[KURT]
"Lilian, it's already 30 minutes, nakapili ka na ba?" tanong ko habang nakaupo sa isang sofa dito sa Chanel store.
Lumapit sa 'kin si Lilian na may hawak na dalawang dress. "I'm not sure if I'll get this one or this one, eh."
Napaismid ako.
"Psh. Just get both of them. Ako naman ang magbabayad, eh."
"Okay."
Kanina pa kami ni Lilian dito sa Chanel store.
Obviously, pinagsho-shopping ko siya.
Bawi ko na rin sa mga pagkukulang ko sa kanya.
At wala namang problema sa 'kin ang gastos.
I'm a billion heir.
I have an unlimited source of money.
Ang ayaw ko lang kapag nasa mga ganitong store kami, ay ang tagal niya mag-shopping.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga babae.
"Babe," tawag ulit sa akin ni Lilian sabay pakita naman ng dalawang bag. "Which bag do you think is better? White or pink?"
"White," parang wala nang lakas kong sagot.
Pareho lang naman ang bag.
Magkaiba lang talaga ng kulay.
Tsaka parang pareho namang hindi maganda.
Basta pumili na lang ako para matapos na.
"Are you sure? White?"
"Oo nga."
"But how about this pink one? Cute din naman 'di ba?"
"Yeah."
"So... Pink na?"
Muli akong napaismid at napabuntong-hininga. "Yeah. The pink one."
"Uh... I changed my mind. I think the black one is the best choice. Wait..."
Pambihira!
Napahilamos-kamay ako.
Parang gusto kong magmura.
"Babe, kung wala ka nang mapili, don't push it," sabi ko. "Bayaran na natin ang iba mong nakuha. Or lumipat naman tayo ng ibang store if you want. Kanina pa tayo nandito. Nababagot na 'ko."
"Ito naman. Oo na. Mabilis na lang 'to. I'm almost done na."
Bahagyang lumayo sa pwesto ko si Lilian.
Hay...
Naiinis na talaga ako.
Pero kunsabagay, sa mga ganitong pagkakataon na lang naman ako nakakabawi sa kanya, eh.
She deserves this after all.
I may not be faithful to her as her boyfriend, but at least, I can give her all the material things she wants.
Though I don't really know if that's already enough for her.
But maybe that's my way of loving her.
By giving her all the fancy things she wants.
And I love Lilian so much.
Mayamaya, bumalik na rin si Lilian na bitbit ang mga napili niyang damit at bag.
"I'm done," she said with a wide smile pasted on her face.
"O bakit parang ang saya mo?"
"Someone just helped me kasi. Eh nakaka-stress kasi pumili. Ayaw mo naman akong tulungan."
"Someone helped you? Who?"
"I don't know her. But she's also a customer here. Natuwa nga ako kasi pareho kami ng necklace, eh. May ganito rin siyang sapphire necklace."
Kumunot ang noo ko.
May sapphire necklace din?
It's a limited edition necklace.
Sampung tao lang sa mundo ang meron nito.
At bukod kay Lilian, isang babae lang naman ang alam kong meron din nito.
Hindi kaya...
"Nalaman mo ba ang pangalan niya?"
Saglit na nag-isip si Lilian. "If I'm not mistaken, her name is Nicole."
BINABASA MO ANG
Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!"
RomanceSidechick Series #1: "Yes, I'm His Bitch!" (Nicole Policarpio's story)