CHAPTER EIGHT

0 0 0
                                    

KINABUKASAN ay napilitang mag duty si Shivani dahil nagpatawag ng meeting si Dr. Maude. 11AM pa naman yung meeting kaya lang umabot si Shivani sa hospital ng 10 AM, sinadya niyang agahan para makatulong  pero kahit pala sa pagtulong kay hindi siya makakatulong dahil masyadong busy ang lahat at stable naman ang sitwasyon kaya dumiretso nalang siya ng sariling opisina at inayos ang mga kalat niya since these past few days napapabayaan na niya ang cleanliness ng opisina niya.
...
It took her 30 mins para maayos ang opisina at ang naiwang 30 mins ay ilalaan niya sa pag aayos ng sarili. Sinuklay niya naman ang sariling buhok tsaka naglagay ng kolorete sa mukha tsaka sinuot ang hospital gown at lumabas na siya tsaka dumiretso ng meeting room. Nang makapasok na ay naabuton niyang naka upo na sa mga upuan sina Dra. Colter, Dr. Maude at si Dr. Kian Maude. Pero sa kanilang tatlo, si Kian lang ang ngumiti sakaniya ang dalawa naman ay seryosong nakatingin lang sakaniya. "Good Morning" Pagbati niya sa lahat. Masama ang pakiramdam niya dito pero pinili niyang umupo sa tabi ni Dr. Maude. Ilang minuto inantay nila bago nagsidatingan ang ibang miyembro ng Board at nagsiupuan
at na

"Now that everyone is here. I would like to officially open this meeting" seryosong sabi ni Dr. Maude at binati ang lahat. "The agenda of this meeting is to know if we should keep the vice president position for Dra. Del Fuerra or not." Napasinghap naman ang lahat sa gulat sa anunsyo ni Dr. Maude, napakunot naman ang noo ni Shivani at tumingin kay Dr. Maude. Binigyan siya nito ng blanko at seryosong tingin.

" I don't understand Dr. Maude, what do you mean?" seryosong tanong nito kay Dr. Maude, nahagilap naman ng mata niya ang nakangising si Dr. Colter.
Ramdam ni Shivani ang kulo ng dugo niya dahil panigurado ay ma dedelikado ang posisyon niya ngayon. Kung ano man yun, panigurado lagot na siya.

"We are planning to take away the Vice President position from you" sabi naman ni Dra. Colter

"On what grounds? with all due respect Dr. Maude, I've been doing good in my Job. I don't recall any mistake that put the hospital in danger." seryosong paglalaban ni Shivani. Hindi siya puedeng mawalan ng posisyon ngayon lalo na't hindi niya pa natatapas ang misyon niya.

"That's exactly what I'm thinking. Can you tell us what Dra. Del Fuerra did?
for us to understand kung bakit kinukuha ang posisyon sakaniya?" Tanong naman Dr. Lopez na sa pagkaka alam ni Shivani ay kanang kamay ito ni Dr. Maude. Sinenyasan naman ni Dr. Maude si Dra. Colter pa kaagad na tumayo at pina andar ang projector. Blanko muna ito tsaka nag salita si Dra. Colter.

"Dra. Del Fuerra has been gone for 4 years at bago pa man siya mawala dito ay hindi na maganda ang performance niya as Vice President. Marami siyang pagkukulang at nang bumalik siya mas lalong magkaroon ng kababalag-han sa Hospital na ito. Marami tayong VIP clients na nawala and reason may isang tao daw na pumipigil sakanila na mag invest at tumulong sa hospital," Ok she admit na malabo ang performance niya as vice-president pero yung tungkol sa investment at alok na tulong so hospital ay hindi na niya gawa yan. Ang ginawa lang niya ay huwag mag pa VIP sa hospital dahil sa rason na puno na ang Ospital. Ang galing naman talaga ng mga kalaban niya, maduming makipaglaro at gumagawa ng istorya.

"At alam niyo ba kung sino yung tinuturo? No other than Dra. Del Fuerra" Binigyan naman siya ng ngiti ni Dra. Colter, ngiting tagumpay.  She showed on the Screen ang isang litrato kung saan kausap niya ang isang tauhan ni Don Louis "Aside from that."  Damn. Nahuli siya.

Sumunod naman ay ang CCTV footage na iniwan niya ang threat letter ni Don Louis sa ilalim ng pintuan ng office ni Dr. Maude "Siya ang nagpadala ng Death threat kay Dr. Maude recently" Parang nabuhusan naman siya ng malamig na tubig sa rebelasyon ngayon. How come nahuli siya? Buong trabaho niya ay naging maingat naman siya pero bakit nahuli siya? Is this the end of her?. The next na pinakita sa screen ay another CCTV footage kung saan pumasok siya sa opisina ni Dr. Maude at naghahanap ng magagamit niya laban dito. In short, that was yesterday's footage. She is really really doomed. Akala ba niya walang CCTV sa office ni Dr. Maude? She was careless, hindi niya inakala na nakatago pala.

MS1: Lucrative OperationWhere stories live. Discover now