IWYTB - 13

0 0 0
                                    

Nagsimula na nga ang plano ng boys.

"Hi Brod" sabi ni Rocky kay Aldrine.

"Oh! Ikaw pala yan Rocky" nakangiting sabi ni Aldrine. Hindi lingid sa kaalaman ni Aldrine na isa sa Mga kaibigan ni Kent si Rocky.

"Hindi ka galit sakin?" pagsisimula ni Rocky ng conversation kay Aldrine.

"Bakit naman ako magagalit? At tutal pinansin mo na rin ako. Pwede ba akong magtanung?" sabi ni Aldrine.

Walang kagatol katol na tumango si Rocky. "Anu ba yun?"

Tila may pagaalangan si Aldrine pero gusto niya rin naman tulungan ang kaibigan na si Rian. Mula kasi nung nangyare yung pambabasted ni Rian.  Tila may nagbago sa dalaga. Madalas na rin nila itong makitang nakatulala.  "Totoo ba yung sinasabi ni Rian na niloko siya ni Kent? Na pustahan lang ang lahat?" tanung ni Aldrine.

Tama nga ang hinala nila na. Na alam na nga ni Rian ang tungkol sa pustahan. Nagtataka man sila kung paano ito nalaman ng dalaga wala na silang pakialam dun. Tapos na.  Nangyare na ang dapat hindi nangyare.

Nahihiyang tumango ang binata "Totoo. Pero nung una lang iyon. Nakita niyo rin naman yung pageefort ni Kent para sa kaibigan mo. Kami ang may kasalanan. Ang astig kasi ni Rian. Siya lang yung walang takot kay Kent. Hindi siya nadadadala sa mga charms nito. At dahil narin sa ego ni Kent pumayag siya na makipagpustahan samin. Kami ang nagprovoke kay Kent para gawin to. Kaya wag kang magalala itatama namin ang mga mali na nagawa namin. Kami na rin ang nanghihingi ng pasensiya sa kaibigan mong si Rian" Paliwananag ni Rocky. 

Tila naman naliwanagan na si Aldrine. Isa rin naman yun sa dahilan kung bakit rin sila nagpustahan. Dahil hindi rin sila makapaniwala na parang wala lang si Kent kay Rian. Pero ang lahat ng iyon ay kasama lang sa nakaraan. Dahil iba na ngayon. Mukhang tinamaan na rin ang kaibigan nila.

"Sana wag sumuko si Kent kay Rian. Naaawa na rin kami sa kaibigan namin. Lagi siyang tulala. Nagbago na rin si Rian mula ng nangyare yun. Iba ang sigla ni Rian nung laging andyan si Kent sa tabi niya" sabi ni Aldrine.

"May tanung ako sayo, sino ba si Kyle?" tanung ni Rocky.

"Si Kyle. Siya ang mallows ni Rian. Masyadong importante si Kyle kay Rian. Yun lang ang alam ko." sagot ni Aldrine.

"Boyfriend ba siya ni Rian?" tanung ulit ni Rocky.

"Sa pagkakaalam no hindi" nakangiting sabi ni Aldrine. "Sige Rocky una na ko. Dadaan pa ko sa library" sabi pa ni Aldrine at umalis na.

*Sa Library

Kinuwento ni Aldrine ang mga nalaman niya sa mga kaibigan.  Buti nalang at wala si Rian dito dahil may meeting sa kanilang Tanghalan. Isa kasi siya sa officer kaya kailangan ang presensya niya.

"Sa tingin niyo bakit kaya ni Rocky tinatanung kung sino si Kyle sa buhay ni Rian" tanung ni Lance.

Tila nagisip ang mga kaibigan at nagsalita si Irene, "Hindi pa ba halata na concern sila kay Kent. Mukha ngang mahal talaga ni Kent si Rian" tila kinikilig na komento nito.

"Ang angas ni Kent pero si Rian lang pala ang kahinaan" segunda pa ni Franz.

Nagtawanan sila. Iba talaga ang nagagawa ng pagibig.

*Sa Classroom

"Okay class settle down please. I decide that your task will be by pair. I will be the one to pick your partner. If you dont want your partner you may go and see you next semester. Is that clear?" pahayag ni Ms. Jimenez

Nasitanguan naman ang lahat. Alam nila na kung anu man ang sabihin ni Ms. Jimenez ito na ang final.

