CHAPTER SEVEN

0 0 0
                                    

Nakalipas ang ilang araw simula nung nag salpukan - well hindi naman literal na salpukan pero ganon pa rin yun. Nagka initan sila ni Dra. Colter at panigurado hindi maganda ang magiging harapan nila ngayong araw.

Yes, on duty na siya at ngayon papunta na ito sa emergency room para gawin angtrabaho. Nang makarating na ito sa emergency room ay sinalubong kaagad siya ng gulat dahil lahat ng mga Nurse at Doktor abala Sa napakaraming pasyente.
Ito rin ang kaagad niyang ikipinagtaka.

What's happening here? Hindi nito maiwasang itanong sa Sarili. Kaya naman ay nilapitan niya ang isang Nurse at kaagad itong tinanong. "Ano'ng nangyayare dito?"

"Doctora, nagkaroon ng aksidente
ang isang bus, base sa narinig ko nawalan daw ito ng break tapos tumagilid sa highway. Ilang sasakyan din ang naaksidente. Ang isinugod po sa atin ay ang mga nakasakay sa Bus, habang -yung ibang sasakyan na naaksidente ay sa ibang hospital dinala since punong puno at okupado na ang hospital natin."

Nagpasalamat naman si Shivaní sa Nurse pero bago pa man ito maka alis ay napansin na niyang marami pang pumapasok na pasyente, yung iba hindi ay hindi na naaatupag kaya naman ay pumunta na siya sa isang pasyente.  Sumisigaw at namamalipit ito sa sakit ng sugat sa tuhod at ulo na kasalukuyang dumudugo. There's a possibility na mag cacause ng bleeding and further damages sa skull ng pasyente, kinakailangan niyang has eksperto ang tumingin dito, pero for now she needs to stop the bleeding.

Kaagad naman siyang nilapitan ng isang Nurse para tulungan siya. Inayos nila ang posisyon ng pasyente at sinimulang gamutin ang ito, mabibigay niya lang ang first aid para sa sugat nito pero malabong ma operahan niya ito dahil base so sugat nito... lumalabas ba naman ang buto.

"Call Dr. Fiscal of Orthopaedic department if he's available,tell him we need an urgent surgery." Utos ni Shivani sa Nurse na kaagad namang
sinunod. Naagapan na ni shivani ang tuhod ay kaagad nitong pinagtuonan ng pansin ang noo ng pasyente. Namamaga ito at hindi naman dumudugo base sa dito, Kitang kita na nagkakaroon ng pamamaga pero mukhang magkaka bleeding at infection sa loob nito. Isa din ito na kailangang operahan. Hindi mapigilan ni Shivani na makaramdam ng stress dahil sa kumplikasyon na nararamdaman ng pasyente na hawak niya ngayon. Parehong emergency operation ang dalawang parte ng katawan nito pero as far she knows walang neurosurgeon ngayong araw at babalik pa sila alas dos ng hapon dahil may mga seminar ang mga ito. Tinignan nito ang orasan at 8.A.M. palang, kapag hindi naagapan ang bleeding ng pasyente sa ulo, hindi na aabot to.

Nag isip muna si Shivani ng solusyon tsaka tinignan ang schedule ng mga neurologist na naiwan sa hospital pero tatlo lang ang naiwan, yung dalawa may hinahandle na operasyon ngayon. Ang isa naman ay off duty. So she had no choice but to call that person na off duty. She took out her phone and called Dr. Rivera, gladly pagkatapos ng ilang ring ay sinagot naman ito kaagad

["Dra. Del Fuerra, ang aga aga na miss mo kaagad ako?"] pilyong sagot nito pero halata naman sa boses niya na kagigising lang nito.

Night duty kasi ito kagabi kaya understandable na natutulog ito, tsaka wala siyang magagawa kahit na naaawa ito sa kalagayan nito walang siyang choice ay kundi tawagin ito, they need to save the patient.

"I'll repay you later, i'll grant whatever you want. Pero for now, pwede mo ba akong tulungan na iligtas ang pasyente dito?"  Natahimik naman ito ng ilang minuto bago magsalita.

[" Sure then. Where are you?"] Seryosong tanong nito sakaniya at sinabi naman ni Shivani na nasa Emergency Room siya. Pinatay naman kaagad ni Dr. Rivera ang tawag.
Panatag na ang kalooban ní Shivani na mabibigyan ng lunas ang problema mya. May tiwala naman siya kay Dr. Rivera dahil kung sa pagalingan lang ng abilidad ay ikalawa ito sa kay Knox.

Nagulat naman si Shivaní na pagkabukas ng pintuan sa Emergency room ay bumungad sakaniya si Lorenz na halatang halata na kagigising lang pero naka hospital Uniform ito at suot suot ang puting lab coat niya.

MS1: Lucrative OperationWhere stories live. Discover now