CHAPTER THIRTEEN

0 0 0
                                    

ANAK dahan dahan lang at baka mabulunan ka." Paalala ng
Mommy ni Knox kay Shivani na ngayon ay malakas na kumakain. Uminom muna ng tubig si Shivani bago nagsalita, "Pakiramdam ko po hindi ako nakakain ng isang taon."
Natatawang sabi ni Shivani, napatingin naman siya kay Knox na kanina niya
pa napapansin na nakangiting nakatingin sakaniya.

"What?"

"You're cute" malambing na sabi nito sakaniya, she can also see the admiration in his eyes that made her blush like hell.

"Matagal ko nang alam iyan." napatawa naman ito ng mahina at umupo ng maayos. Sakto naman na kakatapos na ni Shivani sa pagkain ng hapunan.

"Nasan na pala si Dorian?" Tanong naman niya kaagad. na ikina wala ng ngiti ni Knox tsaka ito bumuntong hininga ng malalim.

"Dinala na siya ni Kian sa Headquarters ng mga pulis. You don't have to worry." tumango naman siya at nakuntento.
Ilang minuto din silang nagligpit ng kinainan at nang makatapos ay
dumiretso na sila ni Knox sa kwarto niya.

"I'll dress your wound" sabi ni Knox at inayos ang dressing kit.

"Mamaya na. Maliligo na muna ako I feel so sticky na ma admit sa hospital
simula kahapon." Napangiti naman ito sa pagrereklamo niya at tumango ito.

"Bilisan mo, magpapahinga ka pa." There is a full of Authority in his voice that made Shivani rolled her eyes at him. Sumaludo naman siya dito bilang pagbibiro.

"Yes sir!" Mabilis niyang kinuha ang towel at ang pamalit damit na bago tsaka dumiretso ng banyo at maingat na naligo.

Binat who?

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya kaagad ng banyo at umupo sa tabi ni Knox na naghihintay sakaniya.

"Knox you look like a dog" Napakunot naman ang noo nito sakaniya dala ng pagtataka.

"You were patiently waiting for me without moving in your position." Inirapan naman siya nito at tinignan ang sugat niya tsaka ito nilinis at tinakpan, after 10 minutes ay natapos na niya ito tsaka niligpit ang gamit.

"You should rest now. Off duty ka until 3 days kaya take that time to rest." Seryosong sabi nito at inalalayan siya pahiga sa kama. Magtaka naman siya sa sinabi nito.

"Huh? Eh paano ang emergency room?"

"Don't worry about that. There's always a solution to a problem, pero for now you should rest and get a full recovery." Pinatay naman nito ang ilaw pero umaandar pa naman ang lamp na nasa tabi ng higaan niya. Inayos ni Knox ang kumot niya at hinalikan siya sa Noo. "Rest my love. Goodnight, I love you."

Hindi naman siya umangal na pinapatulog na siya nito dahil kailangan din naman ng katawan niya iyon

"Goodnight Knox, I love you too" her response bago pinikit ang mga mata, Ramdam niya naman ng lumabas na si knox and the moment he closed the door, ay mabilis dinampot ng kamay niya ang telepono niya at binuksan ang group chat tsaka nag message sa group chat nilang mga internal medicine and Emergency doctors.

Tinanong niya kung sino ang mag duduty for the next 3 days at isa lang ang sinagot sakaniya. Ang dalawang 4th year residents since halos lahat pa mga doktor ay after 3 days pa ang balik. Sinabihan niya naman na incase na may situation sila na hindi ma handle tumawag lang sila sakaniya o di kaya mag message in group chat. Nag usap pa sila ng ilang minuto hanggang sa nakita ni shivani and shadow ng tao sa harap ng pintuan niya kaya mabilis niyang pinatay ang phone tsaka nilagay sa bedside table at nag panggap na tulog.

Bumukas ang pintuan ng room niya at kahit hindi niya nakikita ay alam niya ang amoy ng bagong ligo na si Knox, dahan dahan nitong sinara ang pintuan tsaka humiga sa tabi niya.

MS1: Lucrative OperationWhere stories live. Discover now