CHAPTER TWELVE

0 0 0
                                    

She is so tired. Halos ayaw na niyang tumayo sa sofa ng Office niya. Pakiramdam niya ay pinunit ang buong katawan niya sa pagod, sobrang hectic ng emergency room since konti lang ang naka duty ngayon, simula nung nag vacation leave ang ibang doctors. 14 hours on duty na siya at 10PM na ni hindi pa siya nakakain ng Lunch at dinner, pero ayaw pa niyang umalis kailangan niya pang i-fulfill ang duty niya until 11pm.
Iidlip sana siya ng nag ring ang phone niya na kaagad niyang sinagot. "Hello?" Tinatamad niyang pag sagot.

["Are you okay? I think you're tired "] inimulat niya ang mga mata tsaka napangiti sa bases na narinig niya. It's Knox.

"Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" Binigyan niya ito ng nag tatampo na
tono.

[" I've been calling you the whole day pero di mo sinasagot, kaya tumawag na ako sa Nurses station and they said you were busy dahil sa dami ng pasyente diyan.] Napa 'ow' naman siya at tumawa ng mahina

"Sorry, di ko napansin. Sobrang hectic ng ER. Di naman ako emergency doctor pero ako ang gumagawa ng trabaho nila. Kailan ba matatapos ang vacation leave nila?" Tanong nito kay Knox. Hindi naman siya nag rereklamo, nagtatanong lang.

[" In 4 days, their vacation leave will end. Kung gusto mo papabalikin ko sila ng mas maaga?."] Umiling naman si Shivani don as if makikita ni Knox.

"Huwag na. Deserve nila ng vacation since sa dami ba naman ng trabaho nila
Sa ER."

["Have you eaten dinner?"]

"Nope. Ni lunch hindi pa."

[''Ok, I'm on my way there since Night duty ako ngayon. May dala din akong pagkain."] Napalawak naman ang ngiti ni Shivani sa narinig. Kahit kailan talaga spoiled na spoiled siya sa Fiance niya.

"Yay! Ok thank you!" Biglang nag buzz ang phone niya kaya tinignan piya kung ano ito, "I have incoming call
Knox."

["Ok see you later."]

"Ok see you. Bye!" Pinatay niya kaagad ang tawag tsaka sinagot ang sunod.

"Dra. Del Fuerra speaking"

[ "Ms. Del Fuerra this is P02 Ramirez. There is a situation while transporting Dorian Lopez to the headquarters"] Seryosong sabi ng pulis kaya napakunot ang noo niya at umupo ng maayos.

"What situation?"

["Nakatakas siya about an hour ago, hindi namin ma contact si Dr. Maude kanina kaya ikaw nalang ang tinawagan ko."] Out of frustration, nahampas ni Shivani ang katabing lamesa.

"How come nakatakas?! Did you try finding him?!"

["Ongoing pa ang search Ms. Del Fuerra. We'll try our best to find him, I just informed you so that you are aware about the situation. "]

Napabuntong hininga naman siya ng malalim.

"Send me the transportation location, details, as well as kung paano at saan siya tumakas. Do your best to find him please."

["Will do that Ms. Del Fuerra"]

"Ok thank you. Please inform Dr. Maude as well."

Pinatay niya kaagad ang tawag at napahawak ng batok sa stress.
An hour ago? Where will he go this time? Ano'ng plano niya? For sure gagawa naman ito ng gulo.
Tumayo naman siya at inayos ang sarili, she's bothered pero
hindi niya ito hahayaan na maka interfere sa trabaho niya. Nang makuntento sa ayos ay binuksan na iniya ang pintuan at saktong pagbukas niya ay parang tumalon ang puso niya sa gulat.  May Baril na nakatutok sakaniya at hindi na siya magtataka kung sino ito.

"Dorian." Malademonyo ang tingin nito sakaniya.

"Atras Shivani. Atras." Matalim niya itong tinignan, May silencer ang baril nito at mukhang plano nitong tapusin siya. Hindi niya sinunod ang utos nito, instead tinignan niya ng hallway. Puro opisina dito at soundproof ang
ang bawat opisina, walang tao
at nasa 10th floor sila. Walang makakatulong sakaniya.

MS1: Lucrative OperationWhere stories live. Discover now