HAWAK hawak na ni Shivani ang resulta ng bawat test at tama nga siya, may brain tumor ang pasyente. She checked every MRI Result at nasa tamang kalakihan lang ang tumor, hindi lang tamang kalakihan, kundi nasa maximum size ito, he really needs to undergo surgery.
Bumalik na si Shivani sa Emergency room at doon naghihintay ang pamilya ng pasyente, napansin naman nito na inaasikaso ni Dr. Maude ang pasyente. Bakit ba kase nandito iyan? Naka surgical uniform ito, kakatapos lang ata operahan ang presidente.
Naglakad naman si Shivani papunta sa pamilya ng pasyente na napatayo nang makita siya. Napansin din niyang lumapit si Dr. Maude.
"Mrs. Reyes, the results are out. It turns out that Mr. Reyes has a brain tumor." Seryosong pag anunsyo niya sa kanila at napansin naman ni Shivani na nagtataka ang mga ito kung ano nga ba ito. Ok she needs to explain. Magsasalita na sana siya ng inunahan siya ni Dr. Maude. Ang hilig talaga nitong makisawsaw! Ba't ba kasi nandito ito?
"Brain tumor is a mass or a growth ng abnormal cells ng brain. May iba't ibang brain tumors na nag eexist merong cancerous or minsang tinatawag na malignant. Meron din non cancerous which is the benign. Ang nag cacause po dito is too much exposure sa radiation or sometimes naipapasa mula sa ninuno or through genes. " kung normal na tao ako at walang pinag aralan sa medisina, hindi ko talaga maintindihan kung anong pinagsasabi nito. Pero well it's not that bad na siya ang nag explain dahil mas marami itong alam since neurologist siya, specialty niya iyan.
"Nakamamatay po ba ito?" Alalang tanong ng anak ni Mr. Reyes.
"Well, Gliobastoma multiforme also known as GBM is the deadliest of all brain cancers and it's widely regarded as incurable at Fatal. As I can see to the patients' condition..." inilahad naman ni Shivani ang resulta kay Dr. Maude at tinignan naman ito nito. Napabuntong hininga naman ito bago ulit nagsalita. "He has the most common grade IV brain cancer which is Gliobastoma, nasa Frontal lobe ito ni Mr. Reyes at ang kalakihan nito ay 26%, this could affect his personality, movement, and sense of smell."
"Doc, gagaling pa po ba siya?" Naiiyak na tanong ni Mrs. Reyes.
"Yes, there is a posibility na gagaling siya if he will undergo surgery and radiation therapy. Then patuloy na mag pa check up at uminom ng gamot." Napaiyak nsman ang pamilya nito dala ng pag aalala at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Magkano po ba ang lahat ng iyan? Magkano po ang gagastosin?" Alalang tanong ng anak nito at hindi na mapakali. Napabuntong hininga naman si Dr. Maude at napatingin kay Shivani.
Ano? Ako ang magsasabi?
Binibigyan kasi siya nito ng tingin na siya ang magsabi, well as far as she knows..."It is around PHP 300-500,000 po ang gagastusin over all." Sabi nito at agad naman na napaiyak ang pamilya ni Mr. Reyes.
Biglang napa upo si Mrs. Reyes, mukhang nanghina naman ito dala ng pagod at pag aalala tsaka napatingin sa asawa nito. Napatingin naman si Shivani sa Pasyente at nakaramdam ito ng awa, may ginawa namang kabutihan si Mr. Reyes sakaniya, why not return the favor right?
"I'll pay for your bills. Lahat ng surgery, treatment, mga gamot ako na po ang magbabayad." Seryosong sabi ni Shivani, kaya gulat namang napatingin ang mag ina sakaniya pati na rin si Dr. Maude.
"Are you serious?" Bulong na tanong ni Dr. Maude sakaniya kaya naman tumango si Shivani, binigyan pa rin siya ni Dr. Maude ng hindi makapaniwalang tingin.
"Nako doc! Huwag na po! Nakakahiya. Gagawa nalang po kami ng paraan para mabayaran ang babayarin. Hindi mo po kailangang bayaran ang pagpapagamot sa asawa ko."
Binigyan naman nito ng senseridad na ngiti ni Shivani bago hinawakan ang dalawang kamay ni Mrs. Reyes. "No, I insist. Tsaka minsan na akong tinulungan ni Tatay Juanito" nakangiting tinignan ni Shivani ang walang malay na pasyente. Nakatingin naman ang mag ina at nagtatakang napatingin kay Shivani. "Po? Ano'ng ibig sabihin mo doc?" Tanong ni Mrs. Reyes dito at naalala naman ni Shivani ang magandang nagawa ni Tatay Juanito sakaniya.
YOU ARE READING
MS1: Lucrative Operation
RomanceHe is a Medical Neuro-surgeon Doctor He is a Mafia Boss He is the President of the Hospital He is the man for her She is an Internal Medicine Doctor She is a consigliere of the enemy She is the Vice President of the Hospital She wants revenge agains...