CHAPTER FOURTEEN

0 0 0
                                    

SHIVANT Feels energized while walking into the hallway sa opisina niya, Knox is holding her hand while talking to the investors over the phone. Huminto muna sila na harap ng sariling opisina ni Shivani at kinalabit ng mahina si Knox sa braso para magpaalam sa fiance niya na papasok na ito sa opisina pero sinenyasan siya nitong mag intay. kaya tumango naman siya. Very demanding ha.

"Yes sir. Excuse me sir, i'll get back to you in a minute." Pinindot
naman nito ang voice silent sa telepono saka siya nito hinarap at hinalikan sa Noo. "Call me when you need me okay?"

Maamong paalala nito sakaniya at tumango naman si Shivani bilang pagsagot. "Good, I love you" Napangiti naman siya sa ka sweetan nito. He's being extra these past few days.

"I Love you too" Pagsagot niya naman tsaka binitawan nito ang kamay niya at nag paalam na pupunta na ito sa opisina nito tsaka siya tinalikuran at bumalik ulit sa telepono habang naglalakad.

Pumasok naman si Shivani sa sariling opisina tsaka nilagay ang bag isa lamesa hanggang sa nag ring ang landline sa office niya na kaagad niyang sinagot. "Dra. Del Fuerra speaking"

[ "Doc, there would be 16 critical Patients that involved in Car traffic accident will arrive in 5 minutes, Dr. Fabregas asked if it's possible for you to come down here for help?"] Magandang bungad nga naman.

"Ok i'll be there in 5 minutes."
Pagsagot niya tsaka dali daling kinuha and hospital gown tsaka sinuot ito, tinali niya din ang buhok niya at mabilis na lumabas ng opisina, sakto naman na bakante ang elevator kaya pumasok na siya doon at bumaba so. First floor. Mabilis miyang tinakbo ang Emergency room at hinihingal na dumating sa loob, sakto lang ang pagdating niya dahil kasabay non ay sunod sunod ang pasyenteng pinasok sa loob ng emergency room na nanggaling sa ambulansya. Sunod sunod namang inasikaso ng emergency doctors ang mga pasyente, halos mga duguan ito at umuungol sa sakit ng katawan at sugat.

"Another patient coming in'." Nabaling naman ang tingin ni Shivaní sa ika 16th patient na pumasok ng emergency room at tinutulak ng rescuers ang hinihigaan ng pasyente na pumasok sa emergency room nito. Parang nahulog naman ang puso ni Shivaní sa gulat at alala.

"KIAN!" sigaw niya na naka kuha ng atensyon ng lahat tsaka niya tinakbo papunta rito, wala itong malay at duguan ang buong mukha't braso nito. Nanginginig nitong tinignan ang sugat ni Kian tsaka hinarap ang rescuers.

"Ano'ng status niya kanina?" Tanong niya kaagad habang tinutulak nila papunta sa isang hospital bed.

"Nabanggaan po siya ng Truck na nawalan ng preno tapos base sa witness  namin, sunod sunod na kaagad ang aksidente. Wasak po ang buong sasakyan, swerte nga po at hindi siya ganon naipit kaya nailabas siya namin agad agad pero yun nga lang naipit masyado ang kaliwang kamay niya. Mahina na rin po ang pulso niya." sabi ng isang rescuer habang nililipat nila si Kian sa hospital bed at kinakabitan ng monitoring pads.

"May kasama din po siyang babae " Napakunot naman ang noo ni Shivani sa sinabi nito.

"Sinong babae?"

"Ayan po papasok na" Napalingon naman si Shivani sa Entrance ng
Emergency Room at may rescuers na nagdadala ng pasyente, nang maaninagan ni Shivani kung sino ito ay napatakip siya ng bibig sa sakit at gulat "Oh my god, Eliza!" Lalapitan niya sana ito ng hinarangan siya ng nag aalalang mukha na si Sage.

"Ako na ang bahala kay Eliza, she's not included with the critical patients, Unahin mo si Kian please" nagsusumamo ang mga mata nito at tinalikuran siya tsaka nilapitan si Eliza. She will trust Sage in this. Alam niyang maililigtas nito si Eliza. As much as she wanted to help mas importante si Kian ngayon kaya bumalik na siya kay Kian at tinignan and vitals nito so machine, it's not good, sobrang baba nito at critical changes of Survival.

MS1: Lucrative OperationWhere stories live. Discover now