ng MU (Mutual Understanding).
Mabilis natapos ang 4 quarters at meaning tapos na ang practice game nila.
"Hey dude, its because of that bastard?" Tanung ni Shaun.
Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ng kateam. Hindi na rin siya nag shower pa. Nagdedecision na siyang umuwe na muna at sobrang tagal ng araw na ito sa kanya.
Nang makarating siya sa kwarto niya, naligo na siya. Hihinga na sana siya sa kama niya ng makita niya ang laptop niya sa may maliit na study table. Kinuha niya ito patungo sa kama niya.
Nagsearch nalang siya ng kung anu anu para maalis ang badtrip niya.
Pagopen niya ng FB (FaceBook) saktong nasa news feed niya ang status ni Rian.
"Finally, he's here and his back because of me" yan ang post ni Rian sa Facebook kasama ang picture nilang dalawa.
Sino ba yun ? Boyfriend niya ? Kelan pa ? Grabe nakakainis. Mas gwapo naman ako dun. Sabi ni Kent sa isip niya.
**
"Mallows sobrang namiss kita" sabi ni Rian sa lalaking kasama niya."Ako din" sabay gulo sa buhok ni Rian. Napangiti nalang ang dalaga.
Sa wakas may kakampi na siya. Si Mallows ay si Kyle. Ang pinsan niya. Lagi silang nagpapanggap na sila. Lalo na pag may umaaligid kay Rian.
"Mallows sino ba talaga yung lalaki kanina ?" Pangungulit ni Kyle. Kasalukuyang sa condo muna ni Rian si Kyle tutuloy. Ganyan naman palagi.
"Manliligaw ko" nakayukong sabi ni Rian.
"Anu? Manliligaw mo? Kelan ka pa tumanggap ng manliligaw?" Hindi makapaniwalang tanung ni Kyle.
"Deal lang naman yun Kuya. Para sa libreng chocolates lang yun" paliwanag ni Rian. Kuya ang tawag niya kay Kyle pag silang dalawa nalang. Mas matanda kasi ito sa kanya ng ilang buwan.
"Kelan pa?" Si Kyle.
"Mag5 months na kuya" sagot ni Rian. Magkaharap na sila ng kuya niya. Seryoso na ang mukha nito hindi katulad kanina.
"So kelan mo balak sagutin ? May balak ka nga ba ?" Tanung ni Kyle na seryoso parin ang mukha.
"Ewan. Meron nga ba ?" Naguguluhang sabi ni Rian. "Kuya naguguluhan parin ako" sabi niya sa Kuya Kyle niya.
"Bakit?" May halong pagtataka sa mukhang tanung ni Kent.
"Hindi ko kasi alam kung bakit niya ko nililigawan. At yung fact na Hearttrob siya. Kuya walang wala ako kumpara mo sa iba" sabi ni Rian na nakatingin na kuya niya.
"Rian, maganda ka? Malay mo naman nabighani siya ng taglay mong kagandahan kaya ganun" sabi ni Kyle. "Tama na yan. Basta kung sasagutin mo man siya, ayos lang sakin. Basta wag kalang niyang gagaguhin Patay siya" nakangiting sabi ni Kyle sa kanya.
Humiga na silang magpinsan habang yakap yakap ni Kyle si Rian.
Bahala na. Lord ikaw na pong bahala. Sabi ni Rian sa isip at pumikit na.
BINABASA MO ANG
I Win You Through A Bet
General FictionNagsimula ang lahat ng dahil sa heartbreaker na si Kent. Ayyyy hindi, Nagsimula ang lahat ng dahil sa pagkahilig ni Rian sa chocolates. Ayyy alam ko na. Nagsimula ang lahat ng dahil sa isang pustahan. Pustahan ng dalawang grupo. Saan nga kaya a...