"For your task you will create a flyer/brochure about one of the trending topic in the administration of Pres. Duterte. The Build Build Program. I should see the pro and cons of that. You should be creative in doing that. Okay?" sabi ng guro at may ilang bulong bulungan pero hindi na ito pinansin pa ng guro. "For the list of your partners I will post that in the bulletin board today before your class end. So better to go in the bulletin area before you go home. Okay" saad pa ng guro at nilisan na ang silid aralan.

*Cafeteria

"Sana ikaw nalang ang maging kapartner ko para less hastle" nakangiting saad ni Lance pagkakaalam ng inorder nito.

Nagsimula nang kumain si Rian. Ewan niya kung anung nangyayare sa kanya nitong mga huling araw. Lagi nalang kasi siyang gutom.

"Salamat aaaaa... Sana pala hindi na kita nilibre kung alam ko lang na dededmahin mo ko" tila may pagseselos sa boses nito.

Napangiti nalang si Rian sa inasta ng kaibigan "Anu nga yung sinabi mo? Hindi na kasi masarap itong fries kapag hindi na mainit" nakangiti parin saad ng dalaga.

"Sabi ko sana tayo nalang yung partner para di hustle" paguulet ni Lance.

"Sana nga. By the way hindi mo ba nakita si Franz hindi na siya satin sumasabay kapag break" takang tanung ni Rian.

"Sabi niya may dadaanan pa daw siya sa library alam mo naman yung bakla yun mas una pa sa first" nakangiting sabi ni Lance at kinain na niya ang last bite ng burger.

"Hays... Mas gusto ko palang maging kapartner si Franz. For sure wala akong gagawin pero may grade ako" nakangiting sabi ko. Isa kasi sa scholar si Franz.  Matalino to kahit maloko. Ang motto kasi nito study first before anything else.

Napakamot nalang sa batok si Lance "Minsan Rian pagalam mong hindi matutuwa yung kasama mo sa sasabihin mo mas okay na itikom mo nalang yung bibig mo" nakangiting sabi nito pero halata sa boses niya ang sakit. Oo matalino rin naman siya pero alam niya sa sarili niya na hindi siya masipag tulad ni Franz. Ang lagi niyang sinasabi mas gumagana daw kasi yung utak niya pag last 2 mins na. Mas marami daw kasing ideas ang pumapasok. Bumalik na sila sa classroom dahil malapit na rin magtime. 

*Sa classroom

"Okay Class Dismiss" saad ni Mrs. Cruz. Ito kasi ang last teacher nila.

"Finally tapos na" nakangiting sabi ni Franz.

"Tama so tara sa tambayan" sabi pa ni Lance.

"Sandali. Tignan muna natin kung sino ANG kapartner natin sa task ni Ms. Jimenez" sabi ni Franz at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng mga kaibigan. Hinatak na rin niya si Rian, at dahil wala na rin choose kundi sumunod si Lance.

*Bulletin Board*

Here are the list...

...
...
...
...
Francis Alvarez and Mikeyla Ramos
...
...
...
Lance Joe Balderama and Joona Sayson
...
...
...
...
...
Rhianna San Andress and Clark Kent Santos

Iba iba ang naging reaksyon ng makita nila ang kung sino ang kanilang magiging partner.

"Yesss partner tayo" - boy 1

"So paano ba yan partner kaya mo na yan" - boy 2

"Swerte ni Joona si Lance ang partner niya" - girl 1

"Hays sana ako nalang ang partner ni Franz" - girl 2

Samantalang may bahid ng pagaalala ng dalawang kaibigan ni Rian ng malaman nito na si Kent ang kapartner ng isa.

"Okay ka lang?" nagaalalang tanung ni Franz.

"Baka kailangan niyo talagang magusap para malinawan kayong dalawa" segunda pa ni Lance.

"Anu ba naman kayo ayos lang ako.  At wala na kaming dapat pang linawin.  Malinaw na ang lahat." nakangiting sabi ni Rian.

-------------------
Wag bibitaw mga kapatid.

Maganda nga kayang simula ito para kila Rian at Kent?

Tunghayan ang susunod na magaganap.

Happy reading.

~enajerlovesyou

I Win You Through A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon