vIWYTB - 01

146 6 3
                                    

"Confirm" nakangiting sabi ni Aldrine sabay upo katapat ni Rian.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Rian dahil sa narinig.
"Anung confirm?" tanung ng kadarating na si Irene.
"Na babae na si Rian" nakangiti pang sabi ni Aldrine.
"Huh?" Naguguluhang sabi ni Irene. Samantalang si Rian nakataas parin ang kilay at nakatingin kay Aldrine ng masama.
"Spill it out, parang hindi mo naman kami kaibigan" hindi parin nawawala ang mga ngiti sa mata ni Aldrine.
"Sino ba kasing may sabing kaibigan kita" mataray na sabi ni Rian sabay kuha ng bag na nakalagay sa lamesa.
"Hey! San ka pupunta?" Sabi ni Franz.
"Hell" sigaw ni Rian na hindi man lang lumingon sa mga kaibigan.
"Adik ka kasi" pangsisisi ni Irene kay Aldrine.

Tumawa nalang ang huli. Inilabas na ni Irene ang laptop at ginawa ang kanyang presentation.

Maya maya naman dumating na rin ang isa pa nilang kaibigan.
"Sinong kaaway ni Rian?" Tanung ng kararating lang na si Lance.

At sabay sabay na tinignan si Aldrine kaya napatingin narin si Lance sa lugar ni Aldrine na kasalukuyang nagsusulat.
"Okay! Okay! Sabi ko lang naman kanina confirm" sabi ni Aldrine habang nagsusulat siya.
"Confirm? Bakit?" Takang tanung ni Irene.
"Naabutan ko kasi siyang nakangiti sa kawalan" paliwanang ni Aldrine.
"E asan ang confirm dun?" Anas ni Irene na tinigil muna ang pagtatype sa laptop niya.
"Hays. E bakit ba natutulala ang isang tao habang nakangiti ?" Tanung ni Franz at humarap kay Irene.
"Aba malay ko. Ako ba si Rian" clueless na sabi ni Irene.
"Irene yung totoo babae ka ba?" Inis na tanung ni Franz.
"Oo naman" mabilis na sagot ni Irene.
"Sige bakit natutulala ang isang babae at nakangiti pa" tanung ulet ni Franz.
"May iniisip malamang. Tulala nga e. UTAK naman Franz" sabi ni Irene at nagtype na.
"Hays! So ang sinasabi mo INLOVE si Rian" sabi ni Lance.

At tumango naman si Aldrine sa sinabi ni Lance.
"Si Rian inlove?" Takang tanung ni Irene sabay off ng Laptop niya.
"Paano? Kanino naman?" Itinigil narin ni Franz ang ginagawa at nagfocus sa pinaguusapan nila.
"Kay Kent kanino pa ba?" Sabi ni Aldrine na ikinatawa ng iba.
"Ha ha. Dalawang tawa para sa walang kwenta mong jowk" inis na sabi ni Franz.
"Kaya nga. Si Rian maiinlove at kay Kent pa talaga anu to end of the world" tatawa tawang komento ni Lance.
"Ewan ko sa inyo. Basta naniniwala akong inlove na si Rian kay Kent" proud na sabi ni Aldrine.
"Hahaha. Baka nakakalimutan mong member si Rian ng Tanghalan" paalala ni Irene.
"Tama! Arte lang naman ang lahat diba? At alam nating lahat yan" segunda pa ni Franz.
"Kung may nakakakilala kay Rian diba dapat tayo yun kasi mahigit isang taon na nating kasama si Rian" sabi pa ni Lance.
"Bahala kayo. Basta alam kong inlove si Rian kay Kent" matigas na sabi ni Aldrine.
"Guys. Bet lang kaya naging sila at tayo pa nga ang may kagagawan nun diba?" Paalala ni Irene.
"Kaya nga? At dahil lang yun sa 5 Months Chocolate niya. 1 month nalang at matatapos na ang deal kaya matatapos na rin ang pagiging mag MU nilang dalawa ni Kent." nakangiting sabi ni Lance.

Rrrrrrriiiiiiiinnnnnngggggg .....

"Tara na guys" aya ni Irene na inaayos na yung mga gamit niyang nakalagay sa lamesa.

**

Tumambay muna si Rian sa Cafe ng school para umorder ng choco strawberry slice cake. Favorite niya yun at hindi mabubuo ang araw niya pag hindi siya nakakain nun.

Habang kumakain siya pumasok ang mga member ng cherring ng school nila.

"Look hows here. Rian" maarteng sabi ni Mariz, ang cheer leader.

Hindi nalang niya pinasin ito at ipinagpatuloy nalang ang pagkain niya. Ngunit sadyang inaasar yata siya ng mga to at umupo pa sa katapat niya. At maarteng naspray ng pabango sa hangin.
"Ohh ! Sorry!" Paghingi ng sorry nito na halata namang sinadya niyang gawin yun.

Nilingon niya ang babae at tinignan ito ng masama.
"Hey ! Im sorry. I can buy you nalang alam ko namang walang kang extra money so ill treat you nalang" nakangiting sabi nito at naglabas ng one hunderd sa walet niya at inabot sa isa niyang kasama.
"Shut your mouth" timping sabi ni Rian habang kinocontrol ang inis niya sa babaeng kaharap.
"I insist. You dont have enough money to buy another slice of cake" sabi pa nito.

Dahil sa sinabi ni Mariz hindi na siya nakapagpigil at tumayo na siya. Aalis na dapat siya kaya lang nahawakan ni Mariz yung braso niya.
"Wag kang maarte. Hintayin mo yung binili ni Pat baka magsumbong ka pa kay Kent." Sabi pa nito.
"Ewan ko ba kay Kent kung bakit ikaw pa ang nagustuhan at hindi ako. Di hamak naman na walang wala ka sakin" sabi pa nito.

Sa mga sinabi ni Mariz hindi na nakapagpigil si Rian at sinagot na niya ang babae.
"I can buy for my own. I dont need your money" pagsisimula ni Rian. "At tinatanung mo pa talaga kung bakit hindi ka nagustuhan ni Kent. Hindi pa ba obvious?" Nakangiting sabi niya kay Mariz.
"Sabagay. Paano mo malalaman e wala ka nga palang utak" patuloy na sabi nito.
"How dare you to said that" inis na sabi ni Mariz.
"Bakit may mali ba?" Maang maangan na sagot ni Rian.

Akmang sasampalin na sana siya ni Mariz ngunit mahawakan ito agad ni Rian at sinampal si Mariz.

"Ohhhh !!" Sabi ng mga tao sa loob ng cafe.
"You slut" sabi nalang ni Mariz habang hawak ang pisngi na nasampal ni Rian.
"Are you calling yourself?" Pangiinis na sabi ni Rian at kinuha na yung bag niya at aalis na sana siya ngunit bumalik siya kung saan nakatayo si Mariz at parang hindi pa niya naaadapt yung nga pangyayari.
"One more thing. Dont you dare talk to me when im eating" pagkasabi niya nun umalis na siya ng cafe at dumiretso na siya sa classroom niya.

**

Nandun na yung teacher niya sa loob ng classroom niya kaya naman sa likod siya pasimpleng dumaan.

"Your late" sigaw ni Mrs. Cruz kaya dumiretso siya agad ng tayo. Kasalukuyang center of attraction siya ng klase dahil sa kanya lahat nakatingin ang mga classmate niya.
"Care to explain?" Nakataas na kilay na tanung ni Mrs. Cruz kay Rian.

Hindi na naman bago sa kanya ang mga eksena. Lagi naman kasi siyang napapagalitan nito kaya parang baliwala nalang sa kanya ang galit nito. Magsasalita na sana siya ng biglang magsalita ulet si Mrs. Cruz "Nevermind. Go to your seat" at nagdiscuss nalang ito ulet. Kaya yung mga classmate niya tumingin na sa blackboard.

Pagkaupo niya kinalabit naman siya agad ng mga nasa likod niya.
"What happen?" Tanung ni Irene sa kanya.
"Later. Im still not in the mood" sabi niya without looking at her back.
"Your always not in the mood" bulong ni Irene ngunit rinig naman niya. Hindi nalang niya pinansin at baka makita pa siya ni Mrs. Cruz. Apple of the eye pa naman siya ng guro.

Hindi nagtagal natapos na rin ang klase niya sa araw na yun. Tatayo na sana siya ng bigla siyang paupuin sapilitan ni Irene
"What happen to the cafe?" Tanung ni Irene.
"Nothing" sabi naman ni Rian.
"Anung nothing. Explain this" at ipinakita naman ni Franz yung hawak niyang cellphone kay Rian na pineplay yung video na nangyari kanina.
"Anu pang ieexplain ko. The video explain everything" inis na sabi ko.
"Hindi lahat ng pangyayari nakita sa video" sabi ni Aldrine.
"Hays! Enough of the iniciation. Her superman is here" sabi ni Lance at nakatingin sa may pinto.
"Ill call you later" inis na sabi ni Irene at umalis na kasama ang iba.

"Hey! Im sorry about Mariz" bungad sa kanya ni Kent.
"Its nothing" sabi ni Rian at nagsimula ng maglakad.

Hindi na nagpumilit pa si Kent na pagusapan ang nangyari kanina. Alam naman niyang okay lang si Rian. Knowing Rian.

------------------------------------------------------

enjoy reading ....
And dont forget to VOTE if you like this chapter.

~Enajerlovesyou

I Win You Through A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon